Sa Probinsya ng Bicol, Mayroong isang babaeng simpleng namumuhay. Siya'y hayskul na. Unang araw ng pasukan ngayon. Siya'y naghanda na't pumasok sa eskwelahan. Naghanap siya ng mauupuan. Nakita niya ang kanyang kaibigan at agad naman siyang nilapitan nito.
"Ianna! Kamusta? Namiss kita!"- Sabi ng kaibigan niya.
"Ayos naman. Hindi kita nakita buong bakasyon ah?"-Sagot naman ni Ianna
"Ah oo, Nasa Cagayan kami buong bakasyon. Ang saya saya doon! Lagi kaming naliligo sa dagat!"-Masayang pagkukwento ni Jasmin-Kaibigan ni Ianna. Napangiti naman ng mapakla si Ianna. Tila naiinggit siya sa kaibigan niya. Hindi kasi sila umalis ng bahay buong bakasyon. Dumating na ang guro nila Ianna. Isa-isa silang nagpakilala.Tumayo na si Ianna para magpakilala.
"Maganda Umaga, Ako si Julianna P. Turla. 13 Years Old."-Pagpapakilala niya.
Natapos ang klase. Umuwi agad si Ianna at nahiga sa kama niya. Napahinga siya ng malalim. Alam na niyang magiging abala siya sa buong taon sapagkat siya ang naging presidente ng kanilang klase at opisyal din siya sa iba't-ibang organisasyon ng kanilang eskwelahan.
Kinabukasan, habang nasa kalagitnaan ng klase, Pinatawag ng kanilang PE teacher si Ianna. Kinausap siya ng kanilang PE Teacher. Inatasan niya si Ianna na maging Presidente ng kanilang Organisyasyon sa pagsayaw. Bagamat nasa ikalawang baitang pa lamang siya ng hayskul, kilalang-kilala na siya dahil sa angkin niyang talino at galing sa pagkanta at pagsayaw idagdag pa ang galing niya sa pag guhit. Bukod dito ay maganda rin siya. Kaya't hindi nakapagtatakang kilalang-kilala siya. Hindi nagreklamo si Ianna sa pag-atas sa kanyang maging Presidente ng organisasyon sa pagsayaw sapagkat hilig niya talaga ang pagsasayaw.
Pagkauwi sa bahay ay ikinuwento niya sa kaniyang mga magulang ang pagiging presidente niya sa organisasyon ng pagsayaw. Inaasahan niyang matutuwa ang kaniyang Ina katulad ng pagkatuwa ng kaniyang ama nang ikwento niya ito sa kaniya. Ngunit, Iba ang nangyari.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo mapapabayaan ang pag-aaral mo!" Pasigaw na sabi ng kanyang ina. Lubos na nalungkot si Ianna. Ngunit hindi niya nalang ito pinansin.
Lumipas ang Dalawang buwan. Gaya nga ng kanyang naisip , Abalang-abala talaga siya dahil sunod-sunod na ang mga programa ng kanilang eskwelahan. Matapos ang kanilang Quarterly Exam, Nalaman niyang Top 2 pala siya sa klase. Tuwang-tuwa si Ianna. Nagtata-talon siya sa kanilang silid-aralan. Hindi na siya makapaghintay na makauwi para maikuwento ito sa kaniyang magulang. "Tiyak na matutuwa sila!"-Sabi niya sa sarili.
Pagkauwi niya sa kanilang tahanan, ikinuwento niya ito sa kanyang ama. "Congrats anak, Pagbutihin mo pa" nakangiting sabi ng kanyang ama. Tuwang-tuwa naman si Ianna. Lalo siyang naging excited na ibalita ito sa kanyang ina. Pinuntahan niya ito sa kanilang kwarto . Nakita niyang nagtutupi ang kaniyang ina. Masaya niya itong nilapitan. Tinapik niya ang kaniyang ina . Nang tignan siya nito, ngumiti ng pagkalapad-lapad si Ianna.
"Ma, Top 2 ako sa klase! Ang saya!"-Tuwang-tuwang sabi ni Ianna"Top 2? Bakit top 2 lang? Umayos ka ha, napapabayaan mo na ang pag-aaral mo! Sali ka kasi ng sali sa kung anu-ano! Inuuna mo ang mga extra curricular na yan kaysa sa academics! " Galit na sabi ng kanyang ina. Hindi makapaniwala si Ianna. Naiiyak siya. Sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Para siyang nabagsakan ng langit at lupa. Masakit. Sobrang sakit. Ayan ang nararamdaman niya. Tumakbo siya sa kaniyang kwarto at bumulantang. Umiyak siya. Iyak lang siya ng iyak.
Bakit? Kulang pa ba yon sa kaniya? Ginagawa ko naman lahat ah? Halos mapuyat ako araw araw para lang magawa lahat ng assignments. Para makapag-review. Kung napapabayaan ko ang pag-aaral ko, bakit ako naging Top 2? - Ayan ang Mga katanungang nasa isip niya ngayon.
"Ga-grabe . So-sobrang sa-sakit non. Ba-bakit hindi siya kuntento?"-Tanong niya sa sarili.
Iyak lang siya ng iyak. Sobrang sakit non para sa kanya. Sapagkat nag-aaral siya ng mabuti para sa kanyang pamilya; para maging proud ito sa kaniya, tapos wala lang pala. Tinawag siya ng kaniyang kapatid para kumain ng hapunan. "Hindi ako nagugutom!" Sabi ni Ianna. Hindi na siya kinulit kumain. Iyak lang siya ng iyak. Tumingin siya sa kanyang relo. Ala una na pala ng umaga. Hindi man lang niya namalayan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. "Mabuti nalang at Sabado ngayon." Sabi niya.
