Notebook (One-shot)

548 15 7
                                    

Notebook (A one-shot story)

©potterheadGabrielle. All Rights Reserved.

***

Heidi's POV

Lumingon ako sa likod ko, baka nandito na naman yung asungot na yun. Nakakakilabot siya! Tengene, araw araw akong sinusundan! Stalker! Pero hindi ko pa nakakausap pero waaaahhh! Nakakatakot talaga. Sino ba naman ang gugustuhin na araw-araw, may nakatingin at nakasunod sa'yo diba?

Anyway, di pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Hahahaha! Ako nga pala si Heidi Lopez. 19 years old, Architecture. At yung tinutukoy ko kanina, sa pagkakaalam ko e Adrian ang pangalan. Di ko alam apelido, aba! May stalker na nga ako tapos iiistalk ko pa siya. Pero gwapo naman siya e. Kinikilabutan lang talaga ako. :3

Pagtapos ng klase ko, tumatabmay lagi ako sa field malapit sa university. Hindi ko alam, nagagandahan lang talaga ako sa ambiance doon. Saka may something na kapag nandun ako, nakakarelax, komportable sa pakiramdam. Pag-upo ko sa may puno, na siyang favorite spot ko dun, may nakita akong NOTEBOOK.

Don't tell me may ibang tumatambay dito?

Binuklat ko yun. Mukhang pambabae e. Ang design pa e Glee. Mukhang pagmamay-ari ng isang highschooler.

Sa unang kalahati ng page, puro lessons sa Math. Mga formula ek ek na yan. Medyo luma na nga yung tinta ng ballpen e. Sa may bandang likod naman ito nakasulat:

 ~

"Arrggghh! Math, I hate you!"  Wengk? Ang astig nga ng Math e.

"Shemay naman Ma'am Lourdes! Hindi mo naman tinuro yung pinaexam mo e!" Pfffftt-- Hahaha! Kawawa yung teacher niya! XD

 ~

Puro reklamo yung pinakadulong page. Anong kasalanan ng Math sa kanya? Hahaha!

Inilipat ko yung page pabalik, natatawa kasi ako sa mga nakasulat dito e.

 ~

Dreng: Bored ka?

Jhade: Always. I hate math. :(

Dreng: Tutor kita, gusto mo?

Jhade: Talaga?! Waaahhh! Salamat Dreng!

Dreng: Hahaha! Basta ikaw! Malakas ka sakin e!

 ~

Hahahaha! Gawin daw bang chat box yung notebook? Nilipat ko ulit yung page.

 ~

Jhade: Dreng, pano ba kapag nasa kabila yung variable? :( Pasensya na, bobo talaga ako sa math.

Dreng: Ok lang yun! Transpose mo sa kabila tapos gawin mong negative yung sign.

Jhade: SALAMAT!!!

Dreng: Hahaha! Syempre crush kita e!

Jhade: Kikiligin ba ako? Hahahaha!

Dreng: Kapag kinilig ka, ibig sabihin, may gusto ka din sakin. Hahaha!

Jhade: Hahaha! Baliw! Magsagot na tayo, mahuli pa tayo ni Ma'am Lourdes dito, mabasa yung mga reklamo ko sa lessons niya! Hahaha!

 ~

Wahahaha! Natatawa ako kay Jhade! Ang kulit! Baka daw mahuli. Lol.

Bumuhos ang ulan kaya hindi ko na natuloy basahin yung mga nakasulat dun sa notebook kaya inilagay ko ito sa bag ko at tumakbo pauwi.

Notebook (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon