Chapter 1: As always

97 2 0
                                    

     Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.

     Klei Cyrus Mendez! Klei Cyrus Mendez! Klei Cyrus Mendez!

     Palakas na palakas na tunog ng cellphone ko. Bwiset naman 'to, ang aga aga tawag ng tawag. Kinapa ko kung nasaan yung cellphone ko. At nang sagutin ko ang tawag, alam ko na kung sino 'to.

Klei: Oh? Ano na naman ba? Ang aga aga tumatawag ka na naman sa akin!

Jeff: Bro! Relax.. 

Klei: Okay. Go.

Jeff: May kailangan kang gawin para sa akin.

Klei: Wag mong sabihing..

Jeff: Galing mo bro! Kapatid talaga kita.

Klei: Sira ulo! Bakit?!

Jeff: Eh, ayaw ko na eh.

Klei: Gago! Sabi mo sa akin ikakasal na kayo?

Jeff: Simple lang, hindi ko sinipot sa kasal.

Klei: At gusto mong gawin ko ang kagaya ng dati?

Jeff: Yes.

Klei: Hindi, ayoko na!

Jeff: Itetext ko na lang sayo yung number niya, at address ng bahay nila. Good luck, Bro!

     Pagkatapos ng sinabi niya, binaba niya ang phone. Ang kapal din ng mukha nun. Kuya ko siya. Si Jeff Lucas Marcelo. Nagtataka kayo kung bakit magkaiba kami ng surname? Half brother ko lang siya, kapatid ko siya sa ina.

     Balik tayo sa kwento, gusto niyang gawin ang lagi kong ginagawa. Hindi ko alam kung anong tawag sa ginagawa ko, pero alam kong mali. Gusto niya kasing maging close ako sa mga ex-girlfriend niya at gusto niyang ma-inlove sa akin ang mga ex niya. Ang tanga ko nga eh. Hindi ko naisip noong simula pa lang na mali. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ‘tong ginagawa ko, pero ngayon ayoko na talaga.

     Tinext sa akin ni kuya ang information ng ex niya. Nung nabasa ko, may kakaiba akong feeling na for the last time gusto ko ‘tong gawin. Nag-send si kuya sa akin ng MMS at ng binuksan ko, picture ng isang kotse. Ang dream car ko. Nag-text ulit si kuya.

From: Kuya Jeff

            Ano? Deal?

Ano ba ‘to napapaisip ako. Sorry girls. Promise, ito na ang last.

Fix it Klei!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon