Chapter 6

51 12 7
                                    

CHAPTER 6

LIVING THINGS

Kebbyloon Mariano's POV (Buknoy's)

>......................<

"Son?" -daddy

"Po?"

Nasa loob na ako ng kotse namin at nagda drive na si daddy.

"May nangyari ba?"

Alam kong hindi tama ang inasal ko kanina. masaya na sana ako kasi naasar ko na naman siya. But I know my limitations. Napahiya ko si powder kanina. Feeling ko napaka bastos ko to think na kahit tatlo lang na mga lalake ang nakarinig sa sinabi ko sa kanya, sa tingin ko doble doble nang kahihiyan para kay powder yun. Ang sama sama ko.

"Kebby? Your dad is asking you." -mommy

"H-huh? A-ahm I'm fine dad." sagot ko.

"Nakabili ka ba ng gift mo?" -daddy

"Yep."

Binulsa ko lang yung nabili kong regalo. Maliit lang naman yun e pero alam kong magugustuhan nila tito at tita. Si powder... kanina nakita kong may dala siyang shoppers bag. bumili rin siguro yun ng ireregalo para sa parents niya.

Papunta na kami ngayon sa bahay ng mga Ferro.

"We're here." maya-maya'y narinig kong excited na sabi ni daddy. Pagkahinto ng kotse agad naman kaming bumaba ni mommy. Narinig ko naman ang isang malakas na tugtog na madalas ko ring naririnig tuwing sasapit ang petsa. Sa pagkakaalam ko, ito yata ang kantang nag bukod tangi kanila tito Men at tita Jann noong sila ay nag-iibigan pa lamang.

Old but still exists...

~I feeeeeeel so freee!!

It's like a Fantasy....

Having you next to meee

Suddenly it's magicccc~

~One look... One touch...

Words just don't say enough

waiting for the love...~~

~...suddenly...~

~...suddenly it's magic~~

"Oh nandito na pala kayo! dali pasok po kayo." salubong sa amin ni yaya toya.

Sumunod naman kami.

"Ahm yaya? Where's Jann and Men?" tanong ni mommy kay yaya toya nang makapasok na kami sa loob.

"Ahm si sir Men po nasa kusina, nagluluto. Si ma'am Jann naman po ay nasa garden po, pinapaganda ito kasama po ng iba pong mga katulong." nakangiting sagot ni yaya toya kay mommy.

Ngumiti naman si mommy rito at nagpaalam na pupunta raw muna siya kay tita Jann at tutulong dito. Si daddy naman ay pumunta ring kusina at nagsabing tutulong na rin daw muna kay tito Men.

Naiwan kami ni yaya toya sa sala.

"Marami bang bisitang darating?" tanong ko sa kanya.

"No. kayo lang ang bisita nila."

"Anong kami lang?"

"Kayo lang." Ano ba namang kausap to! (¬_¬)

"E baket nga kami lang?"

"Anong magagawa ko e kayo lang ang gustong papuntahin e!"

Nice answer!

"Nasaan nga pala si powder, yaya?"

The Buder Ponoy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon