Chapter 1. (The Meeting)

46 3 0
                                    

*School Bell Rings*

Mei's P.O.V

First day of school. It's only 7:19 am and start ng class namin ay 8 am pa. Magiikot muna ako baka may mahanap akong magandang spot.

Habang nagiikot ako sa campus may mga nakita ako bully. Haay nako hindi talaga mawawalan ng mga bully sa gantong school.

Nabangga nung babaeng nerd yung mga babaeng clown na may makakapal na make up

"Hoy NERD! wag na wag kang haharang sa harap ko! Baka gusto mong mapahiya sa harap ng maraming tao! Dinumihan mo pa itong new bag ko. Original kaya toh!" Sabi nung Bully no. 1 pagkatulak niya sa nerd

Haaay naku, ayoko pa namang may mga ganto akong nakikita ang kakapal ng muka.

"S-sorry p-po..." sabi nung nerd

"Anong sorry?! Palitan mo t--"

Dumaan ako sa gitna nila.

"Bastos?!" Humawak siya sa kanyang bewang.

"Ayy sorry, di ko namalayan. Paharang harang kasi eh. And for your information," Hinatak ko bag niya at pinakita ko ung likod ng loob ng bag niya "It's made in China."

Sobrang namula siya at padabog na umalis. "Tara na nga!! Baka masira pa araw ko!"

Pagka alis nila, tumayo agad yung nerd at magthank you.

"T-thank you at tinulungan mo ko."

"Hindi kita tinulungan nerd. Ayoko lang talagang makakita ng mga ganun" Pagkasabi ko non umalis na ko.

Nasayang nanaman oras ko sa mga walang kwentang tao. Tssk.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap ng magandang spot na pwedeng pagtambayan.

Pagkasilip ko sa likod ng lumang building sa campus namin. Omayghad. Ang ganda! May mga medyo maliliit na puno, may pond at sa pinakagitna may napakalaking puno.

"Wooooaaaahhh!!!! *O*"

Umupo ako sa ilalim ng malaking puno at nagbasa ng libro since its only 7:26 am.

Nasa kalagitnaan na'ko ng binabasa ko. Nang biglang gumalaw ung sanga sa ibabaw ko.

Lumakas yung tibok ng puso ko
"Sino ka?! Kung sino kaman lumabas ka jan!!!"

Hindi ko namalayan may bumagsak na mangga at tumama sa ulo ko. Nahimatay ako.

"Ouch.. Ulo ko," Medyo naduduling pa'ko kaya kinusot ko muna mata ko.

Pagkadilat ko. O/////O Omaygahd!!!

May lalaking ka face to face ko tapos upside down siya parang nakasabit lng siya sa sanga ng puno.

Omayghad. Ang lapit ng mukha namin. Sobrang lapit.

"Miss, okay ka lang? Namumula ka! Para kang tomato hehehe."

Shet! Nginitian niya ko. Ang cute niya!

"Tabi!" Tinulak ko siya at tumakbo agad ako paalis.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon