Ezekiel's POV
Pagkalabas na pagkalabas namin ni tita Anna. Tinanong ko agad siya, "Tita sagutin niyo po ako, may amnesia po ba si Leigh kaya kahit ako di niya maalala? Litong lito na po ako. :("
"Hijo, oo may amnesia siya. Nung pauwi sila galing bakasyon ng mga kaibigan niya, naaksidente yung sinakyan nila. Siya yung pinaka naagrabyado dun sa aksidente. Kaya nakalimot siya." Tuloy tuloy na sabi ni Tita Anna.
"Bakit di ko po to alam?!" tanong ko kay tita. Tinitigan nya lang ako. Parang death glare?
"Oh tita, ba't ganyan ka makatingin? Ano ginawa ko?" tanong ko ulit.
"Aba! Di ko kasalanan kung di updated! Makipag chismisan ka rin kasi minsan! Nakoooo~!" sabi nya..
Napakamot nalang ako ng batok at napatingin sa ibang direksyon. "O-opo. Ah ano, una na ko tita. May pasok pa po ko eh." sabi ko sakanya.
Tumango nalang sya bilang pahiwatig na pwede na akong makaalis.
Leigh's POV
______! Yung salamin ko nabasag! Habang nagmemakeup ako! Gosh! I never knew this would happen! Ba't kung kelan pa ko nag make up. ____! Dahil sa sobrang pagkainis ko ay napabato ako ng unan sa pinto. Bigla namang bumukas ito. Si baliw.
"Oh ba't ka andito? Wag ka dito. Umalis ka tanga ka. " sabi ko sakanya. Napalaki nanaman sya ng mata at lumapit sakin.
"-_- Thank you and I already know that." sabi sakin ni Lara tsaka ngumiti. Napairap nalang ako sa inis. Nakakairita. Lahat sila.
Lumapit na sya sakin ng tuluyan.
"Oh anong gusto mo?" tanong ko sakanya, I faced her.
"Wala. Eh ikaw, what happened? Why do you look so mad?" tanong nya sakin.
"Simple lang naman" I smiled sweetly, "Ikaw dahil dumating ka. Yun lang naman." sabi ko sakanya at sumimangot muli. Kinuha ko yung makeup kit ko. Ilalabas ko sana yung mga makeup ko kaso kinuha ni... ni... Sino ba to? Yung tanga.
Pinanlakihan nya ko ng mata. Makakapalag sana ako ng biglang may dumating nanaman ng dalawang babae.
"Omygosh! Leiiigh~ " sabi nung isa tsaka niyakap ako.
" Clarisse di makakahinga si Leigh. Wag OA! " sabi nung isa... Di ko rin kilala. So Clarisse pala name nito?
" Hey. Get off me. Stop touching me. " sabi ko sakanya.. Dun sa Clarisse, what a nice name but I wish I can tell her that she's pretty too. Joke. She's pretty but I'm prettier.
" Hey, Clarisse what a pretty name. I wish I can tell that to you too. " sabi ko sakanya tsaka nagsmile ng napakatamis!
Napatingala naman sya sakin at napabusangot at kumalas na rin sa pagkakayakap sakin. Yun lang pala ang gagawin ko sakanya para mapatigil sya sa pagyakap sakin. Psh. How annoying.
" Lolololol. Kawawang Clarisse. " sabi nung isa.
" Manahimik ka nga Rein! " sabi ni tanga. Yeah its officially her name. For me. Rein pala yung isa ha?
Humarap ako dun kay Rein atsaka nagsmile ulit. " Hey you too, you have a nice name but er.... You know? I can't use that word to describe your face.. *tingin sa katawan* and body. " sabi ko. Nagpipigil ng tawa yung si Clarisse pero si tanga naman nakatulala lang. Problema ni Tanga? And what's funny about what I've said?
" Boom ka Rein! " sabi ni Clarisse at parang nag in-your-face action kay Rein. Natawa naman ako onti, I can't believe it that I just laughed.
" No its just a joke. Don't take it seriously," nagnosebleed sign naman sina Rein at Clarisse sakin kaya napasmile ako. "because you too are pretty but the bad news is.... I'm prettier. " sabi ko sakanila bigla namang napatayo si Tanga. Psh. Tanga talaga.
" Yes you're prettier then I'm the prettiest. " sabi ni Tanga. Psh. As if, sakanilang tatlo sya lang ang pinaka-ayoko.
" Then I'm beautiful, HONEY. " sabi ko. Tsaka ngumisi. Pero ngumisi rin sya. Tanga na nga bobo pa. Talo na nga sya nakayanan nya pang ngumisi.
"Oh is that so? I'm sorry because."
"Because?" napakunot ng noo ako.
"I'm gorgeous. " sabi nya at ngumiti tsaka nagwalk out. Psh. KAINIS!
Sina Clarisse naman nagbabye sakin. Di ko pinansin. Edi umalis sila. Pakielam ko ba?
---------
VOTE FOR THE NEXT CHAPTER!
BINABASA MO ANG
Amnesia? [ongoing]
أدب المراهقينPaano kung ang minahal mo, naging kaibigan mo... Ay isang araw nakalimutan kana lang?! Maibabalik mo pa kaya ang dati niyong samahan?!!
![Amnesia? [ongoing]](https://img.wattpad.com/cover/4454875-64-k932204.jpg)