I was on my way to our room, first year section A. Bigla nalang lumapit yung isa kong klassmate samin sabay tili sa harap ko.
"Frieeeend! May transferee! Gwapo!" na agad naman nagpa simangot sakin.
"Ha? paano nagka transferee eh november?" takang tanong ko. 2nd week na kasi ng november, ang aga niyang pumasok, unfair ha. "Don't know, pero tara lets na! Nang makita mo!" kilig na kilig parin si Ate ha, take note: may boyfriend na tong malanding to. Hinila nya naman ako agad. Nasa stair lang kami malapit sa room kaya konting lakad lang natanaw ko na agad ang hot topic ng Campus.Chinito.
pero galaw pa lang mukhang enjoy sya na mag ala heart throb sa first day. Mayabang siguro. Ay, ayoko sakanya. Hindi ko alam, bigla nalang ako nainis sa kanya pero not level 70% hate ha. Konti lang.Malapit lang siya sa door habang kausap yung weird naming classmate na ka close ko... konti. Agad akong pumasok at sinalubong ng mahaharot kong mga classmate since birth na yung mga girls ay kilig na kilig, at yung mga boys, ewan bakit tawang tawa. Kalokohan nanaman iniisip ng mga yan.
"Chinito! Gaaaash, ang hot." sabi agad ng mga ka seatmate ko. "Pangit man." sagot ko naman. Totoo, di ko siya type. Wag niyong sabihing choosy, maarte at pakipot ako. Freedom of speech po. Kasi di ko talaga type... ata. Di aki sigurado kasi nung nag tama yung mga mata namin...
Fine! GWAPO.
