A NIGHTMARE

55 3 0
                                    




CHAPTER VII


Unity's POV


"Mommy" Hinahanap ko ang boses na yun. Saan galing? Naikot ko na ang bawat sulok ng condo ko.

"Mom" Ako ba ang tinatawag nya?? tuliro na ako sa kakahanap kung saan galing ang boses na yun. Nagmula ito sa isang batang lalaki. Pakiramdam ko nasa loob ng condo lang sya. Andito lang ang boses ng bata. Ngunit asan na sya? bakit di ko matagpuan?

Natagpuan ko yung sarili ko na nasa loob ng silid ni Lola Cecile. Sa silid ng mansyon. Bakit ako andito? Kanina lang nasa condo ako. Ano bang nangyayari? May nakita akong libro sa paanan ko, nakabukas yung isang page kung san may nakalagay na isang maliit na bato na kulay berde. Kinuha ko yung libro. Kukunin ko na sana ang bato ng biglang mag ring ang phone ko. Wtf? phone ko?

Bumangon ako mula sa ingay ng cellphone na nasa side table ng bed ko.  Pag tingin ko sa alarm clock, alas tres palang ng madaling araw. Napakunot noo ako.

"Sino ba ang tatawag sa akin ng ganitong oras?"

"Hello?"

Ngunit walang sumagot sa kabilang linya. Tanging ang pag hinga lang nito ang naririnig ko. Naimulat ko yung mata ko na bahagyang nakapikit.

"Who's this?" Ganun pa rin ang nangyari. Walang sumagot. Nag end call na lang bigla. Nung tignan ko ang number, unregistered naman. Tinawagan ko ulit, kaso unattended na.

Tumayo na lang ako para kumuha ng tubig sa kitchen. Panaginip lang pala.


END OF HER POV



KINABUKASAN... maagang lumabas ng condo si Unity, magkikita sila ng pinsan nyang si Uckheart at Uranus.

Uckheart's POV

Nasa isang coffee shop kami ng kapatid ko at ng pinsan kong si Unity.

"How's Grandma?" Tanong sa akin ni Unity habang inilapag nito ang isang tasa ng kape sa mesa.

"She's fine. Medyo naging busy lang sya this past few days. Lagi silang may lakad ng driver nya." Sagot ko naman sa kanya.

"Parang may kakaiba kay Lola." Seryosong saad ni Uranus.

"What do you mean?" Nakita kong kumunot ang noo ni Unity.

"I'm not sure, pero pakiramdam ko may kakaiba talaga."

"Sundan nyo si Grandma. Alamin nyo kung ano ang pinagkaka-aabalahan nya. Baka kung ano na yan."


Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Tama si Unity, mas mabuti ng sigurado kami sa kaligtasan ni Lola. "No problem, kami na ang bahala kay Lola, makaka-asa ka." And I took another sip of my coffee.


"Uckheart, may nakita ka bang bato na kulay berde sa mansyon? Parang... parang jade pendant na lumang luma?"

Jade pendant?? yung kwintas nya ba tinutukoy nya? isang taon lang ang agwat ng edad namin ni Unity at alam na alam ko ang mga nangyari sa kanya dati. Naging kababata ko sya dati. Kalaro. Nagbago lang yung pagiging malapit namin sa isa't isa simula nung mabura yung alaala nya.


"Yung kwintas?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko syang ngumiti na parang interesadong interesado sya.


"Oo yun nga Uckheart. Nasaan yun ngayon? Maari mo ba akong tulungan na mahanap ito?" – Unity.


Naalala ko din na ipinagbabawal sa amin na ibigay sa kanya pabalik ang kwintas na yun. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga descendants namin. Basta't ipinagbabawal na yun.


"H-Hindi ko na ulit nakita Unity. Dati lang yun, nakikita kitang nagsusuot ng kwintas na yun, ngunit ngayon wala na. Matagal na yun, baka nawala na rin." Medyo kinabahan ako nung sabihin ko yun. Sana di nya mahalata na nagsisinungaling lamang ako.


"Ang weird ng panaginip ko.
It's okay." Tumayo na si Unity. "I have to go. May kailangan pa akong puntahan."


Wew, muntikan ako dun ah.





Unity's POV


Tinawagan ko na yung client ko. 8 O'clock yung usapan namin na magkikita sa isang Bookstore. Bakit nga ba ako pumayag sa ganitong set up? Pampatanggal boredom na rin. Ayokong pumasok sa Academy ngayon, dagdag stress lang. Naistress din ako sa bagong professor ng History. Parang naiirita ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya.



"Yeah I've been waiting here for almost an hour Mrs. Dela Vega." I ended the call. Medyo nauurat na rin ako sa kakaantay.

I'm a psychologist. I am known in this country. Nasa top list ako ng mga magagaling na Psychologist sa Pilipinas. Well that's true. Hindi naman sa pagmamayabang.

Minsan pag wala akong ginagawa tumatanggap ako ng mga clients. Gaya na lang ngayon, yung pamangkin ni Mrs. Dela Vega may problema sa pagsasalita, malimit raw magsalita yung bata. Galing na sila sa States ngunit ganun pa rin, walang nagbago sa bata.





"Miss Del Grazino?" Napatayo ako tsaka inabot yung kamay ng babaeng kaharap ko.


"Yes it's me." Nabaling yung atensyon ko sa katabi nyang batang lalaki. He's a very handsome boy. Yung mga mata nya na parang may sinasabi. He's silent. I smiled at him. "Hi" But I didn't get any response from him.


"Let's have a seat." Umupo na muna kami. Nasa isang kabilang side kami ng bookstore, may library din kasi sila. Ewan ko kung bakit dito yung meeting place namin. Choice ito ng client ko.


"What's his name?" Nakangiti pa rin ako habang nakatingin sa bata. I like him. Parang magkakasundo kami.


"Xavier, Ma'am." Sagot naman ng Tita nya.


"Oh Xavier, nice name."


"He really doesn't want to talk." Saad ng Tita ni Xavier na parang nawawalan na ng pag-asa.

"He can." Deretsong sagot ko. I know this child can talk. "It's called SELECTIVE MUTISM, a childhood disorder in which a child does not speak or does not want to speak. May nangyari ba sa kanya dati? Sa inyo? o ng parents nya? It was thought to be caused by severe trauma in his early childhood."


Natahimik si Mrs. Dela Vega. Alam kong may pinagdadaanan talaga si Xavier. I caressed his back.  "Everything's gonna be alright Xav. I know you can talk."


Hanggang dito na lang muna siguro ang session namin. Dama ko naman na pareho pa silang di handang ibahagi sa akin ang nakaraan ni Xavier. Nirespeto ko yun.


Every other day ang session namin. Dapat twice a week lang, pero binago ko yung sched, ang gaan kasi sa loob sa tuwing kasama ko si Xavier.
Napakaamong tignan ng mukha niya. Naawa lang siguro ako kasi pakiramdam ko gusto talagang matuto ng bata kung paano magsalita.

DESCENDANTS (Del Grazino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon