Chapter 1: The Loner

64 2 7
                                    

Jasmine's POV

Pasukan na naman...

Napabuntong hininga ako habang nakaharap sa salamin. Ano kayang mangyayari ngayong first day ko.

Bahala na...

Inayos ko na ang mga gamit ko at dumiretso sa kusina.

Naabutan ko dun sina kuya Jasper at kuya Jerrimiah na kumakain.

"G-Good morning." - nakayukong sabi ko.

Napatingin sila sa akin saglit tapos kumain na sila uli.

Tsk. Sanay na ako sa kanila. Bakit ko pa ba pinansin ang dalawang to.

Uupo sana ako nang biglang hilahin ni kuya Jasper ang upuan ko.

"Doon ka sa sala kumain."

Kumuha na ako ng pagkain ko at pumunta ng sala.

Nangangalahati pa lang ako sa kinakain ko ay nag re-ready na silang umalis.

"Hindi ka na namin isasabay... Ang bagal-bagal mong kumilos." - kuya Jerrimiah

Tumango na lang ako.

Wala na naman akong magagawa, kung magpipilit ako na isabay nila masasaktan lang ako.

Umalis na sila kuya at ako na lang ang natira sa bahay.

Bago umalis ay nilinis ko muna ang buong bahay. Maaga pa naman.

Oo nga pala hindi pa pala ako nakakapag pakilala.

Ako nga pala si Jasmine Uzzahiah
Villasel. 17 years old. Senior high student. At bunso sa magkakapatid.

Nagtataka ba kayo kung bakit ganun sina kuya sa akin?

Well...

Pati ako nagtataka din. Hindi ko alam kung bakit ganun sila sa akin. Gusto ko mang tanungin kung bakit, wala naman akong lakas ng loob na tanungin sila.

Ako kasi yong klase ng tao na kinikimkim ko na lang ang lahat.

Kaya ako ganito.

Tahimik at ilag sa ibang tao.

Alam nyo ba na walang nakakaalam na kapatid ako nina kuya?

Hearthrob kasi sina kuya sa school namin. Kaya ayaw nila ipaalam kasi ayaw nilang masira ang image nila sa school dahil sa akin. Dahil may kapatid silang hindi popular.

Ang babaw ano?

Yessss... Tapos na rin.

Makapasok na nga.

*Havenhurst Academy*

Nakayuko lang ako habang naglalakad papasok ng eskwelahan...

May mga nakasabay akong mga kakilala ko pero pag babatiin ko ay bigla na lang silang tatakbo.

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Gusto nyo bang malaman ang itsura ko?

Simple lang akong babae. May mahabang buhok na hanggang bewang na may mahabang bangs na takip ang kalahati ng mukha ko.

Sabi nila maputi yong balat ko na parang labanos. Mas tamang sabihin maputla.

Papasok na ako ng academy nang may mapansin akong lalaki na parang may hinahanap. Kagaya ko ay pareho rin ang uniform namin.

Siguro transferee sya.

"A-Ano..." - nahihiyang sabi ko.

Napalingon sya bigla sa akin.

OoO

A-Ang gwapo nya!!!

"D-Dito yong daan papuntang Havenhurst Academy." - kinakabahang sabi ko.

Tinitigan nya lang ako. Tapos bigla syang lumapit sa akin.

"Taga academy ka ba?"

Napatango ako.

"Hmmm... Ganun ba? Kilala mo ba ako?"

**********

Hello guys!!! Pasensya na sa chapter na to parang ang lame..
Pero sana basahin nyo pa rin.
Don't forget to vote and comment. ;)

Smile For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon