Catch Me Mr. Gangster 4

32 3 0
                                    

Chapter 4

"Mama! Punta lang po ako sa bayan. May bibilhin lang pong gamit pang school," I shouted at tumakbo na ako palabas since nasa loob ng kwarto nya si Mama.

Tinatamad talaga ako lumabas ng bahay ngayon. Kung hindi lang talaga kailangan yung bibilhin ko. I texted Hanna kaya lang busy sya. Bukas nga pala yung party sa bahay nila. Alone tuloy ang lola mo ngayon.

Maigsi pa lang yung panahon na magkakilala kami ni Hanna pero feeling ko kilalang kilala na namin yung isa't isa. Click agad yung ugali namin. I'm really glad that I met her and became friends with her. Si Renz din, kahit gaano sya kabarumbado thankful pa din ako kasi madalas sya manlibre. Hahaha. At saka yung araw na yun...

Flashback

"Alam mo Autumn ang galing mo din ano?" said Rainne.

"Magaling? Wow, thank you." I said. I know sarcastic yung pagkakasabi nya. Wag na lang patulan.

"Daig talaga ng malandi ang maganda," yung kaibigan ni Rainne then nagtawanan sila na parang mga witch.

"Excuse me?" medyo tumaas na yung kilay ko. Hindi dahil sinabihan nya ako ng malandi kundi dahil sa word na maganda. Sya ba tinutukoy nya o si Rainne? Tss.

"Stay away from Renz" Rainne told me.Napailing na lang ako tapos ay nagwalk out para iwanan na yung kahibangan nila kaya lang sinundan pala nila ako at hinila pa braso ko.

"Ano bang problema mo?" I asked Rainne.

"You!" she said. Tinulak nya pa yung may balikat ko. Ang war freak talaga ng babaeng to.

"Ako? Ano bang ginawa ko sayo?" tanong ko sa kanya. Honestly, I don't have any idea.

"Because you're a bitch. Malandi ka. Makati. Higad!" She was about to slap me. No. She slapped me pero humarang si Renz kaya sya yung nasampal ni Rainne. "R-Renz...Oh my gosh! I'm so sorry."

"Look at your self. You called her a bitch pero ikaw ang tahol ng tahol dyan," Renz said. Hinawakan nya yung arm ko. "If you hurt her, you're dead!!!" he shouted bago nya ako hinila pabalik sa canteen.

End of Flashback

*sigh

"Ay kabayo!" napalundag ako sa gulat dahil bigla na lang may nagpatong ng sumbrero sa ulo ko. "Renz?" O.O

"Tss. San punta mo?" he asked. Sinabayan nya ako sa paglalakad.

"Bayan," tipid kong sagot.

"Project?" he asked. I nodded as a response.

Tahimik lang kami naglalakad hanggang makarating kami sa sakayan ng jeep. Naalala ko bigla, ano kayang ginagawa nya dito? Saka hindi nya dala yung motor nya. Himala. 

"Ikaw may materials ka na ba?" I asked him. Sumampa na kami sa jeep papuntang bayan.

"Wala pa," he calmly said. 

"Eh anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Bibili ng materials," he said. Ay oo nga pala. Sa bayan nga pala punta namin. Teka nga, wala naman kami usapan. Saka di naman nya alam na ngayon ako bibili ng materials. "Ok. Wag mo na ako tingnan ng ganyan. Yayayain sana kita. Di ko alam bibilhin eh. Lalim kasi ng iniisip mo kanina kaya di mo ako napansin. Tss."

"Ah, hehe. Thank you nga pala." I said.

"Nah. You owe me for saving your ass," he said with a grin. Tsk.

________________

Tahimik na naman si Renz habang nasa byahe kami. Hay! Miss ko na si Kurt. Pag magkasama kaming dalawa napaka ingay namin sa byahe. Yung feeling na parang kaming dalawa lang ang tao sa jeep. Nakakamiss. :(

Naramdaman ko yung paghilig ni Renz sa balikat ko. Nakatulog na ata ang gangster na to. Sinilip ko sya at mukha ngang napaidlip na sya. Ang awkward. Napapatingin kasi samin yung ibang pasahero. Ang bastos ko naman kung itutulak ko ulo nya o gigising sya. Amp!

"Ineng, mukhang pinagod mo masyado boyfriend mo" sabi ni manong na nakaupo sa tapat namin. Napatawa naman yung ibang pasahero.

?____________________?

"Pinagod po saan?" I confusedly asked. Biglang napaubo si Renz at umayos ng pagkakaupo. Parang nabulunan pa nga. Hehe.

"Sa tabi lang" sinenyasan ako ni Renz na bababa na kami. Pero sa kabilang kanto pa naman yung mall. Hindi sana ako susunod kaya lang sinamaan nya ako ng tangin. TT_TT Ayoko pa mamatay. Huhu.

"Manong, di ko po sya boyfriend" I said bago ako sumunod pagbaba kay Renz. Para ngang medyo nagulat pa sila sa jeep eh.

"Mga kabataan nga naman ngayon" narinig ko pang sabi nung asawa ni manong.

Ewan ko ba kung bakit. Pero pagkababa namin ng jeep kanina pa natatawa itong si Renz. Naiinis nga ako sa kanya kasi sa kabilang kanto pa naman dapat kami bababa. Naglalakad tuloy kami ngayon.

"Hoy. Bakit ka ba natatawa dyan?" I asked him. Naiinis na talaga ako. Since nasa may likuran nya ako ay binilisan ko lakad ko para maunahan ko sya at magkaharap kami.

O__________________o

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Yung inis ko parang biglang nagfade. Naglaho na lang bigla nung makita ko mukha nya. Umaalog pa yung balikat nya sa pagtawa. Ngayon ko lang sya nakita tumawa. Ang liwanag ng mukha nya. Napangiti din ako ng hindi ko namamalayan. Pero syempre kelangan ko to pigilan. 

"Ano bang nakakatawa, ha!?" I asked him. Nakapamewang pa ako nyan para intense.

Ang tagal nyang tumawa. Grabe talaga. Mahaba pa tinawa nya kesa sa paghila nya sa akin papunta sa isang restaurant sa mall. There, he told me how stupid and naive I was kanina sa jeep. Dun sa biro daw ni manong na pinagod ko sya. And I'm effin really stupid! Sana nilamon na lang ako ng lupa. Huhu. 

TTT________________TTT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch Me Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon