Entry #10

9 0 0
                                    

October 7, 2015

12:01 AM

Hi John. Mag-aapat na buwan na sana tayo ano? Hahaha! Ang bilis ng panahon ano? Kelan lang noong nawalan ng "TAYO" Tanda ko pa 'yun eh, August 30, 2015. Sinabi mo pa nga na sana maging masaya tayo sa kanya-kanya nating buhay. Noong una, nahihirapan akong ipasakamay sa iba ang kasiyahan ko, pero kalauna, natuto akong sumaya kahit wala ka. Akala ko nga katapusan ko na noon eh. Pero ipinaalala sa akin ni God na may halaga ako, hindi man sayo, pero sa ibang tao. Pinahalagahan ako ng pamilya at mga kaibigan ko. Tanggap kong wala na. Mabilis ba? Hindi naman eh, mas mabilis nga 'yung pag-iwan mo sa akin. Masaya naman ako noong hindi pa kita nakilala, ngayon ay masaya pa rin ako kahit wala ka na. Sa ngayon isa ka na lamang ala-ala. Ang namagitan sa atin ay isang kabanata ng libro ng buhay ko. Panahon na para ilipat ang pahina para mapunta sa susunod na kabanata. Past ka na. Ala-ala. salamat sa pag-iwan sa akin ha? Kung hindi mo siguro ako iniwan, hindi ako magiging masaya ulit; hindi ko marerealize 'yung halaga ko; hindi ko mamahalin 'yung sarili ko; hindi ako makakalaya sa sakit at lungkot na naidulot mo; at higit sa lahat, kung hindi mo ako iniwan, hindi ko siya nakilala. Salamat sa mga magaganda at pangit na ala-ala. Salamat at naging aral ka sa akin, bilang isang pagkakamali ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon