Kabanata Three!
"Goood moorningg, Natalie!" bati ko pagkababa ko mula sa kwarto.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Good morning din. Hahaha! Bakit ang hyper mo ngayon?" tanong niya sa 'kin.
Bumitaw ako sa yakap. "Syempre! Malapit na ulit mapasakin si Marcus-----aray!" binatukan niya 'ko. Huhuhuhuhu!
"Pards! Shunga ka rin noh? Kakabreak niyo lang balikan ulit? Tsaka may girlfriend na yung tao, makonsensya ka naman." sabi ni Natalie.
Then bigla ko na lang naalala si Veronica, bestfriend ko siya, kaya ko ba siyang traydurin? Syempre hindi! Unless kung si Marcus yung kusang babalik sa 'kin.
"Okay, okay! Basta, hindi ko kasalanan kung biglang bumalik sa 'kin si Marcus. Hihihi. I'm so excited------arekup!"
Napahawak ako sa ulo ko na binatukan niya for the second time.
"Baliw na baliw ka kay Marcus noh? Nako nako! Nasa huli ang pagsisisi." sabi naman nito.
"Anong connect?"
"Malalaman mo ang connect kapag pinagpatuloy mo 'yang kagagahan mo." sabi niya at pumunta na ng kusina.
***
Magkikita kami ngayon ni Alexis sa King Cafe, sila ata may-ari nito. King eh! Nakakabwisit nga si Natalie inasar pa ako kay Alexis. Tsss!
Papasok ako ng cafe ng matanaw ko si Alexis, nakasandal lang sa upuan habang may nakasalpak na headset sa tenga. Wow ah! Feel at home ang kolokoy.
"Huy." pagkalapit ko, kinalabit ko siya.
Dumilat naman siya agad. "Ikaw pala." sabi niya.
Umupo ako sa tapat niyang upuan.
"Bakit mo ko pinapunta?" tanong ko sa kanya. Tama, siya nga ang nagpapunta sa 'kin dito.
"Wala lang. Wala kasi akong makausap sa bahay. Boring ng mga tao, feeling ko nga home for the aged yung bahay namin eh. Puro matatanda." bored niyang sagot.
Napatawa naman ako dun. Ang sama!
"Grabe ka! Hahaha. Sa inyo 'tong cafe?" tanong ko sa kanya.
"Ah ito? Porket King ba, amin na agad?" tanong niya.
Napatango ako. "Sabi ko nga."
"Pero sa amin talaga 'tong coffee shop." tapos nagsmile siya ng malawak.
OKAY?
"Tara lakad lakad tayo sa labas." tapos hinawakan niya ako sa kamay at naglakad papalabas.
Ehh? Holding hands?
"Wag kang mailang sa 'kin Marian, friends tayo diba? Tsaka boyfriend mo naman ako. Normal lang." sabi niya at nagsmile ng malawak ulit.
Nagsmile back lang din ako.
Nagsu-sway yung kamay naming magkahawak. Siya naman patingin tingin lang sa dinadaanan namin. Tinignan ko siya, ang gwapo niya. Kahit ang weird kasi pink ang buhok niya. Agaw atensyon tuloy sa mga nakakasalubong namin.
"Is my hair looks bad?" bigla niyang tanong.
"Hindi. Ang weird lang kasi pink, tapos ang puti mo." sagot ko naman sa kanya.
"Well, that's my fashion." sagot niya. "Teka." huminto siya at humarap sa 'kin.
"Kwento ka naman." sabi niya sa akin. Tapos nagtuloy ulit kami sa paglalakad.
