Chapter 9

48 11 0
                                    

CHAPTER 9

THAT DIFFERENT CREATURE

"M-may ate ka pala?" tanong ko kay buknoy. Alam ko namang wala e. Pero na curious lang talaga ako kasi parang ang close nila sa isa't isa at tinatawag pa ito ni buknoy na ate.

"Nothing. Kaya nga siya na lang ate ko."

"Ah." nasabi ko na lang.

"Ahm naparito pala kayo?" -ate laryan

"Ate laryan? sabay na tayong mag dinner?" yaya ni buknoy sa kanya.

(¬_¬) Napaka bait naman nito magyaya sa iba! e sa akin away muna bago payag. Napakaaaa talaga nito!! wala na ngang pera e! magyayaya pa?! Alien talaga!

"Naku! kumain na ako kebby." sabi naman ni ate laryan dito.

Mabuti naman!

"Ah ganon ba? sige makikigamit na lang ako ng gripo." sagot naman ni buknoy saka tumayo at pumuntang lababo saka naghugas at nagsabon ng mga kamay.

"Ahm, ate laryan? nagkita na ba tayo dati?" tanong ko sa kanya nang mapag-isa kami.

"Oo. Di mo natatandaan?" sorry e makakalimutin ako. "Ikaw yung nag asked sa akin noon kung ano bang magandang pangregalo sa mga magulang mong mag cecelebrate ng Wedding Anniversary nun."

(^_~) Ahhhh! tamaaaaaaaa! siya yung sales lady na maganda! now I know! sabi ko na'ng parang nagkita na talaga kami nito e. Nagtatrabaho na siya ibig sabihin, above 18 na siya? waaaaaaah~! Hindi halata! Parang ang bata bata niya pa tignan e. Saka mas matangkad pa ako sa kanya ng kaunti. Kaya hindi halata.

"Natatandaan ko na ate Laryan! hehe ikaw yung sales lady doon sa MOA? diba?" tanong ko sa kanya.

"Oo ako nga." sabi niya naman tapos nagtawanan kaming dalawa.

"Ahm ate Laryan? Paano nga pala kayo nagkakilala ni buknoy?" curious lang.

"Huh? Sinong buknoy?" tanong niya. hihi natawa ako. Tama pala! hindi pala alam nito na buknoy tawag ko kay Kebby.

"Ahm si Kebby po. hihi" sagot ko sa kanya.

"Ah! Ano kasi, parang kapatid ko na rin yan e. Ngayon lang ulet yan nadalaw dito kaya namis ko't nayakap ko kanina. Si kebby kasi yung nagtanggol sa akin noon sa snatcher na bigla na lang hinablot yung bag ko. Hinabol yun ni Kebby at nung naabutan, e binugbog niya saka naman binalik yung bag sa akin. Napakabuting bata niyan e, imbes na dapat ako pa ang magpasalamat sa ginawa niya, siya pa tong nanlibre sa akin sa Jollibee. Sabi niya naman malungkot daw siya kasi gusto niya raw magkaroon ng ate kaso nag-iisa lang daw siya. Kaya sa tuwing nalulungkot yan, madalas, dito yan tumatambay at nanggugulo. Alam din naman niya ang working hours ko kaya alam niya rin kung kailan ako wala sa bahay ko. Simula nun, dun na. Parang naging magkapatid na kami. Ngayon lang nga ata yan hindi nakakadalaw ng madalas e kasi sabi niya nung tumawag siya sa akin, e naging abala daw siya sa studies niya kaya yun."

"Ah! hehe buti naman at hindi ka niya inaasar paminsan-minsan ate Laryan."

"Minsan nga nagiging makulit siya tapos bigla bigla na lang akong aasarin." di ko aakalaing matutuwa ako sa mga kwentuhan namin dahil kahit saan saan na lang nararating ang usapan namin. I never get bored talking to her. Tapos nagtawanan kami...

Agad na bumalik naman si buknoy kaya natigil na ang pagkwekwentuhan namin.

"A-ahm, thank you Ate Laryan. Sige mauna na kami. Hindi pa kasi kami nakakapag dinner e." paalam ni buknoy kay Ate Laryan. Ngumiti naman si Ate Laryan dito at tumango. Saka naman kami umalis ni buknoy.

"O ngayon asan tayo?" tanong ko sa kanya nang nasa loob na kami ng kotse.

"Manong Elmer, balik ho doon." sabi nito kay manong Elmer instead na sagutin ako.

Ok. Just be that cold to me buknoy! Pakelam ko sayo?!

Bumalik naman kami sa harap nung resto kanina.

"Let's eat." yaya sakin ni buknoy nang nakangiti.

Anyare? o_O? Kanina lang ang cold cold niya tapos ngayon bigla na lang siyang gaganyan? Baka gutom lang?

"B-baket? Ayaw mo bang kumain ha? D-di ka ba nagugutom?" tanong niya sa akin.

"Sabi ko nga kakain na!" sagot ko sa kanya tapos bumaba na ako at nauna nang pumasok sa loob ng resto.

HmmmmmmmmmmmmMmmm tumutunog na tiyan ko.... Saraaaap saraaap yum yUm makakakain na rin ako sa wakassss! kyaaaaaaaaaah~!!

Nang makapwesto na kaming dalawa sa isang table roon ay saka naman kami nilapitan ng isang pompous waiter. Nagturo ako ng marami ganon din naman si buknoy tapos umalis na yung waiter.

"S-sabi mo singko na lang pera mo?" tanong ko sa kanya.

"Pssssssh. Wag kang maingay diyan! Singko na lang naman talaga e. Pinambayad ko na ng isaw kanina kaya wala na."

Whaaaaaaaaaaat--?? I looked at him seriously. Baka nag jo-joke lang siya e! Pero wala akong makitang hint sa mga mata nito na nagbibiro lang ito.

"At ang lakas naman ng loob mong kumain pa dito e wala ka naman palang pera!" sabi ko sa kanya.

"Ano ba? Hinaan mo nga boses mo! Maghuhugas naman tayo ng plato pagkatapos nating lagyan ng laman ang mga tiyan natin e! saka under age pa tayo kaya hindi pa nila tayo maipapakulong kung sakali man. Kaya tumahimik ka na lang diyan!"

Waaaaaaah~!!! mababaliw na akooooooo~!! Natampal ko na lang ng mahina ang ulo ko.

Bakeeeet pa kasi ako sumama sa lalaking to e!!! grrrrrrrrrrrr!!

"Baket hindi na lang tayo umuwi ng bahay at doon na lang kumain? alam mo tanga ka rin pala noh!" pang-aasar ko sa kanya. e totoo naman e! tanga siya!

Sasagot na sana siya pero dumating na yung waiter.

"Ma'am, sir, here's your order." sabi nito at inilapag yung mga pagkain.

"Thank you." sabi ni buknoy dito at iniwan na kami nito.

"Nandito na oh! Alangan namang takasan na lang natin to? Kain na!" sabi ni buknoy sa akin saka nagmamadaling sumubo ng pagkain.

Kaderder tong isang to! Siya lang kaya paghugasin kong mag-isa ng plato mamaya? kaasar e! Padabog na kinuha ko na lang yung kutsara't tinidor saka sumubo na rin.

Ok! What a great night with my knight!!

Knight lang! ano? knight in shining armor? yay! eww lang! hindi siya nag s-shine noh! oo nga't knight ko siya dahil nandoon siya nang malapit na akong ma-s-natchahan ng bag sa elevator at nandito rin siya kaninang malapit akong tuluyang ma holdap. Kaso kung hindi rin naman dahil sa kanya, hindi rin ako mahoholdap! tsk =.=

10pm nang makauwi kami.

Tulog na si daddy at mommy kaya naman di ko na sila inabala pa. I went inside my room saka humiga na.

Haaaaaay! nakakapagod talaga kasama ang isang yun! But I enjoyed the dinner (^_^) kahit na naaasar ako.

The Buder Ponoy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon