Chapter 9: You Will Pay

19 1 0
                                    

Jasmine's POV

"Ano ba bilisan mo dyan!!! Ang kupad mo talagang gumalaw!!!"

-_- Tss... Anong akala nila sa akin si superwoman na sa isang iglap maayos ko tong mga dadalhin namin.

Dali-dali kong inayos yong last na gamit ni kuya Jasper.

Nang matapos na ay bumaba na agad ako.

"Sa resort tayo pupunta hindi sa kung saang liblib na lugar." - kuya Jerrimiah.

Napatingin ako sa suot ko.

Isang mahabang palda at naka jacket ako. Anong masama don?

"Magpalit ka nga Jasmine! Sayang ang beauty natin!"

Napatingin kaming tatlo sa nagsalita.

"What are you doing here?!!" - sigaw ni kuya Jerrimiah.

Nanlilisik pa nga yong mga mata nya sa galit. Hindi ko sya maintindihan kung bakit allergy na allergy si kuya kay Ashton. Ok naman to... Except nga pala sa pang iistalk nya kay kuya.

"Hello my Jerri my love!!!" - napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nya."Sasama kasi ako sa inyo my love..."

^_^ sya

-_- si kuya

"As expected..." - sabi ni kuya Jasper saka ito lumabas ng bahay. Sumunod naman si kuya Jerrimiah sa kanya.

Bakit parang may napansin ako kay kuya Jasper kanikanina lang... Hmmm...

"Magpalit ka nga girl ang baduy mo..."

Kung sapakin ko kaya to ng manahimik.

"Here suotin mo to." - sabay pakita ng shorts at sando.

What the?!

"Ayoko." - saka ko sya tinalikuran.

"Hep hep hep. Hindi pwede. Suotin mo to."

-_-

>_<

"Susuotin mo 'to o ako pa ang mag susuot nyan sayo..."

Kung ganyan na ang tono ng boses nya sundin mo na lang sya para wala ng gulong mangyayari.

Kinuha ko na lang yong damit at pumasok sa banyo.

Paniguradong nagtatalon na sa tuwa si Ashton o kaya nagpagulong-gulong na yon.

Matapos magbihis ay parang gusto kong hubarin to uli. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong damit.

"JASMINE!!!TARA NA!!!"

-_- Masasapak ko na talaga ang babaeng yon.

Lumabas na ako ng banyo at kinuha yong jacket ko at tinali sa bewang ko para kahit papano ay matakpan yong legs ko.

"Oha!!! Ang sexy mo girl!! Paniguradong maglalaway ang mga boys sayo sa beach."

Tinulungan na nya akong magbuhat ng mga gamit at lumabas na kami ng bahay.

"What kind of clothes is that Jasmine!!!"

"Change that freaking clothes!!!"

Sabay na sigaw ng mga kuya ko.

"Wow concern sa little sister nila. Wag mo nga silang pansinin Jasmine inggit lang yang mga yan." - Ashton

Nilagay na namin sa likod ng van ang mga gamit at nang papasok na kami sa loob...

O_O

What the hell is he doing here?!

"Dwayne right?" - tanong ni ashton.

"Yeah..." - sagot nya. Pero sa akin nakatingin ng masama.

Lagot na...

"Get inside Jasmine dun ka sa likod." - kuya Jasper.

Thanks god...

"Doon na ako sa likod Jasper nahihilo ako dito."

Nagkatinginan sina kuya.

Namalikmata lang ba ako o totoong ngumiti sina kuya. Siguro guni-guni ko lang yon.

"My love tabi tayo!!!" - tili ni Ashton.

"Tss..."

Napatuwid ako bigla ng upo ng lumapit sa akin ang lalaking to.

"Do you remember something babe?"

>\\\\\\\\\\\\\<

"You will pay.." - then he smile dangerously.

****************
Waaaaaa!!!! Ano kayang ibig sabihin ni papa Dwayne.?

Kung akala nyo nilaktawan ang chapter na to hindi po. Ang continuation ay nasa chapter 10. At malalaman nyo kung ano ba talagang nangyari sa kanila sa facultt room.

Smile For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon