Catch Me Mr. Gangster 3

333 13 3
                                    

CHAPTER 3

"Autumn, malelate ka na!"

"Hmmm"

"Autumn Jade!"

"5 minutes"

"Bata ka...yang 5 minutes na yan mamaya madadagdagan pa ng 5 minutes ang another 5 minutes. Hala, bumangon ka na dyan" biglang hinila ni Mama yung kumot ko.

"Mama!" syempre napilitan na din akong bumangon.

Ang aga-aga pa eh. Teka, anong oras na ba? 9:36 am. Maaga pa naman.

O.O

9:36 am? Kyaaah! Late na ako. 9:00 am simula ng klase ko. Oh my!

"Bilisan mo at late ka na" Mama

>3<

Para tuloy akong sira sa pagmamadali. Kasi naman ee. Friday na ngayon saka pa ako tinanghali ng gising. Since monday naman lagi akong maagang gumising.

Kasalanan to nung alarm clock ko eh. Di man lang nag-alarm. Kaya nga sya tinawag na alarm clock para mag-alarm. Amp! Siguro wala nang battery, di man lang nagsabi kahapon. :p

"Ma! Aalis na po ako" ako

"Di ka na naman magbe-breakfast?" Mama

"Sa school na lang po. Bye Ma!" ako

Lumabas na ako ng bahay ng namin.

What a beautiful morning! Thanks God its Friday.

Hala. Anong ginagawa nya dito???

?_____?

Errr.

"Late ka na" he said.

"Yeah. Teka, anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa?" ako

"Oo" inabot nya sakin yung helmet na ginamit ko din kahapon.

"Tara na" Renz

"E-eh?"

Ayos din tong si Renz ah. Wait, kanina pa daw sya dito? Ngee. Late na din sya.

"Teka, anong oras ka pa dito sa labas?" ako

"Dami mo namang tanong. Bilisan mo na nga" Renz

"Tch. Dapat di ka na pumunta dito. Nalate ka din tuloy" ako

"Ang bagal mo kasing kumilos" inagaw nya ulit sakin yung helmet tapos sya na nagsuot sa ulo ko.

"Sakay na" Renz

=_____=

Sasakay na naman ako sa motor nya. Wa! I love my life pa.

Teka, close na ba kami? Friends na ba kami?

Bakit sakin ang bait nya? Dun sa iba ang sungit nya. Actually, ako nga lang pinapansin nya sa school eh. Pag iba kakausap sa kanya no comment sya lagi. Daig nya pa babae na may PMS no?

Sumakay na ako sa motor nya na agad din naman nyang pinaharurot. Oh jusko! Kayo na po ang bahala sa amin.

"Teka, out of the way na tayo sa school Renz" ako

Di nya ako pinansin.

Saan ba ako dadalhin ng lalaking ito?

Di kaya...holdapper sya? OH NO! Baka in disguise lang sya. Di ba nga gangster sya. Wait, what if rapist pala sya? Waaaa!

Tinigil nya na yung motor nya.

O_O

Errr. Restaurant?

Catch Me Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon