Chapter 4: Different

75 10 9
                                    

Chapter 4: Different

[Hunter’s POV]

"S-sino ba kayo? Anong balak niyo? Ano ba kayo?" Tanong sa'kin nitong babaeng basta na lang pumasok sa bahay namin. Aleena yata ang pangalan niya.

May iba sa kanya..

"No. The question here is what are you?" Sabi ko sa kanya habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga mata niya.

Hindi siya normal na tao. Iba siya.. Katulad namin.

Ipinatong ko ang kamay ko sa mag-kabilang balikat niya. "Tell me. What are you?"

"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Hindi kita maintindihan!" 

"You're different."

"Ano ba? Let go of me!" Sabi niya at tumakbo na palayo. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya.

Hahabulin ko pa sana siya kaya lang bigla namang nag-salita si Hera. "Hayaan mo na siya, Hunter." Sabi niya. Wala na akong magawa kundi sundin na lang siya.

**

"Hera. Kakaiba siya. Hindi siya normal." Sabi ko kay Hera habang pinapagaling niya ang sugat na natamo ni Helios dahil sa pag-kakatusok ng espada sa kanya ng mga kalaban.

Yung mga nakalaban namin kanina, sila ang mga Death Gods. Pumupunta sila dito sa mundo ng mga tao para kunin at kainin ang mga kaluluwa nito. Kaming tatlo? Kami ang mga Guardians kung tawagin. Binabantayan namin ang mga tao sa lugar kung saan kami pinadala. Nakakalat kaming mga guardians sa iba't-ibang lugar at panig ng mundo para masiguro ang kaligtasan ng mga tao.

"I know." Sabi sa'kin ni Hera.

"Anong gagawin natin sa kanya? Isa ba siya sa'tin? isa ba siyang guardian katulad natin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Hera, kailangan natin siya." Sabi naman ni Helios. Tuluyan na pala siyang napagaling ni Hera. Wala na siyang kahit anong sugat.

"Hindi siya guardian katulad natin."

"E kung ganun? Ano siya?"

"Ewan ko rin. Basta ang alam ko lang, hindi siya normal na tao." 

Kanina, habang kalaban namin yung mga Death Gods, walang sino mang mortal na tao ang dapat makakita sa'min kaya sobrang nagulat naman kami kanina nang marinig namin ang boses ni Aleena na isinagaw ang pangalan ni Helios. Nakikita niya kami habang nakikipag-laban kahit pa may barrier na nakapalibot sa amin.

Yung barrier na yun ay si Hera lang ang may kakayahang makapag-palabas. Ito ay nakakapag-patigil ng oras sa mga nasa labas nito. Habang nag-lalaban-laban kami sa loob ng barrier na yun ay parang walang nangyayari sa labas nito dahil nakatigil ang oras. Sa'min lang gumagalaw ang takbo ng oras. Kami lang ang nakakakita sa isa't-isa. Pero, paano nangyaring nakita kami ni Aleena habang nakikipag-laban?

Aleena Carter, ano ka ba talaga? 

[Aleena's POV]

Dire-diretso lang ako sa pag-takbo para makalayo sa bahay ng mga mag-kakapatid na yun. Kakaiba sila. Hindi sila mga tao. Ano ba sila? Witch? Demons? Ugh! Nakakagulo sila ng utak. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano nangyari yung mga nakita ko.

Okay. Ano bang nakita ko? Si Hunter lang naman na nasa himpapawid na may kalabang lalaking nakasakay sa isang malaking phoenix at inaatake nila ang isa't-isa gamit ang apoy. Blue flame kay Hunter at black flame naman dun sa isang lalaki. Nakita ko rin si Hera na gumawa ng isang malaking bilog, ewan ko kung shield yun o ano, basta para maprotektahan si Hunter. Yun lang naman yung nakita ko di'ba? Yun lang! Isang simpleng yun lang na pinapagulo ang utak ko ng ganito! Ano ba ako? Nasa Fantasy Land? Aish!

Bigla naman akong may nabanggang isang babae.

"Ouch--Aleena!" Sigaw sa'kin nung babaeng nabangga ko. Si Mia pala. Best friend ko mula pagkabata. Nag-kasalubong kasi kami.

"Nag-jogging ka na naman ng madaling araw? Tsk. Di ka nag-yayaya. Hahaha."

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya kasi napansin kong yung way ng pupuntahan niya ay madadaanan o makakarating siya dun sa mukhang haunted house na bahay na napuntahan ko kanina. Dun sa tatlong mag-kakapatid na hindi normal. "Saan ka pupunta?"

"Hmm. Wala. Nag-lalakad-lakad lang. Sama ka?" Sabi niya at agad ko naman siyang hinila.

"Huy bakit? Ano problema mo?"

"Delikado dun sa daan na yun." Sabi ko.

"Ha? Bakit naman?" Tanong niya. Ano namang isasagot ko? Yung mga nakita ko kanina? Baka naman isipin niya nababaliw lang ako. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala kung maririnig mo lang at hindi mo makikita. -_-

"Ah. Ano kasi. May aso! Ulol! Hinabol nga ako kanina e kaya wag ka na pumunta diyan. Tara na lang 7/11. Kain tayo." Sabi ko at hinatak ko na siya. Hinatak naman niya pabalik yung kamay niya sa'kin. Opo. Pasaway ang best friend ko. -.-

"Wala akong pera."

"Libre ko!"

"Tara!" Sabi niya at siya na mismo ang humila sa'kin.

Mamulubi na 'ko sa pag-libre dito sa best friend ko wag lang siyang mapahamak. Aish.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saving Lives [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon