Prologue: Stalking Is Love

279 12 8
  • Dedicated kay the one who inspired me to write this. :) IRM
                                    

Naranasan mo na bang magkagusto sa taong alam mong imposible namang magkagusto sayo?

Naranasan mo na bang magkacrush sa taong hindi mo naman kilala? Unang beses pa lang kayong nagkita pero yang pasaway na si Mr. Heart bigla na lang tumibok na parang drums.

Naranasan mo na bang magmahal ng isang taong alam mong mahirap abutin? Sikat at maraming fans, samantalang ikaw nilalayuan ng lahat.

Naranasan mo na bang masaktan kahit alam mong wala ka namang karapatan? Hindi kayo. Wala kayong relasyon pero masyado kang apektado.

Naranasan mo na bang mainis sa mga kaibigan mo dahil gusto nila ang crush mo? Napakapossessive mo pagdating sa kanya at ang gusto mo ikaw lang ang may crush sa crush mo!

Naranasan mo na bang sundan ito ng palihim at bigla mo na lang hihigitin yang kaibigan mo para maging partner in crime mo! Tapos susundan siya kahit saan man siya pumunta?

Naranasan mo na bang magpakatanga mapansin ka lang ng taong gusto mo? Hindi ka naman papansin pero ang gusto mo lang ay yung kahit isang beses mapansin niya yung effort na ginagawa mo para sa kanya.

Naranasan mo na bang magmahal ng taong alam mong hindi kayang suklian ang pagmamahal na yon?

Alam mong hindi ikaw ang tipo niya. Alam mong wala ka sa standards niya at alam mong hindi ka niya mamahalin in the first place..

Pero hindi ka pa rin tumitigil sa KAKAASA

Na isang araw magiging close rin kayo. Na mapapansin ka niya at makakausap mo siya.

Na maappreciate niya lahat-lahat ng ginawa mo para sa kanya.

Kasi sa simpleng bagay na iyon alam mong magiging masaya ka na. Makita mo nga lang siya kahit sa malayo buong-buo na yang araw mo.

At idagdag mo pa ang pagtitig sa picture niya! Quotang-quota ka na!

And at the end of day, siya lang naman ang dahilan kung bakit yang ngiti mo, abot tenga na.

Pero sabi nga nila, mapaglaro ang destiny. Parang traffic signs. Akala mo GO na, yun pala STOP na. Akala mo pwedeng mag U-Turn, pero hindi pala.

Yung tipong akala mo meron na kayong nasimulan, pero ang totoo, wala pa pala.

Yung akala mo mahal ka na, pero hindi pa pala.

Tanggapin mo na kasi na ang pag-ibig ay parang expressway. Alam mo na ngang bawal tumawid dahil napakadelikado pero sige ka pa rin.

And once na tumawid ka kasabay ng mga humaharurot na sasakyan at mga kaskaserong driver, hindi mo alam kung makakatsamba o sweswertihin ka pa sa pagtawid dahil yung iba hindi na naabutan ng MMDA ng buhay.

Alam mo na ngang masasaktan ka, pero sige ka pa rin.

Bakit mo pa kasi kailangang tumawid kung may overpass naman?

Bakit mo pa kasi ipagpipilitan ang sarili mo kung may iba naman?

GUMISING KA NA.

Simula't sapul, sa iba na nakatitig ang mga mata niya

Samantalang ikaw naman, isang malaking paepal lang sa buhay niya.

Stalking is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon