sobrang saya ko…
malapit na pala ang js prom…
“yaahooo”…
araw-araw ini-ikesan ko ang kalendaryo…
sobrang excited na ako…
isang araw bago mag-prom ay nakita ko si Carla…
isa sa mga crush kong classmate…
“ahhh… Carla pwede ka bang isayaw sa js prom natin bukas?”...
“ah… eh… sige”…
“yaahooo”…
lumevel up ang saya ko”…
kinabukasan ay js prom na namin…
medyo kinakabahan ako kasi first time kong magsuot ng formal suit…
pinagtitinginan ako ng mga tao at nung nasa jeep na ako may nakita akong dalawang babaeng nagtatawanan habang nakatingin sa akin…
tinaas ko ang isa kong kilay sa kanila at pagkatapos…
“cheee!!!”… sabay lingon sa kanan…
biglang lumakas ang tawa nilang dalawa na parang walang bukas…
"hay"… pati ako napapatawa na rin…
nung nasa venue na ako ng pagdarausan ng prom namin ay nasa tabi lang ako…
tinitignan ang mga babaeng nandoon…
nung kinakabihan na doon na nag-umpisa ang programa…
dasal…
national anthem…
kumanta ng theme song ng prom namin…
habang nagtatawanan yung mga classmates ko…
at yun na…
iba-iba ang tugtog…
disco…
sweet music…
tapos disco ulit ang music…
pero hindi si Carla ang naging first dance ko…
“hay”…
nakakainis talaga…
naunahan ako ni albert kay Carla…
at kapag may lalapitan akong babae para isayaw ko ay uunahan na ako ni albert…
yung totoo…
nagkataon lang ba yun? o sadyang may anumalya?…
sa wakas…
walang kasayaw si Carla at agad ko na siya niyaya…
“can I dance with you?”…
“sure”… sagot ni Carla…
nung nasa gitna na kami…
disco song ang pinatugtog…
“hay”…
ngumiti si Carla…
“ok lang yun, sayaw na lang tayo ng disco”… sabi ni Carla…
at yun nga ang ginawa namin…
Sumayaw ako ng disco na malungkot…
ng matapos kaming magsayaw…
umupo muna ako sa tabi upang magpahinga…
“pssst… pssst”…
narinig ko bandang likuran ko…
at ng lingunin ko…
isang magandang babae ang nakita ko…
ngumiti siya bigla…
nginitian ko rin..
kinawayan niya ako…
kinawayan ko rin siya…
nung tatayo na ako para lapitan siya ay biglang may bumangga sa akin…
“sorry”… sabi ng unggoy este lalakeng nakabangga sa akin…
at dumiretso siya sa babaeng kumaway sa akin…
at bigla niya itong niyakap at hinalikan...
“what!!!... oh my”…
Mahirap palang maging assuming… (T_T)
“zzzz”…