••• Amber •••
Nang dahil sa sinabi ng kumag na yon ay isang malupet na seenzone ang nakuha nya sakin. Leche. Nandun na ehh. Nilalandi-landi na ako, tapos eto naman si ako, nagpalandi ! Pero ang ending, ife-friendzone lang pala ako ng Hudyong yun ! Ugh ! Kinagwapo nya talaga yun, pramis ! Ang sarap pasabugin ng gallbladder nya. *frown emoticon*
Kasalukuyang nagsasoundtrip ako ng Enchanted ng Owl City nang may tila pumipihit sa seradura sa kwarto ko.
Holly gwakamolly ! Sino namang talipandas ang maglalakas ng loob na pumasok sa bahay namin sa dis-oras ng gabing ito?
Baka may magnanakaw?
WAAhhh !!!
What to do? What to do?
At dahil sa sobrang katarantahan ay tanging walis tambo lamang ang nakuha ko upang gawing panangga sa kanya.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto.
" Waaahhh !!! May garapataaa !!! " sabay talon ko papunta sa kama ko.
" OA mo AJ ! Sa ganda kong to? Mukhang garapata? Medyo makapal. " sabay hair flip.
" Maganda ka nga, ako naman ang gusto ng mahal mo, wala rin girl. Hahah " banat ko sa kanya.
" Can you please shut up or else I'm going to put that broom inside your mouth? "
" Wag mo nga akong inienglish english dyan JJ at di bagay sayo. At ano namang nakain mo at naisipan mong umuwi dito sa bahay natin sa dis-oras ng gabi ha? "
" Pritong isda na tinimplahan sa Magic Sarap Harhar. "
" Bwisit ka. Di kita makausap ng matino. Lumayas ka nga sa kwarto at ng baka di kita matantya dyan at maipalunok ko itong walis tambo sayo. "
Napikon ako ng very very light dito. Promise.
" Oh chill AJ. Kalma. Yung presyon mo, tumataas. Ehh ano kasi ihh ... hihih. " wika nya sabay pakilig kilig pa. Tss. Mukha talaga syang kitikiti sa ginagawa nya.
" Umayos ka nga JJ. Wag mo kong umpisahan ngayon at bad trip ako. Bakit nga? "
" Ehh kasi nga ... " sabay lapit nya sakin " Nagkausap kayo ni My labs ko kanina diba? Diba? Ano na? Inamin na ba nya sayo na di na ikaw ang gusto nya? Na binawi na nya yung confession nya dati sayo na ikaw ang gusto nya? Ako na ba ngayon ang gusto nya? Ang mahal nya? Gusto na ba nya akong pakasalan at sabay kaming bubuo ng pamilya? Ilan ba raw ang gusto nyang anak? Isa? Tatlo? Lima? Ano? Ilan? Ako, ok lang kahit isang dosena pa basta sya ang ama. Yiiee !! Kinikilig talaga akooo !!!
" Ang dami mong sinabi JJ pero lahat ay puro walang kwenta. Ano bang pinagsasabi mo dyan ha? Nanghiram lang yung tao ng notebook sakin kanina. Yan kasi ang hirap sayo e. Inuuna mo yang kaartehan mo at puro selfie ang inatupag kaya tuloy, ulam na, naging bato pa. Magbago-bago ka na kasi. 2015 na uy ! My gaaad !! " sabay roll eyes. Ohah? Ang arte ko.
" Whatever kambal. Pero yun lang ba talaga ang nangyari ha? Baka naman may secret affair kayong dalawa ha ! Nako nako AJ, walang talo-talo. Alam mo yan. Ang kay JJ ay kay JJ, at ang kay AJ ay mapapapunta kay JJ ... Ara-araay !! Joke lang ! Nambatok pa ehh ! Tss. "
Nakakainis talaga. Boset.
" Inuulit ko AJ, ang kay JJ ay kay JJ, at ang kay AJ ay kay AJ. Kaya walang ahasan ha? "
" Pwede ba JJ, sa tingin mo ba, ganung tipo ang gusto ko? My goodness. "
" Ay sabagay pala AJ, may Justine ka na nga pala. Hahah I'm so pathetic talaga. "
At nang marinig ko ang pangalan ng kulugong yon ay automatic na tumaas nanaman ang dugo ko patungo sa ulo.
