Akalain Mo Nga Naman (One shot story)

79 4 0
                                    

(BETTINA'S POV) 

"UWAAAAAAAAAA! Ayoko na! ayoko na talaga,masisiraan na ako ng ulo" 

"Aray naman friend nkakabingi na ha? Bakit nanaman ba?" 

(Sagot ng bestfriend kong si Marie,na nagtatakip ng tenga dahil kanina pa ako sigaw ng sigaw ditto sa loob ng kwarto ko) 

"Inis na inis na talaga ako dyan sa onyok na yan,sobra sobra na ang pagpapahiya na ginagawa nya sakin, alam mo yun? sabihin daw ba sa crush kong si Achilles na mag syato kami! Nakngpusa oo, YUCK LANG! YUCK" 

"HAHAHAHAHAHAHA! Iba na talaga ang tama nyang suitor/stalker mong si Onyok friend.HAHAHAHAHAHAHA" 

"sige tawa pa =_____________= kita mong namomroblema yung tao.npaka supportive mo talaga " 

"Pffffft. to naman para natawa lang eh, so anong plano mo?" 

(hayyyyy. Naku minsan talaga nagtataka ako pano ko ba naging kaibigan tong lukaret nato.psh) 

"Bukas na bukas ay pupuntahan ko ang timawa na yun at humanda sya.dapat bawiin nya yung sinabi nya kay Achilles mylabs" 

"Paano kung hindi sya pumayag?" (taas kilay na tanong nito) 

"Magkakamatayan na"  

(napalibutan na ata ako ng black aura. bukas humanda kang onyok ka, makikita nya babalatan ko talaga sya ng buhay) 

KINABUKASAN.... 

(Andito kami ngayon sa soccerfield ni marie at hinahanap ang Onyok na yan, iginala ko naman ang mga mata ko at ayun nakita ko na sya tumatawa kasama ang mga kaibigan nya, ang lalakeng panira sa buhay pag-ibig ko.may braces sya may mga taghiyawat sa mukha,singkit, at may malapad itong noo in short "PANGIT SYA" napatigil sila ng bigla akong napasigaw) 

"ONYOKKKKKKKKK" 

"Uyy! Ony syota mo oh? HAHAHHAHA himala ata sya pang pumunta sayo ngayon" 

(rinig kong sabi nung butiking kulot ang buhok nyang kaibigan, npalingon si Onyok sa direksyon ko at ngiti pa itong malapad) 

^_________________________________^ 

"Uwaaaaaa! Bebang mylabs! Hinahanap mo ko? Miss mo na ako agad? Touch naman ako" 

(Kung nagtataka kayo kung bakit Bebang ang tawag sakin ni Onyok,yun ay dahil sa ang BE ay galing sa pangalan ko at yung BANG naman ay dahil sa may bangs ako.kainis talaga tong pangit nato) 

"Che! Tumahimik kang timawa ka,nandito ako para sabihin sayo na bawiin mo yung sinabi mo kay Achilles"  pasigaw kong sabi

"Paano kung ayoko?" 

(Aba't sinusubukan niya ang pasensya ko ha! Naiyukom ko ang palad ko) 

"Girl! Relax ka lang, ang bloodpressure mo" 

"Sumusobra na talaga sya, HOYYY PANGIT KA! (sigaw ko kay Onyok)inuubos mo na talaga ang pasensya ko, gusto mong ipakain ko tong sapatos ko sayo?" 

"Kung mka pangit ka naman bebang mylabs akala mo din sino kang maganda.hehehehehe" 

^____________________^ 

(nagsitawanan naman yung mga tao sa paligid,dahil na rin ay lunchbreak ngayon ay marami ang na tambay ditto sa field, tinanggal ko naman yung sapatos ko at ibinato ito sa kanya,at agad naman itong nka.ilag) 

"hehehe, brutal mo naman bebang,biro ko lang yun ganda ganda mo kaya noh? Kaya nga kita labs eh? Yun oh! Kiligmuch!" 

(at naghiyawan naman ang lahat at umaakto pa ito na para bang kinikilig KADIRI) 

Akalain Mo Nga Naman (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon