Entry #2

6 0 0
                                    

August 23, 2015

11:34 AM

Hi baby, sana okay ka na po. Alam mo kakatapos ko lang maglinis, nakakapagod man ginagawa ko pa rin. Gusto na kitang makita. Kahit saglit lang para mawala yung pagod ko. Para kahit sandali lang sumaya ulit ako. Panay ang buhos ng ulan. Hindi ko tuloy masilayang ang haring araw. Mag-iingat ka dyan ha? Wag ka susugod sa ulan baka bumalik 'yung sakit mo. Wag makulit ha? I love you baby. Naalala mo 'yung sinasabi mong pupunta tayo sa Baguio? Isang linggo bago 'yung birthday mo. Grabe 'yung pagka-excite ko  noong July habang pinagpaplanuhan natin 'yun. Hinintay ko pa namang dumating 'yung araw na katabi kita sa bus habang hawak ko ang kamay mo. Alam mo ba kung ano 'yung second monthsary gift ko sayo? Sweatshirt na grey, para kapag magba-Baguio sana tayo gusto kong 'yun ang isuot mo. Nanlulumo ako kasi hindi 'yun natuloy. Baby, sana matuloy tayo ano? May next time pa naman po diba? Mangangabayo tayo tapos pupunta tayo sa Strawberry Farm tapos sa Burnham Park, mamamangka tayo. At kapag pagod na tayo kakain tayo. Pwede pa naman baby diba? 

PS: May bumanggit sa pangalan mo, parang dinudurog 'yung puso ko </3


Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon