~Chapter 1.5: Mimi and a guy?

96 0 0
                                    

(A/N): Hi, hello, sorry sa late UD :) maganda po ba? hohoho, Comment and Vote po kayo ha? :)

--

Shane's POV

Malapit na mag 2:00, wala padin si Jake. Hmmppff, nasan na kaya sya?

Alam naman nya na hindi ako mahilig maghintay sa isang tao, nakakainis.Itetext ko na nga lang sya.

[To: Jake Panget]

Hoy! Nasan ka na ba? Kanina pa ako dito nakatambay sa may kotse mo, pag hindi ka pa nagpunta dito, I swear, babasagin ko ang tinted mong bintana.

sinend ko na, pero ito ang lumabas:

Message Sending Failed! Try Again?

Nang-iinis ba tong cellphone ko? Ayy, wala nga pala akong load, kainis naman.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 1:57 na, maghahanap na nga muna ako ng paloadan. Malapit na ako sa isang loading sation ng biglang nag vibrate ang cellphone ko.

[Jake Panget]

Tinatawagan ako ni Jake, syempre sinagot ko.

"HOY JAKE! NASAN KA NA BA HA?!" Napatingin yung mga tao sa paligid ko dahil malakas masyado yung pagkakasigaw ko.

"Ouch, yung ear drums ko Shane, sakit sa tenga nung sigaw mo, hanapin mo ako, nasa paligid lang ako" Matawa tawa nyang sabi, medyo nainis ako, kasi 2:00 na.

"Naku Jake, bahala ka na nga, babyahe nalang ako kung ayaw mo akong ihatid!" Madiin kong sabi tapos binabaan ko sya.

Naglakad na ako papunta sa sakayan, may tumawag sakin. Alam ko kung sino, si Jake, pero syempre, hindi ko nilingon. Naiinis kasi ako sakanya, yung paghihintayin ka ng matagal. Grr, bahala sya.

Pasakay na ako ng Tricycle ng hatakin nya ako.

"Shane" Sabi nya

"Jake" I mimic his tone

"Look Shane, I'm sorry, binilhan lang kita nito eh." Sabay labas ng mga rose.

"Oh, para san yan?" Napapangiti ako, pero syempre, pinipigilan ko, kasi nga diba, galit pa ako sakanya dapat. Pero sya naman, pinapalambot ang puso ko.

"Happy Friendsarry. I loveyou" Hala, stop Jake, pinapalambot mo ang puso ko. Grr, this can't be, sa 2 years namin bilang mag bestfriend, kahit every month binibiyan nya akong ng regalo sa Friendsarry namin, ngaun lang ako naging ganito, at isa pa ngayun nya lang ako binigyan ng rose na red kasi puro blue, yellow or white yung binibigay nya.

Totoo yata yung sinasabi ng iba, kapag nagalit ka sa isang tao, doon mo lang ma rerealize kung ano ang tunay na halaga nila sayo.

"Oh, natahimik ka dyan" Sabi nya

"Kasi Jake........Late na ako sa trabaho ko" Nag-isip nalang ako ng palusot.

"Ganun ba, sorry ha, halika na, ihahatid na kita"

Papalakad na ako papunta sa kotse ni Jake nang harangin ako ni Mimi.

"Oohh, nice flowers. Bagay sayo, parehas kayong mamumula sa hampas at sampal na gagawin ko."

Kinuha sakin ni Mimi ang rose ko. Sasampalin nya dapat ako. Hinihintay ko yung impact, pero hinawakan nya lang yung mukha ko.

"Sabi ko naman sa'yo diba, layuan mo na si Jake. Gusto mo bang magkasubukan tayo? pagdating sa ganyan hindi ako umuurong." Nakangiti nyang sinabi.

Dumating bigla si Jake

"Oh, ikaw nanaman! Bakit mo kinuha yung rose ni Shane? Akin na nga yan" Hinablot ni Jake kay Mimi yung bulaklak ko."Tara na Shane, late ka na."

"Hey Danica, tandaan mo yung sinabi ko sayo ha." Sabay tingin kay Jake. 

Naglakad na kami ni Jake patungo sa sasakyan nya, at nang makasakay kami tinanung nya sakin kung bakit kinuha ni Mimi yung rose.

"Bakit ba kinuha nya sa'yo yung rose mo?"

"Ahh, wala tiningnan nya lang yun."

"Bakit parang nag dedeath threat sya sa'yo?"

"Jake naman, bitch lang yun pero ako, hindi nya ako kaya, mas malakas ako sakanya." Mayabang kong sabi.

Shet it's already 2:10 makakaabot pa kaya ako????????  

The answer is yea, malapit lang naman kasi sa school, ayaw ko lang maglakad kasi tinatamad ako. Hohoho ^o^

2:15 na akong nakarating sa coffee shop, Delightful Cafè ang tawag sa coffee shop na pinag tatrabahuhan ko.

Umalis na din si Jake at nag simula na akong mag trabaho.

Waitress ako dito, so ang job ko kumuha at maghatid ng orders ng costumers at tska maglinis na din ng mga lamesa.

May mga pumasok na costumers at lumabas, hindi ko nalang sila minamind, pero ito lang nakapukaw ng attention ko.

May nakita akong lalakeng gwapo, kilala ko sya ah.

Hindi pwedeng mangyare to...Bakit sya nandito?!

------ 

(A/N) Nabitin ba kayo? Kung hindi ouch naman pinaghirapan ko yan eh. Hahahahahaha. Sino kaya ang nakita ni Shane? Abangan. :DD

5 Votes and 5 Comments please? :) nakakagana po mag UD kapag alam ko na may nag babasa dyan. :) sino gusto ng dedication? Comment nyo lang wag mahihiya. :)

-domolicious

READ |COMMENT | VOTE |FOLLOW ^_^_^_^_^_^_^_^_^_^


Desired Climax [OnHold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon