The Beginning

267 10 2
                                    

Sabi nila 'pag na WRONG SEND ka , tanga ka . Pero bakit sa'kin iba ?? Dahil sa katangahan ko , dito ako lumigaya.




--------------

DEDICATED TO MY FRIEND @Kynth_Lance






Ako nga pala si Carrie Therese Alcantara. 15 years young. Fourth year college este high school pala. At higit sa lahat NBSB ako. Kaya sa mga lalaking single dyan , come on baby. Di joke lang. As if naman sasagutin ko kayo no ! Like duh ! May hinihintay lang kasi akong star na mahulog. Tagal eh ! Inip na si baby heart ko !





"hoy bruha ! Dito!" Biglang sigaw nung babaeng nasa gitna ng cafeteria. Ewan ko ba sino tinawag nya.





"HOY ! ABA'T ! NAGPAPANGGAP KANG WALA KANG NARINIG HA ! GUSTO MO HIWAIN KO YANG TENGA MO PARA TULUYAN KA NG DI MAKARINIG HA ?!"











Ayy. Ako pala tinawag niya. ^_^ Lumapit na ako sa kanya. Baka lumabas bigla dito si dracula. Naku ! Naku ! Patay talaga .





"sorry naman bruha. Kasi naman eh ! Ba't minamadali mo ako ha ?!"





Nagtataka kayo kung bakit bruha tawagan namin no ?? Eh kasi tong bestfriend na si Max Aphrodite Kintanar , napakalawak ng pag-iisip. Ewan ko kung saan niya nakuha yang tawagan na yan.





Ang sabi lang niya. Dahil daw sa napanood niyang movie na ' Carrie ' na kapareho ng name ko. Kaya ganun. Napakabrutal daw nong bida na si Carrie. Ewan ko ba sa kanya. Anong connect sa brutal at bruha ??





"heh ! Eh kaysa naman hayaan kitang mag daydream dyan sa gitna ng cafeteria. Baka isipin pa nila TIMANG ka . Ayy . Timang ka naman talaga eh. Ako lang ata ang nakaalam"





"hmp ! Timang ka dyan. Ang ganda ko namang timang no."





"woosh . Ang hangin"





May nahagilap naman akong isang mahiwagang papel na tinatago sa likod ng bruhang bestfriend ko. Hmm .. I smell something fishy.





"hep hep hep" Tinuro ko yong nasa likod niya. "ano yan ??"





"kaya nga kita tinawag para ipakita to" Sabay pakita nong papel sa mismong harap ko.







"ano naman to ??" Taas kilay na tanong ko.





"gaga ! Papel yan. Ano pa bang tawag mo dyan ?!"





"tanga ! What I mean is. Anong nakasulat dyan ??"





"di ka marunong magbasa ??" Sinamaan ko siya ng tingin. Aba't ! Minamaliit nya reading skills ko ha !





"to naman. Di mabiro." Tinaasan ko siya ng kilay. "eto na 'po'. Kasi 'po' nakatanggap ako ng program galing sa SSC office. Tingnan mo. Sasayaw ang PRINCE mo" At talagang e emphasize ang word na PRINCE ha. Tss. Hinablot ko nalang ang papel.





"so ?? Titingnan ko lang ?? Di ko babasahin ??" Ganti ko sa kanya.





"duh ! Common sense girl. Pano mo malalaman kung di mo babasahin , aber ??"





"sabi ko nga" Di talaga ako mananalo pag siya yung binabara ko. Tss.





Binasa ko nalang ang nakasulat sa papel or should I say , program list. At ...





Wrong SendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora