*****************
That Troublesome Girl
by: LalaLove _00
Trouble no. 3
< Ace's POV >
(1 Week and 3 days after that EK accident- January 3)
Ang christmas at New year na ata this year ang pinakamalungkot na Pasko at Bagong taon sa buhay ko. Haaaaaysss.. :/
Pakamatay na lang kaya ako? Joke. Di pwede Mortal Sin yun >:) Ano ba yan! Nakakapag-joke pa ako samantalang broken hearted ako dito. Tsk. Makapagpakilala na nga lang. Ako si Ace Kier Delos Santos. 16 years old., 4th year high school at more than 1 week ng single :/ Alam niyo naman na siguro kung bakit diba?
1 week na ang nakalipas since nung nangyari yun at 1 week na rin akong iniiwasan ni Wendy :/
For 100th time (di yan OA. Totoo yan.) I dialled her phone number.
Riing. Riiing Riiing ..
tooot ... tooot.... toooot ..
BInabaan niya ako -___-"
"Tae! Badtrip talaga!" tinapon ko yung cellphone ko sa kama ko.
"Oh bakit Ace? Di ka pa rin kinakausap ni Wendy?"
"Di lang siya kinakausap. PInagtataguan pa siya!"
Tapos nagtawanan silang dalawa. Wow. Napakabait na mga kaibigan =___= Yan nga pala sina Jin at Ichan. Mga kaibigan ko since 1st year high school. Nandito kami sa kwarto ko ngayon at naglalaro ng guitar hero.Pinapunta daw sila dito ni Papa dahil mukha na daw akong suicidal.
Ako: Kung wala kayong masabing maganda, manahimik na lang kayong dalawa dyan. =___=
Jin: *tawa* 'To naman init agad ng ulo. Nagbibiro lang kami ni Ichan. Sobrang seryoso mo dyan eh. Nakakabawas ng kagwapuhan yan sige ka.
Ichan: Tama si Jin. Tungkol kay Wendy. Baka naman kulang ka pa sa effort kaya hindi ka niya kinakausap.
Ako: *frustrated* Takte. Kulang pa ako sa effort sa lagay na to ha? lahat na nga ginawa ko eh. Tinatawagan ko siya, binababaan niya ako o pinapatay niya cellphone niya. Tinetext ko siya, hindi naman siya nagrereply. Pinupuntahan ko siya sa bahay, lagi na lang siyang wala. Geez! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Tumigil sila sa paglalaro ng guitar hero at tumingin sakin.
Jin: Patay na patay ka talaga kay Wendy no?
Ako: MALAMANG. Alam niyo namang first girlfriend ko yun.
Tama kayo ng nababasa. First girlfriend ko si Wendy. Ako ang patunay na hindi lahat ng gwapo, babaero 8)
Ichan: Gagu ka kasi pare. Mangbababae ka na lang, sa araw pa na ka-date mo siya.
Ako: Baliw! Di ako nangbabae no. Tsk. Kasalanan to ng babaeng yun eh!
Jin: At paano niya naman naging kasalanan yun?
Ako: KASI NGA HINALIKAN NIYA AKO!!!
Jin: And you kiss her back,
Ichan: At hindi lang yon! Nag-enjoy ka pa sa kissing scene niyo! >:DD
Ako: HINDI KAYA!
Ichan & Jin: Liar.
Okay. Natahimik ako dun. Guilty kasi ako. I wont kiss her back if I dont like the kiss. Ewan! Ginayuma ata ako ng babaeng yun. Bwiseeeeet :X
Jin: See? Your guilty. So wag mong isisi sa kanya yung nangyari. For sure, hindi niya naman yung ginusto.
Ako: Pero kahit na! She kissed me first so kasalanan niya pa rin. Siya ang malas sa buhay ko! Tsk. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi ko na sana siya tinulungan. ARRRGGGHH! BAKIT KASI ANG BAIT KOOOOOO?!!!
Jin: *bato ng unan sakin* Drama mo dude. Tutal usapang girlfriend tayo, bigla ko tuloy namiss girlfriend ko kaya dyan muna kayo at tatawagan ko lang siya.
