Prolouge. (The Beginning)

62 4 0
                                    

8 years ago...

"Sky! Aalis ka ba talaga?" Sabi ko habang malapit na tumulo yung luha ko.

Nasa airport kami noon dahil pupunta sila sa America ng buong family niya.

"Oo, pero promise! Babalik ako! Tutuloy natin yung laro natin! Hintayin mo lang ako sa secret playground natin"

Tuluyan na ko umiyak dahil aalis na yung kaisa isa kong kalaro at bestfriend

"Eto oh" Kinuha niya ung kamay ko at isinoot niya dun ung laruang singsing.

"Yan, Bagay sa'yo! Tago mo yan ah! Remembrance mo sa'kin" Nginitian niya ko ng sobrang laki yung tipong aabot na sa tenga pero halata sa kanyang maiiyak siya.

"Anak, Tara na baka maiwan pa tayo ng eroplano. Alis na kami kumare" sabi ng mom niya

"Bye Tita, tito! Bye Sky Babalik ka ah!!!"

Nginitian niya ako at sinabi ng mahina "Bye cloud." Sabay naglakad na sila

Yun ang huli naming pagkikita.

"Tara na anak uwi na tayo" Sabi ni Daddy habang buhat buhat ako

"Didiretso tayo Jollibee! At tatawag pa tayo sa ate mo" Hinug ako ni mommy.

"Yey!!!"

"Saglit lng anak, kunin ko lng si baby" sabi ni mommy

"Sama na rin ako. Bibitbitin ko lng tong mga pinamili niyong magkumare sa sm. Hintay ka lang dito anak" Tumango ako at sabay ngiti.

Habang wala sila biglang gumulong yung singsing papunta sa gitna ng kalsada.

"Hala!" Tumakbo ako para kunin yon.

"Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!!!!!!!!"

"Aaaaaah!!!"

"Anak!!"

"Weeeeooooohhh Weeeoooohh Weeeeeeeoh"

Sky, Good bye...

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon