Her POV
*Inhale,Exhale*
Ang lamiiig! Haha. Nakatakas rin sa bahay. Oy, joke lang po. Mabait po ako. V(^.^)V
Mainit kasi eh, Summer..
Tingin-tingin ng mga stores..
PENSHOPPE------NATIONAL BOOK STORE------BLUE MAGIC-----TIMEZONE-----TOY KINGDOM..
Wait..
Parang may nakita ako.. *WALKS BACKWARD*
TOY KINGDOM-----TIMEZONE
Waaaaah! Timezone! Sure ako, May Dance Revo dito..
Makapasok nga..
.
.
.
Pagpasok ko walang tao. Hmmmm, Tumingin ako sa relo ko, *3:12* Hapon naman baki----
May kumpulan sa isang game.. Halos lahat sila mga babae....Pagkalapit ko..
"KYAAAAAAAAAAH! ANG GALING MO!"
"IDOOOOOOOL!"
"I LOVE YOOOOOU!"
Luuuuh, Kung makatili wagas..
Deretso na nga lang ako sa Token Counter.
"Miss 5 tokens please" Oha, Umi-english ang lola mo.. XD
"Enjoy Ma'am" Sabay abot sa akin sa mga tokens..
Paalis na sana ako nung naisipan kong tanungin kung nasaan nakapwesto ang Dance Revo..
"Uhh, Miss? Saan ang Dance Revo?" Tanong ko
"Doon po ma'am sa may kumpulan" Sabay turo nya..
"Okay, Thanks..."
Papalakad na sana ako papunta sa may kumpulan ng biglang mag sink-in sakin yung sabi ng babae..
"Doon po ma'am sa may kumpulan"
"Doon po ma'am sa may kumpulan"
Hala.. Kung doon, Paano ako makakapaglaro?
Eh, ayaw kong maglaro kung maraming tao eh..
Hay, Bahala na.
"Who wants to play with me?" Biglang may nagsalita..
Isang lalaking matangkad na may shades ang nakita ko.. Parang, Parang sya.. Ano ba yan.. Nag ha-hallucinate nanaman ako..
Nanahimik yung mga babae..
Ano daw?
"Anyone? Who wants to play with me?" Laro daw.. Sa..Sa... Dance Revo! WAAAAAH! I WANT! I WANT!
Dahil sa kagustuhan ko, at magaling naman ako..
"Me." Taas ko na kamay..
Tumingin sya sakin.. Mali... LAHAT SILA..
Hala.. Para naman akong may nagawang kasalanan..
Nagsalita yung isang babae..
"Hey, Looks like you have a competitor na." Sabay tingin nya sa lalaki..
Yung lalaki.. Iba tingin sa'kin.. Grabe.. Parang matagal na kami nagkakilala..
"Okay.."Nag-sigh sya.."Para may challenge 'tong dance na 'to, I want to have a dare with you.."
-------
