I am now walking downtairs. Thinking and imagining something. Walang anumang bagay na rumerihistro sa isipan ko, samut'saring mga alalahanin.
Todo hikab pa ako dahil kakagising ko lang galing sa pagkakahimbing ng tulog ko, hindi man lang ako ginising ni Mom at Dad. Oo nga pala parati naman akung nagigising ng wala sila dahil kapwa sila abala sa mga kanya-kanyang trabaho at negosyo. Simula pa nong high school ako hindi ko naranasan iyong gigisingin ka ng mga magulang mo, pangangaralan ka na dahil ang kupag-kupag kumilos, hindi ko rin naranasan iyong pagagalitan ka ng nanay mo dahil ayaw mong maligo dahil giniginaw ka pa at todo pilit pa ang nanay mo para makaligo ka lang. Hindi ko rin naranasan na ihahatid ako ng mga magulang mo sa paaralan o kahit sa entrance gate man lang maging sa pag-uwi ay walang sumusundo sa akin. Pero nakasanayan ko na ang ganong buhay ngayon pa kayay nasa kolehiyo na ako at malaki na rin ako. Sanay na akung mag-isa, oo nga may body guard ako at may mga katulong kami sa bahay pero iba pa rin sa pakiramdam iyong mismo mong mga magulang ang mag-aalaga sa iyo.
Naiingit nga ako sa mga kaklase ko noon na sinusundo sila nang mga magulang nila pero naiinis pa sila. Pero para sa akin masaya ang ganon na lagi kang sinusundo nang mga magulang mo dahil para mas ramdam mo na mahalaga ka sa kanila keysa sa mga trabaho at kompanya nila. Minsan ngay naiiwan akung mag-isa sa bahay namin ng mga iilang weeks din ang dad at mom ko ay kapwa nasa states to meet their clients. Minsan di'y nakakainis at nakakayamot pero nang di naglaon natutunan ko ring hindi gaanong attached sa kanila.
Iyon bang gigising ka ng maaga dahil maliligo ka pa dahil may pasok ka pa. Hindi naman pwede na e-aasa ko pa sa mga yaya ko ang pagpapaligo sakin lalo na't binata na ako, nakakahiya kapag ganon!
"Nakahanda na po ang agahan senyorito." Sabi sa isa naming mga katulong.
"Good morning hijo" si Aling Pasing ang mayordoma ng lahat ng mga katulong parang siya na ang tumayong mommy ko. Naninilbihan na siya sa pamilya namin simula pa nong sanggol pa lang ako.Ngumiti lang ako ng matipid at humalik sa pisngi ni yaya Pasing.
After kumain nag ayos na ako para pumasok na sa bago kung pinapasukang university ang Unibersidad De Valencia paaralang itinayo pa sa panahon ng mga kastila hindi ko lang talaga ma hinuha kung may mga kababalaghan nga bang nagaganap dito. Sabihin na nating may mga kaluluwang hindi matahimik lalo na't super vintage na ang unibersidad na gawa pa sa mga bricks. Ayon pa sa yaya Pasing ko na noong mga unang panahon ginawa paraw itong base camp ng mga kastila at noong panahon ng mga hapon ay ginawa raw itong santuwaryo ng mga taong sugatan sa bakbakan sa kasagsagan ng World War II.
Sa tuwing naiisip ko iyong mga ganong kwento ay napapangiti ako, ewan ko pero nacucurious ako sa mga multo at mga bagay bagay na hindi kapanikapaniwala o hindi tugma sa mundong ginagalawan natin.
Lagi akung hatid sundo ng service van namin pero hindi ko pinapalapit sa school ang sasakyan namin mas pabor sakin iyong maglalakad lang ako papuntang entrance gate, ayoko iyong sinusundan at binabantayan pa ako ng mga hired bodyguard nina mommy at daddy because I WANT TO BE ALONE gusto ko iyong mag-isa lang ako para naman maipamalas ko sa iba ang natatago kung talento at tunay kung anyo. Yeah! You heared me right hindi kasi ako iyong tipong normal na estudyante dahil bantay sarado ako ng mga personal guards ko kahit mga kakaibiganin ko rin ay kinukunan ng personal data ng mommy at daddy ko.
Maybe you are thinking of who really I am, malalaman at malalaman mo rin.
"Mag-iingat po kayo senyorito" bilin sakin ng isa naming katulong na siyang nag-aayos sa akin mula ulo hanggang paa. Opo mula ulo hanggang paa at wala na akung pakialam kong anuman ang iisipin niyo, nasa sa inyo narin po iyon. Just keep it secret please.
"Y-yeah I-i C-can M-manage m-mys-self" yeah, thats how I used to talk, I can't even find any cure to this abnormalities of mine. Mayaman nga ang pamilya ko marami naring mga specialistang nag aaral tungkol sa kalagayan ko pero normal parin naman ako sa pagkakaalam ko sa sarili ko."A-and d-dont y-you d-dare t-to c-come w-with m-me" sabi ko doon sa mga apat na guwardiang akma nang baba sa sasakyan para siguro sundan ako.
"Pero senyorito hindi po pwede dahil tiyak na masisisante po kami sa trabaho namin kapag nalaman ito ng mga magulang mo." Kontra nang isang guwardia, siya si Mang Kanor mas matagal na sa serbisyo niya sa pamilya namin.
"H-huwag p-po k-kayong m-mag-alala d-dahil I'im b-big e-nough a-and y-yet I-mmm n-not k-kid a-anymore" kampanti kong pahayag sa kanila.
"Pero sinyorito hindi po talaga pwede" ayon naman sa isa pang guwardia.
"At alam niyo naman pong maraming mata ang daddy niyo tiyak makakarating ito sa kanya at pagnagkataon???" Aniya naman ng isa pa.
"Bukas po ay wala na kami sa mansyon niyo." Sabay-sabay nilang apat sa akin.Nang dahil hindi nila ako mapilit si Yaya Pasing na ang nagpasya na sasamahan parin ako ng mga guwardya ko pero pinakausapan kong hanggang entrance gate lang sila at doon na nila ako hintayin hanggang sa wala na akung class schedule.
BINABASA MO ANG
The Most Beautiful Thing
Romance"The best and most beautiful things in the world cannot be seen, heard, or even touched, they must be felt with the heart." - Hellen Keller. When there is a nerd and genius guy, na ayaw makihalubilo sa mga tao o kahit kanino except to his mom and da...