Gwapo

4.8K 122 61
                                    

Badtrip 'tong si Dada at Tata, pinuyat ako. Hayuf. Hindi na bumalik? They played again last night.

WITH

OUT

MEH.

Prinovoke ako! P-R-O-V-O-K-E! PROVOKE! Pinukpok ko nang three times ang sahig! One two three! Pero hindi talaga sila bumalik.

HMP!

Beastmode parin ako paggising. Dumapa ako at dahan-dahang umupo sa kama. Kinusot-kusot ko ang cute kong mga mata. Maya-maya'y biglang pumasok si Yaya Mary, malawak ang ngiti.

Tinawagan na naman 'to ni Jose! Kinikilig eh!

"Hay naku, Beau! May gwapo sa labas!" kinikilig na sabi niya.

Gwapo?!

Sino 'yan!

AKO LANG ANG GWAPO SA MUNDO!

AKO

LANG!

MEH

ONLEH!

"No!" sigaw ko. Tumawa lang si Yaya at binuhat ako. Hindi niya ba nagets yon? Hay naku!

Paglabas namin ay hindi ko nakita si Mommy. Nasaan na naman nagliwaliw ang magaling kong ina?

Kinakamot ko ang ulo ko dahil sobrang kati. Bakit ang kati? Bakiiiit?

Pero nasaan na nga ba si Mommy?

"Where's mommy..." tanong ko kay Yaya. Nakita ko ang mat. Kumabog ang dibdib ko.

The mat...

Oh noez! It's a trap! Ayoko sa mat!

PJ! Give me strength!

"I don't!" naiiyak kong sagot. Ayoko sa mat! Dirty na 'yan! Hindi nililinisan! Lumingon ako sa paligid at nakakita ako ng salamin.

Pero bakit ang laki ng reflection ko sa salamin? Itinaas ko ang braso ko. Ang liit ng muscles ko, pero 'yong reflection ko, bakit ang laki?

Tsaka nakaupo siya sa sofa?

Gasps!

Bigla kong naalala ang sinabi ni Yaya kanina. Gwapo? Siya ba 'yon?

Parang hindi naman.

"O? Saan mo gusto? Where do you want?" tanong ni Yaya. Pinanliitan ko siya ng mata at tinuro ko ang sinasabi niyang gwapo. Ngumisi si Yaya. Hala siya?

Gwapo? Gwapo?! Pfft. Pag-syor oi!  Hindi naman!

Tinignan ko ang " gwapo " na nakaupo sa sofa namin. Nakita ko siyang namumutla. Hmp! Matakot ka, oi! Ako lang ang gwapo sa earth! Hindi ikaw!

"Oh? You want couch! Okay couch!"

No, I don't want couch, Yaya. Umirap ako internally. Pajulit-julit?

Tinanong nung... ew... " gwapo" si Yaya kung ano ang name niya at sinagot naman niya habang kinikilig. Sumbong kita kay Jose!

Inilapag ako ni Yaya sa tabi ni... yuck... "gwapo" at tinignan ako. Tinitigan ko siya pabalik. Gulat na gulat siya sa presensya ko. I smirked internally.

Tignan mo ako! Ako ang tunay na gwapo!

"Mary, kaninong anak 'to?" tanong ni ... sus... "gwapo".

"Kay Ma'am po. Bakit?"

Hinimas ko ang sofa. Yes, feels good. Hindi madumi.

"Hi big boy, what's your name?" tanong ni "gwapo" sa akin. Hmm.. bakit niya tinatanong?

Our Beau (jonaxx' Give In To You Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon