Summer noon masaya kaming nag-lalaro sa may malawak na bukirin
Mainit pero ayos lang yun, kasi pag bata ka mas mahalaga ang maging masaya kaysa umitim.
Mahalimuyak ang mga bulaklak noon, bughaw ang langit, masaya at maingay ang mga ibon
Ganoon din ang mga hayop sa kakahuyang pinag lalaruan namin.
Siguro nararamdaman nila ang nararamdaman ko sa kasama ko, sa aking kalaro
Oo bata palang ako nang malaman kong nagmamahal na pala ako, pero hindo ko pa maipaliwanag
"Chukoy! Ahaha chukoy!" Isang munting tinig ng batang babae.
"Mutya! Hintayin mo ako, papunta na ko" isang batang lalaki na may bitbit na mga napitas na bulaklak.
"Para sayo oh. Ehehe" namumulang pisngi ko
"Salamat chukoy, san mo ito nakuha?. Aha ang ganda" tuwang tuwa na tinig ni mutya.
"Ahh sikreto no, nagustuhan mo ba?" Namumula parin ang pisngi ko.
"Oo naman, ang gaganda at paborito ko talaga ito" sabay halik ni mutya sa pisngi ni chukoy.
Ganyan sana kami habang buhay,
Masaya, malaya, at walang problema.
Pero hindi mo masasabing nabubuhay ka pag ganoon nalang palagi.
At darating ang panahon na, susubukin kayo ng tadhana.
Isang malamig na gabi tahimik na nakabuklod ang mga kaibigan ni mutya sa labas ng bahay nila.
"Chukoy nandyan ka pa ba?" Tinig ng isang batang babaing nakaratay sa kama.
Namumutla, nanghihina at tila pagod na pagod.
"Pasensya na at hindi kita makita, sabi ng doctor imposible na ako makakita" nangingilid ang luha ni mutya.
"Chukoy nandyan ka pa ba? Maglalaro parin tayo diba? H-hindi nga lang a-ako pwede tumakbo" pumatak ang unang luha at nasundan ng isa pa
Hangang sa maging agos ang mga ito.
"....mmm-hik mmm-hik" isang batang lalaki ang mataimtim na umiiyak.
Hindi ako makapag salita.
Kung iimik man ako ano ang sasabihin ko?
Pagsisinungalingan ko ba sya na gagaling pa sya kahit hindi na?
Anong gagawin ko bata lang ako, mahina, iyakin...
"P-patawad mutya, hi-hindi ko alam ang gagawin ko" hagulgol ng batang lalaki.
"Okay lang yon chukoy. Ikwento mo nalang sakin kung pano nabuo ang mga bituin." Pilit na ngiti ng batang babae.
Madalas kong kinukwento kay mutya ang storya ng bituin, bagamat alam nyang gawa-gawa ko lang ang mga kwento, masaya parin syang nakikinig sakin. Subalit iba ang sitwasyon namin ngayon.
"....p-patawad ...pa-patawad" dali daling umalis ang batang lalaki.
Naramdaman at narinig ni mutya, kayat dumaloy muli ang luha nya, magisa, at walang karamay ang pakiramdam.
Bawat hakbang papalayo ng batang humahagulgol sa iyak.
Hindi ko malilimutan si mutya.
Masasaya nyang ngiti.
Mga mata nyang puno ng pag asa.
Hindi ko inaasahan na mawawala agad sakin si mutya, isa sya sa biktima ng isang malubhang sakit. Walang lunas
Walang senyales.
Sadyang mapaglaro ang tadhana.
At ilang araw pagkatapos noon umalis na ang pamilya namin at lumipat ng lugar. Dahil sa ako ang pinaka naapektuhan
Hindi na ako kumakain.
Laging tulala.
At gabi gabing naiyak.
Wala nang ibang maisip na solusyon ang magulang ko kundi, itakas ako sa nakaraan. Tumakbo katulad ng ginawa ko kay mutya noong oras na kailangan nya ako.
Sampung taon na ang lumipas.
Naging tambay ako ng bahay, nalabas lang pag napasok sa iskwelahan
At isinusuot ko ang pekeng maskara ng isang nakangiting lalaki na hindi ko kilala. Upang may maiharap lang sa mapait na mundo.
Hindi ko na nakikita ang mga kaibigan namin ni mutya sa dating tinitirahan namin. Pilit nila akong inaalok lumabas
Pero kada panyaya nila ay may nakahanda akong dahilan. At wala rin akong mukhang maihaharap sakanila.
Paulit ulit.
Parepareho.
Araw araw.
Ngunit sadyang mapag-laro ang tadhana at kapalaran sakin. Dahil sa isang araw na inaasahan kong katulad rin ng ibang araw ay mayroong himalang mangyayari.
At yon ay ang muli kong nakita si mutya.......sampung taon pagkatapos nya mamatay.
Pinaglalaruan yata ako ng guni-guni ko..
"Kamusta ka na chukoy?" Nakingiting sinabi ng dalagang bersyon ni mutya.
Nakatitig lamang ako, sa kanya, sa kagandahan nya.
Alam kong pinaglalaruan pang ako ng imahinasyon ko pero, napakaganda nya sya nga si mutya kung tumanda sya kasama namin, isang anghel?!!
BINABASA MO ANG
Ang pangako ng bakasyon
RandomIsang himala ang nangyari sa maliit na bayan kung saan nakatadhana muli magkita ang dalawang pusong nagmamahalan. Sundan natin ang istorya nila, Sinubok ng panahon at trahedya. Ngunit maraming misteryo ang itinatago ng munting bayan na iyon Magwawag...