Chapter 7 ( Pigil pa more)

314 7 0
                                    

{ Shiro's P.O.V }

Nakakainis bakit ngayon pa yung photoshoot nila Lorem para sa F&S hindi tuloy sya nakasama sa seminar

Hindi ako sumabay sa ginamit na bus papuntang Baguio

Alam nyo naman na kung bakit

Andito pa ako sa F&S photoshoot hinihintay si lorem matapos

Ilang araw palang parang natutuwa naman akong kasama siya

Makulit at mabait si Lorem

Masayang kasama

Kaya lang very vocal sya sa mga gusto nya

"So after this I need to go" sabi ko kay Lorem

"I know mag ingat ka doon ha papakasalan pa kita" sabi ni Lorem

Nginitian ko lang sya

Baguio seminar

{ Iris' P.O.V }

ilang araw na simula pumasok si Lorem at naging close sila ni Shiro bihira ko na din makita si Shiro sa office at hindi narin nya ako sinasaman mag ayos

Parang namimiss ko na kasama ko si shiro

Yung kahit anong gawin namin chill lang masaya hindi boring

Yung pag wala ng topic gagawa sya ng way para mag katopic ulit

.haaay Shiro

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Timmy

Nasa baguio na pala kami

"Wala" sagot ko

"Or should I say, sinong iniisip mo?" Pangungulit ni timmy

" Iniisip mo si Shiro noh? hahaha ok lang yan ako din namimiss ko sya, simula kasi nung nililigawan ni Shiro si Lorem sila nalang laging mag kasama, nakalimutan na nya tayong mga kaibigan nya" sabi pa ni Timmy

Kaibigan

Kaibigan

Kaibigan

Kaibigan

Ang sakit sa tenga pero mas masakit sa puso

Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko

Parang may kumurot sa puso ko doon sa salitang Kaibigan

"Oh talaga nililigawan na ni Shiro si lorem ang bilis naman" sabi ni Alcalde

Nginitian naman sya ni Timmy

Si Ong naman nakasimangot halatang di nagustuhan yung naririnig

{ Timmy's P.O.V }

See punyeta tong babaeng to ang sarap sabunutan

Halatang may gusto din kay Shiro pero andami pang kuda

Ayan tuloy hahaha

Pero anyway walang ligawan na ngyayari

Si Iris kasi talaga ang gusto nun ni Shiro, haaay nako hide and seek nalang sila ng feelings

"Ris ano kaya magandang gawing surprise ni Shiro para kay Lorem?" Tanong ko pero syempre ang main reason ko ay bwesitin sya hahaha

Kasi napaka indenial

Halata naman pabebe pa sabunutan ko to eh hahaha

{ Iris' P.O.V }

Mga tanong ni timmy hindi na nakakatuwa nakakainis na

Sa akin pa talaga nag tanong kainis

"Oh hi Shiro" sabi ni Timmy sabay kaway

In TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon