"Danielle."
Nakaupo ako ngayon sa loob ng VIP room ng isang boutique habang hinihintay ang pinsan ko. Namimili siya ng mga susuotin niya para raw sa engagement party ng kaibigan niya.
"Danielle, kindly look at me please? Is this dress look pretty?"
Inikot ko yung mga mata ko bago ko siya harapin. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng isang red dress na kita ang magandang hubog ng katawan niya. Magaling talaga siyang pumili o magaling siyang magdala ng damit. Maganda naman. Lahat naman ata ng isusuot nito magiging maganda.
"Before I comment on how the dress looks good on you or the other way around, can you please tell me the reason I am here?"
Pinatong niya mga kamay niya sa beywang at tumaas ang kilay. Ayan na ang maldita.
"I thought we're clear and I've stated the reason already. I have a friend who will be engaged tonight. As in TONIGHT. Because of my busy schedule, I didn't have the time to get ready. I have a gift but not a dress... and shoes... and a bag. You know me. Ayokong magmukhang basahan sa harap ng ibang tao."
Tinaas ko mga kamay ko bilang pagsuko. Mahirap ng makipagtalo sa kanya mas lalo na ngayon na alam niya at nakapagdesisyon na siya sa gusto niya.
"Okay. okay. Pero kabibili mo lang last month at yung mga damit ng mga ini-endorse mo napadala na sa'yo last week. So why are we here? Can you just wear them and let's get going? You said that you can't be late dito sa party kasi special friend mo at -" Tinaas niya kanang kamay niya para mapatigil ako.
Pareho naman kami ng estado sa buhay pero magkaiba kami sa pagtingin sa halaga ng pera. Bata pa lang ako tinuro na sa akin ni Papa na 'di dahil sa mayaman ka na e kailangan mo ng magwaldas ng pera sa kung ano-anong bagay na hindi naman talaga mahalaga. Pero syempre, iba-iba ang mga tao tulad naming magpinsan. Magkapamilya kami pero magkaiba ang pananaw sa buhay.
"Hep! You've said a while ago you're going to comment on my dress. So how is this? Do I look fat? Chubby? Malaki?"
Napailing na lang ako. Buti mahal ko 'tong pinsan ko kung hindi, iniwan ko na siya kanina pa. Halos thirty minutes na ako naghihintay sa kanya nang bigla niya akong tawagan. Akala ko pa naman emergency talaga. Si Joana Sandoval nga pala itong pinsan ko. Lahat ng gusto kailangan masunod. In short, spoiled brat siya. At hindi uubra sa akin iyan.
"No. You're a model, Joana. Everything looks good on you kahit pa basahan 'yan, babagay sa'yo. It'll worth money. Baka nga marami pang gumaya sa'yo 'pag nagkataon. Tsaka sayang naman yung mga brands na iyon kung hindi mo gagamitin. Promotion din yun para sa kanila." Tumawa pa ako ng mahina. Not that I'm implying something about this pero totoo naman maganda siya kumpara sa mga babaeng nakilala ko na. Mas maganda pa siya sa ak---. Bakit ko ba naisip iyon?
Inirapan pa niya ako at nameywang pa ulit siya.
"I want a new set of clothes. I told you special friend ko 'to. We made a promise that we must be present at all times when one of us is finally getting married." Tinignan niya ako na parang nakikiusap na makisakay na lang sa gusto niya.
"Bestfriend mo ba yan at umabot sa punto na nangako kayo tungkol sa kasal kasal na yan? Parang pamilyar naman 'yang panagako na iyan. Iyan ba kasama dun sa acting proposal sa'yo?" Parang pamilyar sa akin yung pangakong iyon. Narinig ko na sa kung kanino at saan man.
Bumuntong-hininga siya. Kahit sandali parang may dumaan na lungkot sa mga mata niya.
"Hey, are you okay?" Lumapit ako sa kanya at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya para malaman kung tama nga ba nakikita ko.
"Yeah. Mukhang ayaw mo naman sa'kin talaga. Napipilitan ka lang samahan ako dito kasi pinsan mo ako. Ayaw mo talaga sa akin." Yumuko siya at umaktong nagpunas ng luha. Aba! Inaartehan pa niya ako ngayon. Akala ko naman kung anong problema niya.
"Joana Sandoval!!"
Nanlaki ang mga mata namin. Pareho kaming nagulat dahil...
"You... You just used your female voice." hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Di ako makatingin sa kanya. Halata namang nagulat siya at tuwang tuwa siya. Nakangiti pa siya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin at lumayo sa kanya.
"Stop it. Nagbibinata ako. Pumiyok lang ako." hinawakan ko pa yung bandang lalamunan ko. "Pwede bang tigilan mo ako ng artehan? Alam mo naman 'di uubra sa akin 'yan." Umubo-ubo pa ako.
"Ya. Ikaw ang dapat offer-an ng management. Babae ka pero umaarte kang lalake. Act like a woman, Elle." Pinalo pa niya ako sa braso.
Napakunot-noo ako. Hindi ako si Elle. Magkaiba kami. Kahit kailan ayoko na matawag bilang siya.
"It's Dan. Not Elle. Let's go. Maganda na yan napili mo." Tumalikod ako sa kanya para kunin ang bag ko sa sofa. "Bibili ka pa ng bag. Mauna na ako."
Naramdaman ko naman na sumunod siya. Nasa likod ko lang siya at napansin ko rin na papalapit ang mga bodyguards niya sa akin. Hinarap ko siya at...
"Hey!"
May ini-spray siya sa akin na bigla ko naman ikinahilo. Naramdaman ko naman na may sumalo sa akin.
"Sorry, Danielle. Utos lang."
========********========
BINABASA MO ANG
Goodbye and Hello You
RandomI want to move forward and accept the past that I can never change.