Diseased 01: The Start

30 5 1
                                    

"Ma, okay lang po ba kayo? Wala po bang masakit sa inyo?" Alalang tanong ni Shaylene sa kanyang ina, dahil nahawaan siya ng isang disease. Isang disease na imposibleng gumaling.

"Okay *cough* lang ako" sagot ng kanyang ina.

Ba't naman kasi nahawaan pa siya ng disease? Bakit sa lahat ng taong nasa mundo ang nanay ko pa talaga ang nahawaan?

"Ma, punta tayo sa Hospital, para naman gumaling ka na" nakangiting pilit na sinabi ni Shaylene kahit deep inside hirap na hirap na siyang makitang nagdudusa ang kanyang ina.

Tinulungan niya ang kanyang nanay na makasakay sa kotse at pagkatapos nun, nagmaneho na siya papunta sa ospital.

Sana hindi pa mahuli ang lahat

Pagkapunta nila sa ospital tinulungan niyang makababa ang kanyang nanay at pareho silang pumasok sa loob ng ospital, nagulat si Shaylene dahil marami ding taong na-infect doon sa disease na iyon.

Hindi lang pala ang nanay ko ang may ganitong disease, pati na din pala ang mga ibang tao.

Pinaupo ni Shaylene ang kanyang nanay at siyempre ang kanyang ina ubo lang ng ubo kaya naaawa na si Shaylene sakanya, ganyan niya kasi kamahal ang nanay niya.

Her mother is the only person who was left in her family, ang ina niya at wala ng iba, kaya masasaktan si Shaylene kapag nawala ang kanyang pinakamamahal na nanay.

"Ma, pupunta lang po ako sa doktor" sabi ni Shaylene.

"O sige *cough* anak" sabi ng kanyang ina, nalungkot na naman ang awra ni Shaylene at naghanap ng doktor na pwedeng makatulong sa kanila.

Naghahanap na si Shaylene hanggang sa nakita niya ang isang batang lalaki nakaligoy-ligoy lang sa daanan ng ospital.

Nilapitan ni Shaylene ang batang lalaki at sinabi "bata, okay ka lang ba? 'Asan yung mga magulang mo?"

"Okay lang po ako, naligaw lang kasi ako, hindi ko po kasi alam kung nasaan ang room 295" sagot nung batang lalaki.

Respectful naman pala 'tong bata, sana may ganyan akong kapatid

"Dalhin na lang kita doon sa room 295" sabi ni Shaylene, masiglang tumango ang batang lalaki at sumama kay Shaylene.

Habang naglalakad silang dalawa nung batang lalaki, iniisip ni Shaylene kung ano ang pangalan niya dahil meron siyang kamukha.

"Bata, ano pala pangalan mo?" Takang tanong ni Shaylene.

"My name is Macky Sean Estrella" sagot ni Macky, napaisip naman si Shaylene dahil may kapareho siyang last name pero hindi niya magawang isipin ng mabuti.

"May kapatid ka ba?" Takang tanong ni Shaylene, tumango naman si Macky "anong pangalan niya?" Dagdag na tanong ni Shaylene.

"Mackenzie" sagot ni Macky.

Mackenzie.....Mackenzie......Mackenzie

"Mackenzie Shane Estrella?" Tanong ni Shaylene, tumango naman si Macky.

May kapatid pala yung bruhang 'yon, hindi man lang sinasabi sa'kin, amputs.

The Diseased HumansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon