Chapter 15

39 1 0
                                    

Chapter 15

MAE'S POV

Nandito pa rin kami sa ospital binabantayan si Joyce.. Naawa ako sa kaibigan ko bakit sa lahat ng tao sya pa ang nakakaranas nito ang bait niyang tao dapat sa mga masasamang tao nangyayari ito hindi sa kanya..

"Mae umuwi ka muna sa inyo baka nag-aalala na sayo sila tita pati na si ken.." -- Nicole

"Hindi ayos lang nagtext naman na ko sa kanila na nandito nga tayo sa ospital sinabi ko na din yung nangyari kay Joyce nag-aalala nga sila baka daw di kayanin ni Joyce yung nangyari sa bata.."  

"Buwisit naman kasi si James eh nakuha pa niyang mangbabae samantalang buntis na yung asawa nya.." -- Mikaela

"Hmmmm.. "

"Joyce anong masakit sa iyo sabihin mo? " Nagpapanic kong tanong sa kanya

Nagmulat siya ng mata nilibot nya ng tingin ang buong hospital room nya bago nagsalita..

"Nasa ospital ba ako? " Parang tangang tanong nya sa amin..

"Oo nasa ospital ka pa.." Sagot ko sa kanya..

"Pinaalis nyo ba si James?" nakatitig sya ng diretso sa mga mata ko waring naghihintay ng tamang sagot..

"Oo pinauwi ko na sabi ko bumalik na lang siya kapag ayos na ang lahat.." Si Nicole na ang sumagot dahil siya naman ang huling nakasama nito..

"May aaminin  ako sa inyo sana manatiling lihim ito hannga't sa makaalis ako ng bansa.." Sabi nya habang nakayuko at hinihimas ang kanyang tiyan.. "Hindi ako nakunan buhay ang baby ko! "

"Whaaaaat? Papaanong buhay ang bata eh ang sabi ng doktor kanina nakunan ka! " Naghihysterical kong sagot sa kanya..

"Nagkaroon ako ng malay bago pa man makalabas ang doctor ng operating room pinakiusapan ko siya na palabasin na patay na ang bata para kahit umalis man ako ng bansa hindi na ko hahabulin ni James.."

Tahimik lang sina Nicole at Mikaela...

"Ano? paano mo ito nagagawa sa sarili mong asawa?  Sigaw ko sa kanya hindi tamang ipagdamot nya ang bata sa ama nito..

Bumukas ang pinto ng room ni Joyce at iniluwa nito ang mommy ni Joyce si Tita Ems..

"Tama lang ang ginawa ng anak ko! Kaya wala kayong karapatang kuwestyunin ang kanyang desisyon.." Mataray sa sabi sa akin ni Tita Ems..

"What are you doing here?! Si Joyce.. Mayroon silang alitan mag-ina simula nung mamatay ang daddy ni Joyce.. Nawalan kasi ng oras si tita ems kay Joyce kaya si Joyce ay nagrebelde..

"Bakit wala na ba akong karapatan na dalawin ang anak ko? Nakataas ang kilay na sagot niya sa kanyang anak..

"So ngayon tinatawag mo na akong anak? Bakit nalimutan mo na bang itinakwil mo na ko dahil mas pinaglaban ko si James kesa sa kagustuhan mong ipakasal ako sa anak ng business partner mo?" Hindi nagpapatalong sagot ni Joyce sa ina..

Lumapit si tita ems sa kama ni Joyce at umupo sa may gilid nito..

"Hindi mo pa rin pala yun nakakalimutan, Everythings change Joyce nagbago ako simula nung iwan mo ako at sumama sa walang modo mong asawa pinilit kong magbago para sa kaisa-isang anak ko at ikaw yun! Sana naman kalimutan mo na ang alitan sa pagitan nating mag-ina.. I'm sorry because I tried to manipulate your life..  Sorry dahil hindi ko nagampanan ng maayos ang pagiging ina ko sayo.." Hindi namin namalayan na umiiyak na si tita ems habang nagsasalita..

"Ma, it's okay don't say sorry for what you've done.. It's okay for me you always wanted what's the best for me.. Ako nga ang dapat na mag-sorry sayo kasi nagrebelde ko .. Ma, Sorry for being a spoiled brat.. Ganun mo kasi pinalaki eh.. Simula ngayon kalimutan na natin yung mga bad memories isipin na lang natin yung mga happy memories natin.. I love you ma!..

Could this be LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon