#1 Fangirl tips

88 2 5
                                    

EWAN KO KUNG USEFUL 'TONG MGA TIPS NA IBIBIGAY KO. PERO PARA SAKIN USEFUL 'TO. HAHAHAHA. ENJOY~ SANA MAGING HELPFUL 'TO.

1. GAWIN MONG HOBBY ANG PAG-IIPON.

Ito ang pinaka mahalaga sa lahat. Kung 'di ka mag-iipon, wala kang pera. Kung wala kang pera, paano ka bibili nang albums, merch. at pupunta sa concert? Mahirap ngumanga sa oras ng concert. Yung feeling na 'yung iba nagpapakasaya mag-spazz sa concert tapos ikaw nasa harap ng laptop, nag aabang ng updates at fancams. Sobrang lungkot, naranasan ko na 'yan.

Eto 'yung tinatawag nating 'so close yet so far'. Lol. Yung tipong andyan na sya pero di mo magawang lapitan. Ok medyo lumalayo na tayo. XD Pero medyo related. Mahirap mag-explain. Pakiintindi nalang, please.

Dahil malapit nanaman ang pasukan, which means HELLO BAON! Mag ipon ipon na tayo~ Padating na ang SS5, MAMA 2014, DKFC 2 at iba pang albums o kung ano ano pa katulad ng photobook (Myungsoo, huhu), lightsticks etc.

Tipidin mo 'yung baon mo. Mag baon ka na nang tubig para 'di ka na bibili sa canteen. Kung choosy ka naman at gusto mo nang malamig, bago ka matulog eh ilagay mo na sa freezer yung lalagyanan mo nang tubig at kinabukasan, CHENEN~ Nag yeyelo na. Ibalot mo sa towel para malamig padin kapag hapon na. Sa pagkain naman, MAGBAON KA NA NANG LUNCH MO. At para sa snacks, magpabili ka na sa nanay o tatay mo nang biskwit sa market mas mura dun. Kung niyayaya ka naman ng mga classmate mo mag-gala, eh mag-pass ka muna. Iwas gastos din 'yun.

KUNG GUSTO MO TALAGA MAKA-VIP SA CONCERT. O MAKABILI NANG ALBUM AT IBA PA, GAGAWIN MO 'YAN. PARA KAY BIAS KAHIT MAUBUSAN NG LAMAN ANG WALLET, GO LANG NG GO!

Eh kung suportado ka naman ng parents mo sa fangirling expenses mo, ay ang swerte mo friend! Ako kasi suportado lang ng nanay ko sa pagiging fangirl pero 'yung mga expenses wala syang pakielam sakin dun. hahahaha.

2. MAGPAKABAIT KA .

Mag-hugas ka nang pinggan, Mag-walis, Ilampaso mo ang sarili mo sa sahig para kumintab, Mag-araro ka, sumunod ka sa lahat ng utos nila kahit lawit na dila mo sa pagod at Iwasan mo na ang ang pag-singot sa katol ng 'di lamukin ang nanay at kapatid mo. XD (sobrang korni). 

Ok seryoso na, magpakabuti kang anak para 'pag may concert o event wala nang pahirapan sa pagpapaalam. 'Di mo na kailangan lumuhod pa, isang paalam lang gora na!

3. IMPLUWENSYAHAN MO 'YUNG KAPATID MO.

In progress pa ako dito. XD Meron akong 7 yrs. old na kapatid na lalaki at pinakilala ko sakanya ang exo. Si Sehun at Kai ang bias nya, oh diba? Sekai shipper. Nonsense hahaha.

AS OF NOW, ETO MUNA 'YUNG INABOT NG AKING MAKAKAYA. EXCITED AKO IPOST EH. IU-UPDATE KO NALANG KAPAG NAKAISIP AKO NANG IBA PA. NO HATES PLEASEE. KUNG MERON KANG SUGGESTION, PM ME OR COMMENT NALANG. HIHIHI THANK YOU SA BABASA, NAGBABASA AT BUMASA. ♥♥♥

-Chia. :>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A KPOP FANGIRL.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon