Chapter Four
Her
I went to the bench grabbing my Gatorade and sat. I saw with the left bleachers at my back. Meaning I'm on the field facing the right bleachers. I just don't want to see him.
"Hindi uso sa'yo ang pag-upo sa upuan?"
...
"Huy, G. Torres!" I looked up to see who's calling me.
"Oh." I said and nodded at him.
"Ang sabi ko, hindi ba uso sa iyo ang pag-upo sa upuan? Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?" This guy's annoying.
"I think I can sit in any way I want, I'm in a field, not in a freaking classroom." I told him but with a calm voice.
"Yun oh, nakakaintindi rin pala! Ingatan mo yung journal mo ha? Paano kapag nawala ulit tapos wala na ako para ibalik sayo?" What is this man talking about? Oh. I remember him.
"You're the guy earlier? Thanks for returning my notebook." I told him to finally shut him up and then grab my phone.
"I'm Hiro." The annoying guy said offering a handshake. I instead fistbumped him.
"Yung dalawa ba sa likod ang dahilan ng pagtalikod mo?" I was shocked with his question, I didn't answer it. So, kasama niya si Erich. It must be Erich.
I just drank my drink. "I-let go mo na kasi. Kapag ikaw, nag-hold on parin, ikaw ang mangangawit, ikaw masasaktan, pagkatapos magiging manhid ka na," What is he talking about?!
"I don't know what you're talking about." I told him then got up and went to the pitch again. I remembered what that Hiro told me. It could be that I'm on the third phase already. Numbing.
Him
Ang sarap lang kulitin nitong Torres. Pero hala! Nakalimutan kong alamin ang pangalan niya! Nagsimula na kami magdrills. Jog lang muna, akyat-baba sa bleachers.
Ano kaya pangalan niya?
"Bro, hindi ko alam pangalan niya e! Pero aalamin natin yan! Marami akong sources!" Biglang singit ni Drew na nasa likod ko.
"Brad, multo ka ba? O may lahi ka ni Edward? Nababasa mo ba ang iniisip ko? Takte ka! Nakakagulat!"
"Hahahahahahahahahahahahah!" Tawa nito.
"Kalma, Drew. Baka ikamatay mo 'yang pagtawa mo."
Naalala ko lang ulit si Torres. Akala ko pag nag-drilling na ako, mawawala na siya sa isip ko. E mas lalong nandito e. Naglalaro pala ng football.
Ang laki ng hinala ko, ex-boyfriend niya yung lalaki sa kabilang bleacher. Nakaka-inis! I'm not supposed to be feeling this feeling!
"Brad, nakakita ka na ba ng wala?" Tanong ni Drew habang nags-stretching kami. Patapos na rin maglaro ang women's team.
"Anong trip 'yan ha?"
"Sige na! Sagutin mo!"
"Ginagago mo ba ako? Papaano ako makakakita ng wala?"
"Sige, pumikit ka!" Utos nito. Hindi ko alam kung bakit nauuto ako nito.
"Ano nakikita mo, Hiro?"
"Baliw! Syempre wala!" Sigaw ko. Mababatukan ko na ito!
"Oh, edi nakakita ka ng wala!" Sabi nito sabay ngiti- o ngisi. Nagsipalakpakan naman mga kasama namin. At nakatanggap pa ng applause si Drew!
BINABASA MO ANG
It Started With A Goal
Teen FictionA girl with a painful past that caused the way she is now... A sport who saved her and became her escape... A boy she thinks is just as annoying as one can be...