Nakatingin lang kami kay Jin nung lumabas siya ng kwarto ko para tawagan yung girlfriend niya.
"Buti pa si Jin. May girlfriend." napatingin ako kay Ichan.
"Ikaw din naman diba?"
"Gagu. Wala akong girlfriend no. Single kaya to. Kaya nga gwapo ko eh. Walang stress 8)"
"ASA. Eh ano mo pala sina Jenny, Claire at Mika? Akala ko girlfriend mo sila eh."
"PAKYU. Ano tingin mo sakin? Cassanova? Mga friend ko lang yun."
"Friends daw. Friends with benefit kamo."
"Lul! Tama na nga! Hindi lovelife ko ang dapat nating pag-usapan dito. Eto na lang pakinggan mo. Gusto mo talagang bumalik sayo si Wendy?"
"Syempre. Di pa ba obvious? Kulang na lang magpakamatay ako para lang bumalik siya sakin." napabuntong hininga na lang ako.
"Edi hanapin mo yun babae!"
"Sinong babae?" nakakunot noong tanong ko.
"Tae ka. Napaghahalataang ang dami mong babae eh. Yung babaeng humalik sayo sa EK! SI GF-kuno mo!"
"Ahhhh...... ANO?! Bakit ko hahanapin yung babaeng yun?! Ayoko na siyang makita no! Feeling ko mamalasin ulit ako kapag nagkita ulit kami eh."
Bigla akong binatukan ni Ichan. "Utak nga dre! Kailangan mo siyang makita tapos siya ang pagpaliwanagin mo kay Wendy. Kapag nalaman ni Wendy na tinulungan mo lang siya at hindi mo siya niloko, siguradong maiintindihan ka na niya."
"So.... babalik siya sakin pagganun?"
"Ewan. Pero di ka naman mamamatay kapag sinubukan mo diba?"
Napatango-tango ako sa sinabi ni Ichan. Akalain niyo, may utak rin pala to paminsan-minsan? Hahaha. Joke lang. Pero aminin niyo, may point yung sinabi ni Ichan. Dapat kong mahanap yung babaeng yun para makapag-paliwanag kay Wendy ng tunay na nangyari.
I'll do anything just to make our relationship work. I love her so much and I can't let her go. Kaya hahanapin ko yung babaeng yun kahit na suyudin ko pa ang lahat ng sulok ng mundo.
****
Time Check: 7:00 pm
Kanina pa umuwi yung dalawang mokong. Ako, sinusubukan ko pa ring tumawag kay Wendy kaso nakapatay na yung cellphone niya :/ Sa landline naman laging yung katulong nila yung nakakasagot. AISH! MABABALIW NA AKO.
Pano ko maaayos ang problemang to kung ayaw niyang makipag-usap sakin???
"ARRGGGHH! ANG G@GO MO KASI ACE EH!! DAPAT NUNG UMPISA PA LANG HINDI KA NA PUMAYAG NA TULUNGAN YUNG BALIW NA BABAENG YUUN!!" napasabunot pa ako sa sarili ko sabay bagsak ng katawan sa kama.
Nakatitig lang ako sa kisame ng may kumatok sa pinto.
"Pasok." sabi ko.
"Sir Ace, pinapatawag po kayo ng Papa niyo." sabi ng katulong namin.
BUmangon ako. "Sige po. Nasan nga po pala si Papa?"
"Nasa library po. Pumunta na daw po kayo dun ngayon." tapos lumabas na yung katulong.
Tumayo na ako at nagtungo sa library ng bahay namin.
"Pa? Pinapatawag niyo daw ako?"
"Ah yeah. Gusto ko lang sabihin na aalis tayo bukas ng gabi. So hindi ka pwedeng gumimik."
"Okay. Where are we going?"
"We're meeting someone."
"Who?"
"My girlfriend ...."
"Aaahhhh......"
.........................
"SINOOOOOOO???!!!"
BINABASA MO ANG
That Troublesome Girl [ONGOING] - Chapter 7
Teen FictionMalas. Yan ang tingin ni Ace kay Ashley. Because, whenever she's around, he always end up in a accident or something bad happens to him. Will he also accidentally fall in love with that troublesome girl? Kahit na alam niyang ito ang future-step-sist...