Chapter 3: What Am I?
[Aleena’s POV]
Nag-kuwentuhan lang kami ng nag-kuwentuhan ni Hera dito sa kuwarto niya kasi tapos na niyang linisin yung sugat ko. Kinuwento ko sa kanya kung paano ako nakarating dito sa bahay nila at nag-sorry na rin kasi basta-basta na lang ako pumasok ng walang paalam. Nag-sorry rin naman siya sa'kin para dun sa ginawa nung dalawang kapatid niya na sina Hunter at Helios.
Sila na lang palang tatlong mag-kakapatid ang mag-kakasama. Siya yung Ate, pangalawa si Helios at pangatlo naman daw si Hunter. Nakakabilib nga sila e. Nagagawa nilang mamuhay ng sila-sila lang? Yung walang magulang na nag-papalaki sa kanila. Parang ang hirap kaya mamuhay ng ganun. But still, nagagawa nila.
Ako kaya? Kung hindi kaya ako napulot ng mga kinikilala kong magulang ngayon, saan kaya ako mapupunta? Mabubuhay pa kaya ako?
Yeah. I am adopted.
Hindi ko alam kung sino ang mga totoo kong magulang at wala na rin akong balak alamin pa. Pero, hindi naman ako galit sa kanila. Sigurado naman ako may sapat na dahilan sila kung bakit nila ako iniwan. Naniniwala ako na walang magulang ang hindi mahal ang kanilang mga anak. Sigurado ako, para lang sa ikabubuti ko yung mga naging desisyon nila.
"Ahmm. Hera, uwi na 'ko ha? Salamat sa pag-gamot mo dito sa sugat ko tsaka salamat din kasi hindi mo ako ipapakulong. Haha." Sabi ko kay Hera.
"Haha. Ano ka ba? Hmm. Kain ka na muna bago ka umalis. Halika."
"Naku wag na. Sobrang naistorbo ko na nga kayo e."
"No. I insist. Kumain ka muna. Nag-breakfast ka na ba?"
"Ah. O-oo." Sabi ko pero nag-sisinungaling lang ako. Hindi pa ako kumakain ng agahan kasi madaling araw pa lang kanina nung nagja-jogging ako. Inabot na pala ako ng umaga dito. Gutom na naman talaga ako e kaso nahihiya ako.
"Op. Bawal mag-sinungaling. I can see that you're starving. Haha. Come on. Let's eat." Sabi niya at hindi na niya ako pinag-salita. Hinila na lang niya ako pababa para kumain.
Bigla namang may malakas na pag-sabog kaming narinig..
"H-Hera? A-ano y-yun?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at hinila na lang ulit ako pabalik sa kuwarto.
"Stay here. Okay? Wag kang lalabas. Just stay here. Do you understand me?" Seryosong seryosong niyang sabi. Ano bang nangyayari?
"P-pero b-b-bakit?"
"Just stay here!"
"O-okay." Sabi ko at iniwan na niya ako sa loob ng kuwarto.
Ilang minuto na rin ang lumipas at palakad-lakad lang ako dito sa kuwarto ni Hera. Hindi ko na nararamdaman yung gutom kasi nag-aalala na 'ko at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Saan kaya galing yung malakas na pag-sabog na yun? Nasaan na kaya sila? Okay lang kaya sila?
Dahil sa hindi ko na matiis e lumabas na ako ng kuwarto. Nasaan kaya sila? Walang tao dito sa loob ng bahay.
Lumabas ako para tingnan kung nasaan na sila pero isang kakaibang eksena ang nakita ng mga mata ko..
Wait, totoo ba 'to? Nananaginip lang ako di'ba? Oo, tama. Nananaginip lang ako.
Si Hunter. Nasa taas siya. Nakalutang siya sa itaas. May apoy sa mag-kabilang paa niya. Bigla naman may apoy na nanggaling sa kamay ni Hunter. Blue flame. Ihinagis niya ito sa kalaban niya. Isa iyong black phoenix na may nakasakay na lalaking nakasuot ng itim na damit. Mahabang damit na natatakpan ang buo niyang katawan maliban sa mukha niya.
Nag-buga ang black phoenix ng black na apoy sa parte kung saan naandoon si Hunter pero agad naman itong naharangan ni Hera. Gumawa siya ng isang malaking bilog na pumalibot kay Hunter.
Si Hera.. Ang layo niya kay Hunter pero nagagawa pa rin niyang protektahan ang kapatid niya.
Totoo ba 'tong lahat ng nakikita ko? Imposible..
Meron ding mga umaatake dito sa baba. Ewan ko kung meron ba silang mga kapangyarihan dahil mga espada lang ang gamit nila. Malamang nga wala.
"Helios!" Napasigaw na lang ako bigla nang makita kong tinamaan ng espada si Helios. Kitang-kita yung dugo na patuloy na tumutulo sa parte kung saan siya tinaman. Napatingin naman silang lahat sa akin.
Nagsi-tigil sila sa pag-lalaban. Pati na sina Hunter at yung lalaki na nakasakay sa black phoenix. Nakita ko namang pababa ito papalapit sa akin. A-anong gagawin ko?
Nakababa na yung lalaki sa alaga niya at nag-lakad papalapit sa'kin. Napakatahimik ng paligid. Habang nag-lalakad naman siya papalapit sa akin ay unti-unti akong umaatras ng isang hakbang dahilan para mapa-upo ako sa sahig.
Nilapitan ako nung lalaking nakaitim na kalaban kanina ni Hunter at inamoy-amoy. Papalapit din sana yung mga kakampi niya pero sinenyasan niya ang mga ito na huwag nang lumapit.
"A-anong gagawin m-mo s-sa'kin?"
"You're one of them, huh?" Sabi nito sa akin. Anong one of them?
"She's not with us, you moron!" Sigaw ni Hunter habang hawak-hawak siya nung iba pang mga naka-itim na lalaki. Napansin ko lang, sobrang puputla nila.
Hinaplos nung lalaki yung mukha ko. "Will see you again some other time." Sabi niya at tumayo na sabay sumakay sa black phoenix niya. Ini-snap niya lang yung daliri niya ng isang beses at nawala na silang lahat na parang bula. Naiwan namang nakatingin sa'kin sina Helios, Hera at Hunter.
Nakaupo pa rin ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Hindi nga ito isang panaginip kasi si Helios, may sugat pa rin siya at dumudugo pa rin ito.
Nilapitan ako ni Hunter. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil mismong sa kaniya at sa kanilang tatlong mag-kakapatid ay natatakot ako. Sa mga nakita ko, hindi sila mga normal na tao.
"S-sino ba kayo? Anong balak niyo? Ano ba kayo?" Tanong ko nang makalapit sa'kin si Hunter.
Tinitigan niya lang naman ako na parang kinikilatis ako. "No. The question here is what are you?"
What am I? Anong klaseng tanong yun? Syempre, tao ako.
Pero, tao nga ba ako? Bakit sabi nung lalaki kanina, isa raw ako kina Hunter? No. Wala naman akong mga kapangyarihan katulad ng sa kanila ah?
Ano bang nangyayari sa'kin? Nakagat ba ako nung asong humahabol sa'kin kanina kaya nauulol na ata ako ngayon? Aish.
BINABASA MO ANG
Saving Lives [ONHOLD]
Fantasy"Being far away from you is kinda suicidal for me. But, I'd rather risk my own life than seeing you suffer. I will protect you no matter what happens. Even if it means losing you in my life.. Forever.." - Aleena Carter