" WAG NA WAG MO NGA BABANGGITIN PA ANG PANGALAN NG HUDYONG YAN !! "
" Ang alin? Yung Justine? "
" ARGHHH !! KASASABI KO LANG NA WAG MONG BANGGITIN !!! "
" OA mo magalit AJ. Mukha kang dragon na ano. Ano ba kasing nangyari at nagkakaganyan ka ha? Di ka na ba virgin? "
" Ulagaaa !! Syempre Virgin pa ko noh? Tanga tanga kasi ang lalaking yun e ! Arghh !! "
" Anyare nga kase? Kwento mo na. Bawal madamot. "
" Ehh kasi nga, kanina. Nagcomment sya sa picture ko, tapos yun, nag-asaran, kulitan kami. Nag pm pa nga sya sakin e. Tapos nag-asaran at kulitan ulit kami. Muntik na nga ako ma-fall ng tuluyan iih ... "
" Ano kamo? Fall? Agad-agad? Ano to, PBB teens? Anong klaseng kalandian yan AJ ha? Paki Explain. "
" Pwede bang makinig ka muna dyan bago ka kumontra? Baka gusto mong alisin kita dito sa kwento ko. "
" Oo na ! Oo na ! Tatahimik na. Damot neto. Tuloy mo na. "
" So ganito nga. Nagkausap nga kami kanina. Yung tipong iniimagine ko na magkasama kaming dalawa. Tapos magkahawak kamay. Tapos .. Tapos ... "
" Alam mo, ang landi mo talaga AJ. Pakifast forward na please. Kawawa naman ang Author na pinapasma na ang kamay kakatype sa mga kalandian mo. "
" SINABI NG MANAHIMIK KA MUNA KUNG AYAW MONG ALISIN KITA SA KWENTO KONG ITO !!! "
" Oo na. Bwiset. Kung di ko lang talaga mahal ang character ko dito sa kwento e hayss .. O tuloy na. "
" Ok ! Yun na nga. Bwiset. Nawala na ako sa ikukwento ko. Ano nga kasi. Gusto daw nya akong maging ... "
" GIRLFRIEND ??? WAAAHHH !!!! OMG EYJEEEEYYY !! DALAGA KA NA ! NAGKAGUSTO SAYO YUNG CRUSH MO TAPOS ---- uhmm ! hmmm ! hmm ! "
Di ko na pinatapos pa ang kanyang mga sinasabi dahil alam naman natin na wala na yung kwenta, kung kaya naman ay binusalan ko na lamang ang bibig nya. Ingay e =____=
" Oa ka kambal ! Tae. Di yun e. Nagexpect nga rin ako e kaso ... huhuh ... nabestfriendzone ang beauty ko. Huhubels. "
" Ahhh ... Yun palaa .. Tsk. O di mas ok yun. Mas lalo kang mapapalapit sa kanya. Tanga mo girl. "
" Tanga ka rin ! E hindi naman kasi yun ang gusto ! Gusto ko maging girlfriend nya ! Huhuhu "
" Alam mo kambal ... " sabay lapit nya sakin. " Makuntento ka na lang. Yung iba nga e, ni isang hi sa crush nila ay di nila magawa. Samantalang ikaw, naging instant bestfriend ka pa nya. Oha? Bongga ka ! Malay mo, dun kayo madevelop dalawa. "
At napaisip ako sa sinabi ng kakambal ko. May point nga sya. Malay nga natin diba? Gumagana rin pala ang utak ng isang to paminsan-minsan hahah di ako aware.
***
A/N: Hello guyth ! *smile emoticon*
Gusto ko lang ishare yung song na Enchanted ng Owl City. Promise. Magugustuhan nyo yun. Peyborit ko yun e nung mga panahon na inlove na inlove ako sa ... sa .... Hayss ! Nevermind po. Basta paki pakinggan na lang po kung inyong nanaisin. Thanks ! *wink emoticon*
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Manhid
Teen FictionHave you ever been in love with your best friend?