Bring Me To Heaven

21.7K 116 11
                                    

                                              Chapter One

           Nasa counter si Margo nang lapitan siya ng isa sa mga empliyada niya sa bar. May ibinulong ito sa kanya. May isang customer daw na humihingi ng kanyang number. Ilang customer na ba ang nanghihingi ng kanyang number? Isa? Dalawa? Sampu? Aba'y hindi na yata mabilang ng kanyang daliri. At ni isa man sa mga iyon ay wala siyang pinag-bigyan. She's very busy para atupagin ang pakikipag textmate o pakikipag call mate. No way! Wala sa bukabularyo niya iyon.

         "Sabihin mo 'don sa lalaking iyon na wala akong cellphone. Kaya wala siyang number na aasahan mula sa akin." wika ni Margo na nakaramdam ng pagkairita.

         "Si Ma'am Margo talaga palabiro. Eh, ang kulit kasi. Sinabi ko nang hindi kayo nagbibigay ng number n'yo ayaw talaga akong tigilan." Napakamot ng ulo ang disiotso anyos na si Venus. Muli nitong binalikan ang kaninang lalaking nangungulit. Mayamaya lamang ay bumalik ito. May inabot ito kay Margo.

         Isang Iphone 5 na cellphone.

         "Para kaninno 'yan, Venus?" kunot ang noo na tanung ni Margo.

         "Para ho sa inyo Ma'am Margo. Sinabi ko kasing wala kayong cellphone gaya ng sabi n'yo. Kaya ayan binigyan kayo ng cellphone nung lalaki. Aba ma'am ang gara ng cellphone na 'yan ha? Saka mukhang mamahalin."

         "Ibalik mo 'yan Venus," wika ni Margo. Ilang saglit lang tumunog ang cellphone. Tiningnan ni Margo ang screen. May isang message. Binuksan niya iyon at binasa. Ang nakasaad; You're so beautiful Margo. Wish one of this days makilala kita....

         "Naku ma'am Margo siguro napaka sweet ng message nun. Napaka guwapo kasi ang nagbigay sa'yo n'yan eh."

         "Guwapo? Eh, lahat naman ng lalaki ditong customer guwapo para sa'yo kahit na hindi naman."

         "Napakaguwapo naman talaga nung lalaki na 'yon ma'am Margo at mukhang mayaman pa!"

         "Hey, tumigil ka nga. Ibalik mo 'tong cellphone na 'to sa lalaking iyon at bumalik ka sa trabaho."

         "Okay...Okay ma'am Margo." pagkasabi ay lumakad na si Venus. Muling pinuntahan ang kinaroroonan ng lalaki. Ngunit wala na ang lalaki sa kinapupuwestuhan nito.

          "O, bakit bumalik ka?" Tanung ni Margo.

        "Eh, wala na kasi ang lalaki eh lumabas na."

         Naisip ni Margo, iyong last na bill na pinunch niya, iyon na siguro ang bill ng lalaking iyon.

         Sinulyapan ni Margo ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang table. Ano ang gagawin niya dito? Napailing-iling siya. Ang mga lalaki nga talaga, gagawa at gagawa ng paraan para lamang mapansin ng mga babae. Pero wala epek sa kanya ang ginawang ito ng lalaki. Marami na siyang pinagdaanan sa buhay. Nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki.

         Napabuntung hininga siya, pagkuwa'y dinampot ang cellphone at inilagay sa kanyang shoulder bag. Kung babalik ang lalaking iyon dito sa bar ay siya mismo ang aabot pabalik ang cellphone sa lalaki. Ngayon palang ay wala siyang interes sa kung sino man iyong lalaking iyon. Pinid ang puso niya sa ganitong mga bagay.

         Mag aalas tres na iyon sa umaga nang lumabas ang huling grupo ng costumer sa bar. Nag-umpisa na ring magligpit at maglinis ang mga empleyado. Alas tres emedya ay nagsilabasan na ang mga empleyado para umuwi sa kani-kanilang tahanan. Huling lumabas si Margo. Paglabas niya ay sinalubong siya ng isang gusgusing batang lalaki na nasa tantiya ni Margo ay nasa sampu ang edad .Inabot  sa kanya ang pumpon ng mga pula at puting rosas.

         "Aba'y wala akong perang pambili ng mga paninda mong mga rosas. At saka hindi ko kailangan ang mga bulaklak na iyan!"

         "Pinakyaw kasi ito ng isang guwapong lalaki kanina para ibigay sa iyo magandang binibini. Binigyan pa nga ako ng maraming pera para hintayin ko kayong lumabas para iabot sa iyo itong mga bulaklak."

         "Ganun?"

         "Opo."

         Luminga-linga si Margo. Baka sakaling makita pa niya ang lalaking nagpakyaw nitong mga rosas sa batang lalaki para ibigay sa kanya.

         "Hinahanap po ba ninyo iyong guwapong lalaki magandang binibini? Kanina pa siya umalis eh."

         "Ganun ba?"

         "Opo."

         Hindi na nagsalita si Margo. Sa isip niya baka iyong lalaki pa rin na nagbigay sa kanya ng cellphone ang may gawa nito.

         Lumakad na siya palapit sa kanyang kotse na nakaparada sa parking lot ng bar.

         Segunda de mano na itong kulay pula niyang Holden Astra na sasakyan. Binili niya ito sa kaibigang si Beth. Dahil kaibigan naman niya ay pinababayaran lamang sa kanya ito ng hulugan. Mabait ang kanyang kaibigan. Magtatlong  taon narin simula ng magkakilala sila ni Beth.Nagkakilala sila sa isa pang kakatwang sitwasyon. Napagkamalan siyang kerida ng asawa nitong negosyante. Noon ay nagtatrabaho pa  bilang dancer ng club si Margo sa Libis, Quezon City. Simula noon ay magkaibigang matalik na ang dalawa. At nitong taong 2013 nagpatayo ng isang restobar si Beth sa Malate, Maynila. Kinuha nito si Margo na siyang mamahala sa restobar.

         Malaki ang ipinagbago ng buhay ni Margo simula nang kinuha siyang Manager ng bagong bukas na restobar ng kaibigang si Beth. Kung dati nakatira siya sa isang maliit na kuwarto lamang na inuupahan niya buwan-buwan, ngayon ay nakatira na siya sa isang studio type na apartment. At hindi na rin siya nagko-commute, may sarili na siyang kotse.

         Pagdating ni Margo sa tinutuluyang apartment sa Pedro Gil, naglinis lamang siya ng mukha at nagbihis. Wala pang sampung minuto na lumapat ang likod niya sa malambot na kama ay nakatulog na kaagad ang dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bring Me To HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon