Sabi nila, Wag ka na daw aasa sa taong minsang hindi ka binigyan ng importansya. Sa taong minsang mo ng binigyan ng halaga pero para sa kanya, uhm. Wala lang, hangin lang.
Sabi pa nila, Walang taong aasa kung walang taong Paasa. Wag mo na daw asahang mafafall din siya sayo katulad ng ginagawa mo sakanya, wag ka na daw magiging sweet sakanya kasi baka ikaw rin lang ang kiligin sa mismong sarili mo. Wag ka na daw magsasabi sakanya ng sweet words kasi para sakanya balewala lang yun. As In ZERO EXPONENT. As in WALA. WALANG WALA.
Sabi pa nila, ang taong umaasa TANGA.
Pero sorrry ha, ako talaga to eh. Umaasang liligawan ako, mapapansin ako, sasabihan ako ng nakakakilig na mga salita gaya ng I love you, I miss you, I need you, at higit sa lahat, yung mga salitang mararamdaman mo talaga, mga salitang di mo mapipigilan yung sarili mo sa kilig,kaba, at iyak dahil sa mga salitang naririnig mo. Pero lahat ng yun, Hindi mangyayari, kasi nga UMAASA ka nga lang diba? ANG SAKIT SAKIT LANG SA PAKIRAMDAM NA GANITO YUNG NARARAMDAMAN KO.Siguro naman marami akong karamay na readers. </////3