Chapter 16

56 1 0
                                    

Chapter  16

JOYCE POV

Ito na ang araw na pinakahihintay ko ang pag-alis ko sa bansa.. Oo aaminin ko nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa o hindi pero kailangan ko ito gawin para sa ikakatahimik ng buhay namin ng magiging anak ko..

“ Anak hindi na ba talaga kita mapipigilan? “  Si mommy ilang beses na nya kong kinausap na itigil ko na yung balak ko pero hindi talaga ko nagpapigil..

“ Ma, diba napag-usapan na natin gusto ko yung desisyon ko..” mahinahon kong sagot sa kanya.

Nandito na nga pala kami sa airport.. Hinatid nila ko oo ‘NILA!’ kasama yung tatlo pero wala namang ginawa kundi ang umiyak parang mga bata eh..

“Oy kayo wala man lang ba kayo gagawin kundi ang umiyak sa harap ko?” Sita ko doon sa tatlo mapupula na yung mga mata eh ayaw pang magsitigil sa pag-iyak..

“Eh ikaw kasi eh!” Sabi nung tatlo sisihin daw ba ko? *___* Nak ng!

“Anong ako?” Sabi ko sa kanila ano bang ginawa ko? Tss! ~___~

“Eh *hik* kasi naman *hik* talagang iiwan mo *hik* na kami *hik* sasama mo pa *hik* yung magiging inaanak namin!” Si Nicole na umiiyak habang sinasabi yang mga yan!

“ Talagang sasama ko yung baby bakit ko iiwan naipanganak ko na ba o sige kayo magbuntis masyado kayong atat makita yung baby ko?!” Jusmee! :3 hindi ko na alam gagawin ko sa mga kaibigan ko na galing ibang planeta! ^__^V..

“Basta umuwi ka pagkapanganak mo kundi lagot ka sakin!” Binantaan pa ko ni Mae hindi ko na keri yung mga utak nila.. “Baby wag ka mag-mamana sa mga future ninang mo ha!” Bulong ko sa baby ko..

“Hoy anong binubulong mo sa inaanak ko?” Si Mikaela lakas ng panding linis ng tenga walang bara.. ^_^

“Wala sabi ko aalis na ko tinatawag na yung flight ko!” Inayos ko na yung maleta ko..

“Hoy bruha wag mo kami kakalimutan ah basta kontakin mo kami always kahit anong mangyari ah skype tayo always!” Bilin ni Mae..

“Ikaw magkakain ka ha nung masususustansiya ng healthy paglabas si baby!” Bilin ni Mikaela..

“Ikaw magpa-sexy ka ulit pagkapanganak mo ng makabingwit ka ng papa ulit!” Bilin ni Nicole halatang lalakero eh!..

*PAK*

“OUCH! Tita naman eh masakit yun!” BWAHAHAHA binatukan kasi ni mommy! :D

“Hindi pa nga nakakapanganak eh tinuturuan mo na manlalaki!” Si mommy haha concervative!

“Osya aalis na ko baka maiwan pa ko!” Sabi ko sa kanila..

“Eh di mainam!” Sabay-sabay na sagot nung tatlo! Ayaw talaga ko paalisin ng mga luka..

“Baliw!” hinug ko na sila isa-isa UWAAAAAAAAH! Naiiyak na ko kasi naman yung tatlo eh pinaiiyak ako! T___T

“Basta anak yung mga bilin ko ah huwag mong kakalimutan.. huwag ka mag-alala susunod din ako agad dun may aayusin lang ako dito saglit..” Si mommy ang pinaka da best mom talaga dami nyang bilin para sa amin ng baby ko.. huwag ko daw isipin yung mga masasakit ng nangyari sa akin dito sa pilipinas.. dahil makakaapekto daw sa bata..

“Yes mom don’t worry di ko kakalimutan yun..! “ Kiniss ko lang sya sa pisngi saka tumalikod na ko sa kanila at naglakad palayo dahil ayoko nila ko makita na umiiyak baka hindi pa matuloy yung pag-alis ko.. Sa pag-alis ko sa bansang ito pinapangako ko na lahat ng pangyayaring masakit na naranasan ko ay kakalimutan ko at ipapalit ko dito ang masasayang araw na kasama ang magiging baby ko.. Dahil wala na kong iisiping iba kundi ang kapakanan ng anak ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Could this be LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon