Hanggang dito na lang..

801 17 2
                                    

Kath POV

Heto nanaman siya nakatingin sa mahal nya at nakangiti ng mapait

Ewan ko ba dito sa Bestfriend ko kahit anong gawing reject ng nililigawan nyang si Liza e patuloy nya pa ring nililigawan. Mukha na ngang tanga to e. Tinamaan kasi na Kupido yan tuloy nagmahal ng sobra at nasasaktan din ng sobra. Minsan nga sinasabi ko na

"Alam mo DJ tigilan mo na to madami pang Babae dyan. Malay mo na sa harap mo na pala."

Oo pinapatamaan ko siya

Oo mahal ko Bestfriend ko

Oo na friend zoned ako

Oo nasasaktan ako

At mas lalo akong nasasaktan kapag pumupunta siya sakin at makikita kong iniiyakan nya yung taong Mahal nya kaso hindi siya Mahal.

Gwapo naman tong Bestfriend ko,Matalino at Mabait. Ewan ko pero ang bobo neto sa pag ibig. Sadyang may ibang Mahal si Liza kaya hindi siya pinapansin at patuloy pa rin siyang sinasaktan

Andito kami sa Park naka upo sa damuhan at nakatingin sa mga taong naglalakad. Ang lalim ng iniisip nya kaya napag pasayahan ko na basagin ang katahimikan.

"Iiyak mo na Bestfriend parang di pa ako nasanay sayo!"

"Hahaha! Wala na Bestfriend e ubos na ata kakaiyak ko wala ng lumulabas e."

"Titigil ka na ba?" umiling lang siya.

"Titigil lang siguro ako pag di ko na siya Mahal."

Nalaman kasi namin na sinagot na ni Liza yung isa sa mga Varsity Player di nga namin alam na nanliligaw pala yung ugok na Enrique na yun. Tsk tapos etong bestfriend ko ilang taon ng nanliligaw di pa rin siya binibigyan ng Motibo.

Patuloy lang siya nakatingin sa dalawang nanlalambingan. Di ko alam bat sobrang Manhid neto di nya alam may nagmamahal ng toto sa kanya matagal na. Parang One sided Love ako lang nagmamahal saming dalawa.

Mahal nya ko pero Hanggang Bestfriend lang

Hanggang dito na lang siguro kami

Hanggang Bestfriend na lang

Hanggang ako pa rin ang nagtatago ng pagmamahal sa kanya ayaw ko umamin baka masira pinagsamahan namin

"Kaya pa Bestfriend.." tanong ko sa kanya.

"Kakayanin pa Bestfriend."

At ako kakayanin kong masaktan para sa Bestfriend ko at sa Mahal ko.

--- 

Ang lame :( hahaha. Naisip ko to habang kumakain ng Clover at umiinom ng Sprite. XD

VOTE & COMMENT :D

KathNiel Oneshots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon