Chapter 39 (Graduation day)

527 3 0
                                    

Nic's POV

"Best! ang ganda natin ah!" sabi ni bei

"Syempre ah.. congrats nga pala , VALEDICTORIAN ka~"

"Kaya nga, blow out! blow out!" sabi ng kararating na si mj

"hahaha, nakoooo, mamumulubi nanaman ako sa inyo, haha pati ba naman sa graduation late parin si pia?" sagot ni bei

"Guys! andito na ko" sigaw ng hingal na higal na si pia

"Akala namin malelate ka nanaman eh" sabi ni mj

"Hehehe, last day na nga, malelate pa ba ako?"

"Guyyyys! mag iistart na po ang program!" Sigaw ng event organizer

Sosyal may event organizer pa, edi sila na Bongggaaaa.

~fast forward~ (pagkatapos ng ceremony)

 "Bestieees, mamimiss ko kayo." sabi ko sa kanila , napaka bait nila sakin, walang kapintasan at halong kaplastikan ang turing ko sa kanila

"wag kang ganyan best, maiiyak na ako" sabi naman ni mj na maluha luha na

"Ang ne-nega nyo naman, paran namang never na tayo magkikita-kita at mag uusap" sabi ni pia

 Kaya kami nagkakaganto kasi hindi na kami same school mag aaral sa college, Si Mj sasama na sya sa parents nya mag ma-migrate na sila duon. Tapos si Bei sa Baguio pa daw mag aaral. So kaming dalawa nalang ni Pia ang matitira tapos mag ka ibang school pa kami ng papasukan. Nga pala ang kukunin ko nga palang course ay Education. Bata palang kasi ako dream ko na maging teacher. Gusto ko kasing tumulong at magtro sa mga bata. Pero hindi naman puro acads ang isheshare ko a kanila. Gusto rin kasing ishare yung mga naranasan ko, at sana may ka pupulutan sila ng aral duon.

Ren's POV

Cliche man pakinggan pero mamimiss ko rin otng mga bugok kong kaibigan. Si Russel kasi sa probinsya na sya pinapaaral ng mga magulang nya, para naman daw magtino tino kahit papano. Tapos kaming 3 same university pero different courses. Ako? engineering kukunin ko. Ayos ba? 

Buti nga rin yung papsukan namin university eh malapit lang sa univeristy na papasukan ni Genica. Pwede ko rin syang dalaw dalawin kahit papano.

Kasamaang buong tropa plus sila gen,mj,pia at bei. Pumunta kami sa dati naming classroom. Kung saan kami palaging nag aaway, nag sasagutan, nag babangayan. Haha, nakaka miss rin pala yung palagi mo silang kaaway no?  Haha

  "Okay mamimiss ko to" Sabi ni bei. itong si bei, sa unang tingin ko dito, masungit na ewan. Pero pag nakilala mo pala sya ng lubusan malalaman mo rin na hindi sya ganun ka sungit katulad ng iniisip mo.

"Ano ba yan, naiiyak na ko" saad ni pia, si pia, unang tingin ko palang medyo isip bata na, at hindi nga ako nag kamali. Haha, pero alam nya naman kung hanggang saan lang sya.

"Mamimis ko talaga to, maraming memories na nabuo dito" sabi ni mj, nag papasalamat ako ng lubusan sa babeng to, kasi hindi nya pinabayaan ang genica ko. Hindi nya iniwan sa ere. Saludo ako sa kanya.

"Dito nag bangayan, batuhan, bulyawan" dugtong ni gen, kaya pala... kaya pala. may palaging nagiging weird sa sistema ko pag nakikita ko tong babaeng to. kasi sya, sya pala ang hinahanap ko.

At ang mga bugok? Ayun! naka tungo lang, hulaan ko mamaya maya iiyak na narin yan. Takte! bakit pati ako naluluha?!

Nic's POV

"Tara na nga guys, baka bumaha p ang luha dito sa loob ng clasrrom"

At nag si labasanan narin, bago pa isara ni Mj ang pinto, tinignan muna namin ang kabuuan ng kwarto sa huling pagkakataon. Hinding hindi ko makakalimutan tong classroom na ito.

Bago pa man kami magkahiwalay-hiwalay. Napag usapan rin namin ang tungkol sa baksayon, nagyayaya yung boys mag swimming. At ayun nga nag set na kami ng date at time kung kelan kami mag swi-swimming. Pero hindi namin alam kung saan, surprise daw sabi ny boys.

Hmmmmm.

Ano kaya yun?

~~~~

Epilogue na po ung next :))

Mr. Yabang and The Runaway Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon