Sulyap

13 1 1
                                    

Hanggang sulyap nalang ba ako? Sana balang araw mapansin mo rin ako.

Mula sa malayo lagi kitang tinitignan. Bawat galaw mo, bawat lakad mo, bawat dribble at pag shoot mo ng bola at kahit bawat subo mo pag parehong nasa canteen tayo.

Mahirap dahil gusting gusto kita kausapin ngunit wala akong lakas ng loob. Kahit smile man lang o simpleng HI di ko magawa. Di rin kasi tayo close. Isa pa ang taas mo, mahirap kang abutin. Simple lang naman kasi akong babae, di ako kagandahan, di ako sikat sa campus. Samantalang ikaw gwapo, matangkad, maputi, sobrang singkit ng mga mata mo. Napaka sporty mong tao. Halas lahat ng laro alam mo. MVP ka ng basketball at I'm sure maraming naghahabol sayo.

Isang araw, nagtama yung mga mata natin. Ang saya ko nun to the point na nag assume ako na baka gusto mo rin ako hahaha. Pero one time lang nangyari yun.

Lagi kong tinitignan yung pangalan mo sa chat list. Oo nga. Online ka nga. Pero hanggang titig lang ako sa pangalan mo na may kulay green sa gilid. Kahit sa ganitong paraan, di ko alam pero masaya na ako. Minsan ginagabi ako sa kaka-stalk sayo kahit wala naman bago sa timeline mo.

Palihim kitang sinusundan ng tingin. Lalo na pag naglalaro kayo ng basketball. Simula nung nagkagusto ako sa'yo, may dahilan na ako para manuod nga laro niyo ng basketball sa school. Kung alam mo lang sana na palihim kitang sinusuportahan. Di ako pwedeng sumigaw dahil baka mas mahalata ng mga friends ko. Di pede dahil baka mabuking to. Pero sana nga hanggang crush lang to.

Andami kong ginawa na di mo nahahalata. Di ko man lang inisip na baka may ibang nagmamay-ari ng puso mo. Dun ko lang naisip na habang patagal na patagal mong magugustuhan ang isang tao, mas lalong lumalalim yung feelings mo sa kanya.

Ako nga pala to, schoolmate mo.


Sana mapansin mo ako. Sana balang araw. Sana.


***

So yeah, thanks for reading guys J and hindi po ito true story pero half of this is base on a true experiences, hehe.

Comment and vote ^_^

-Cars



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon