Chapter 32 (Is it the right time?)

500 4 0
                                    

Nic's POV


Kakauwi ko lang galing school. Pero dumaan pa ako ng drugstore para mabili yung gamot ni nanay Mirna.


Kaso hindi lahat nabili ko dahil narin sa kulang na yung pera ko. Nanalo kasi kami sa encampment kaya nagka pera ako.


*Flashback*


Puro ingay ang maririnig sa room, kami kami lang ang nandidito. Wala pa ang iba. Sobrang saya namin dahil kami ang dineklarang panalo. Bawat games ay may katumbas na cash prize. Kaya eto andami naming nahakot.


Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si MJ at inabot ang isang puting envelope. Y-yun y-yung lahat ng napa nalunan namin. Nagtataka akong tumingin s kanya.


"Alam naming mas kailangan mo yan" Sabi nya at nagsitanguan silang lahat. Halos maiyak na ako sa harapan nila kasi sobrang bait nila. Naintindihan nila ako.


*End*


Pauwi na ako ng bahay. HIndi ko alam pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may mali. Parang may maling mangyayari.


Natakot naman ako nung napadako ang tingin sa akin ng mga lasenggo sa may kanto kaya binilisan ko pa lalo ang pag lalakad ko.


"Hahahahaha!"


"Pare! Tagay pa!"


Naka hinga lang ako ng maluwag nung maaninag ko ang bahay namin. Dali dali ko namang biuksan ang pinto nung may narinig ako ng mga mabibilis na yabag at mga gamit na kumakalansing.


"Nic! nic! yung nanay mo! yung nanay mo! dalhin natin sa hospital dali!!!" Paulit ulit na sigaw nung kaibigan ni mama. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Daig ko pa ang sumali sa ice bucket challenge.



I snapped "Tara po!" Nataranta naman ako. Dali dali namin syang binuhat at dinala sa hospital.


Agad na mang may sumaklolong tricycle, buti nalang malapit lang ang toda sa amin. Andaming nakiki usyoso habang nilalabas sa bahay ay walang malay na nanay. Andaming nagbubulungan pero wala akong pakialam sa kanila.


Pagkarating ko sa ospital ay tinext ko si Mj kung anung nangyari. Hindi ko na kasi kaya. Hinid ko na kaya yung sakit , yung sikip ng dibdib ko. Kailangan ko ng mapag kwekwentuhan. Kailangan ko ng madadantayan. Bibigay na ako.


Hindi ko na kaya.. Inilista ko sa isip ko ang mga nangyari, napa buntong hininga nalang ako.


*Nabully sa school


*Naubusan ng pera para sa gamot


*Nag lakad pag uwi, piso nalang kasi ang natira.


*Naospital pa si nanay Mirna





Mj's POV


"I think she need to know about this" serysong sabi ni ate habang nakatingin sa kawalan.


Alam kong kailangan niyang malaman , pero ngayon na ba? Alam kong andami nyang problema. May sakit si Nay Mirna. Ayoko namang dadagan pa ang pasanin nya.


"Mj! our parents would be coming home next week." Dagdag nya at dire-diretso na aling lakad sa pinto at tuluyan na akong iniwan mag isa dito.


Sh*t!


Isa pa sila sa problema, for sure hindi nila itotolerate yung ginawa ko.


Hindi narin ako pwede mag bigay para sa pam pa ospital ni nanay mirna kasi sabi ni ate hindi daw sya makakakuha ng malaking halaga dahil kahit sya yung principal, bantay sarado parin ng parents ko ang lumalabas at pumapasok na pera sa account ng school.


*Riiiiiiiiinnnnnngggg*


Napatawag si nic. May nangyari kaya?


"Hello"


"Mj... si *sniff* nanay na ospital nanaman *sobs*"


"Oh! OK OK we will be going there now! Please hold on! Don't break down. Okay? Everything will be fine"


Baka hikain to. Mahirap na. Sasabihin ko na ba? Hindi muna siguro. Masyado pang magulo. Hahanap ako ng tyempo. Kapag medyo humupa na ang kaguluhang ito.



Mr. Yabang and The Runaway Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon