Nang dahil sa magdamag na kwentuhan namin ni JJ about sa mga walang kakwenta-kwentang bagay kagabi, ay na-late tuloy ako ng gising ngayon.
At eto pa ang mas malupet.
HINDI AKO GINISING NG DALDALITANG YUN !!!
Bwiset talaga sa lahat ng bwiset !!
And so because of that, kabayong bundat, ay nagmadali na ako sa mga morning rituals ko.
Nang matapos ay agad akong bumaba upang tingnan kung nandun pa rin sa baba si JJ.
Nakapagtataka.
Ang tahimik sa sala.
Well. Sa mga hindi po nakakaalam, pag ganito kasing oras at kapag nandito si JJ, ay di maaaring walang bukas na T.V or radio sa bahay. Trip na trip nya kasi masyado si Taylor Swift so kahit purgang-purga na kami sa kakapanood ng mga music vids nito at kakapakinig ng mga songs nya ay wala kaming magagawa sa bagsik ni JJ.
Nung minsan kasing nagsoundtrip si JJ ay sobra nyang nilakasan yung volume, yung tipong makabasag eardrum at makadurog baga ang dating. At dahil na rin sa hindi ko maintindihan ang binabasa kong story sa Wattpad ay agad kong binunot ang saksakan ng radio.
Hayyy ... Finally ... Tahimik na rin ang buhay ko ... isip-isip ko.
Pero yun ang akala ko.
Maya-maya pa ay biglang tumayo si JJ at bitbit yung isang speaker. Akala ko ay lilipat lang sya ng pwesto or whatever, kaya naman di ko na lang sya pinansin.
At hindi ko na inaasahan ang sumunod na mangyayari.
Bigla nyang inihagis sa akin ang speaker at sa kinamalas-malasan ay hindi ako nakaiwas kung kaya naman sapul sa mukha ko ang pobreng speaker. Putok ang noo ko ng mga panahong yun at wala akong ibang ginawa kundi pumalahaw sa loob ng bahay.
At simula nga non, hindi ko na sya pinakekealaman pa everytime na magsasoundtrip sya. Ako na mismo ang nagaadjust dahil ayoko ng mabalian ng buto.
So balik nga tayo sa sala.
Nakakapagtaka nga at bakit ang tahimik at walang tao?
Oh no?
Hindi kaya kinuha na sila ng mga nagpapanggap na mabuting aliens? Tapos maniniwala sila na walang masamang gagawin ang mga aliens sa planet Earth. Pero yun pala, may hidden agenda sila ! Gagawin nilang mga bulate ang mga tao para ipakain kay Poultra????!!
WAAAHHH !!!
Yan ang napapala ko sa kakapanood ng Jimmy Neutron.
Baka naman kinidnap sila JJ tapos ibinenta sila sa palengke para gawing hopia???
WAAAAHHHH !!!! Juice colored ! Wag naman sana.
Pero ang alam ko kasi, may Hopiang Ube, at may Hopiang Baboy pero wala pa naman akong nalalaman na may Hopiang Tao !
Aish. Erase na yan.
Ok.
So napagpasyahan ko na lamang na pumunta sa kusina.
" O good morning, Aj. Tinanghali ka yata ng gising. " wika ni Yaya Clariza habang nagliligpit ng mga pinagkainan.
" Good morning din po, Yaya. Ahh oo nga po ehh. Napasarap po kasi ang kwentuhan namin ni JJ kagabi. " sabay papak ng hotdog " Ay nga pala, 'ya, nasan po pala si Jj? "
" Ay nako be, kaaalis lang kanina e. Hinatid na ni Paolo sa school nyo. " sagot ni yaya sabay talikod. Naghuhugas kasi sya ng mga pinggan.
" Ha??! Hinatid na sya sa school?? E paano naman ako? Sinong maghahatid sakin? Di pa naman ako marunong magdrive. Aish ... Sige po 'ya. Mauna na po ako. "
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Manhid
Teen FictionHave you ever been in love with your best friend?