Chapter 5

7.3K 68 7
                                    

Bryle's POV

Dumating ako sa Dorm na sobra sa dilim at tahimik ng paligid, Nakakapanibago.

" Wala yata yung makulit na babaeng yun "

Nabigla ako ng makarinig ako ng humihikbi, di naman siguro ako minumulto no, kase kung meron man, nakakagago lang.

Agad kong hinanap ang ingay na yun pero dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng kwarto nya.

Di naman siguro sya nagdala o nagsama dito ng kaluluwa di ba?

Ano ba naman tong pinagsasabi ko? nakakabakla -_-

Binuksan ko na agad yung pinto para makasigurado.

Nagkamali ako.

Nandito sya.

Ano na naman kaya ang iniiyakan niya ? Parang laging may problemang dinadala eh, yun kaya ang dahilan kung bakit
sya bumalik dito ?

Alam kong maling pumasok sa kwarto nya pero ewan ko ba, parang may tumutulak sakin na gawin yun

" Bakit ka nandito ? " nabigla ako ng magsalita sya

" Kase , ano .. akala ko kung anong meron dito, sinisigurado ko lang "

" tsch, may binabalak ka lang saking di maganda eh, nagkukunwari ka pa dyan. "

" Ibang klase ka ring talagang babae ka eh no? nagagawa mo pang magbiro kahit nagdadrama ka dyan, ewan ko ba naman sa inyong mga babae, di ko kayo maintindihan."

" Ewan ko ba naman din sa inyong mga lalaki, kapag alam nyong gusto kayo ng isang tao, gumagawa kayo ng dahilan para masaktan sila, pagkatapos nyong makuha ang gusto nyo, parang basura nyo na lang na bigla biglang itatapon at kapag di na importante, iitsapwera nyo na lang basta basta "

" sabi ko na nga bat sa ganyan mapupunta ang usapang to eh "

" wag ka ngang panira dyan ! alam mo na ngang nagdadrama yung tao eh, umalis ka na nga lang, wala ka namang maitutulong ! "

" Magmumukmok, iiyak ng iiyak buong araw, yan ang mga ginagawa nyo pag nasasaktan kayo di ba? ibig sabihin nyan hindi kayo marunong maghandle ng isang sitwasyon kase hinahayaan nyo lang na lamunin kayo ng mga nararamdaman nyo. Buti pa ako, nag.e.enjoy lang sa buhay, ikain mo na lang yan, Sige, iwan na kita "

Umalis na ako sa kwarto nya at nabigla ako ng may yabag ng paa na sumunod sakin

" Uy, wait lang " sabi nya na medyo magulo pa ang ayos

Hinintay ko pa ang mga susunod nyang sasabihin pero mukhang wala na, kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad

" Sabi mo .. ikain ko na lang di ba? " napatigil ako ng bigla syang nagsalita

Sabi ko na nga ba't yun ang dahilan eh.

" Tutal naman nabanggit mo yun, may pagkain ka naman siguro ? Penge ako ah ? " sabi nya sabay pout

Ang weird nya talaga.

Pumunta na ako sa kusina para ihanda yung pagkain.

Oo, mabait muna ako sa ngayon. Kelangan ko lang damayan yung kasama ko, para hindi magbigti. Mahirap na.

" AAAAHHHHHH !!!!!!!!!! "

Napatakbo ako sa sala ng marinig ko ang sigaw nya.

" Ughh .. Uhhh ~ Ah ! Ah ! Uh! Aah ~ "

Akala ko naman nagpakamatay na.

" Nanunuod ka rin pala nyan "

Nagulat siguro sya sa pagdating ko, kaya nagkakandarapa syang harangan yung tv screen.

Namumula yung mukha nya, halatang nahihiya.

" Pwede mo naman kase akong sabihan kung gusto mong magpaturo o itry man lang " sabi ko sabay kindat

" Gago. "

Asar na yan

" Bakit ba kase, ano .. yung case nya .. Spongebob ! tapos yung loob naman pala .. Bwiset ! Patayin mo na nga yan ! "

" Aba naman, ikaw nagbukas tapos ako magpapatay ? Ano ka sinuswerte ? tsaka wag na, exciting na nga yung nangyayari eh, gusto mo Demo ko sayo ? "

Napatingin ako sa direksyon nya dahil sa bigla syang nanahimik, Nakatakip pala ng unan ang mukha nya.

Nakakatuwa syang panuorin.

Inosente pa talaga.

Dahil nga sa mabait ako ngayon, pinatay ko na lang at niyaya ko na syang kainin este kumain.

" Alam mo minsan di talaga kita maintindihan, este palagi pala. "

Ang daldal nya. Hindi ba sya nauubusan ng sasabihin ?

" Minsan kasi, ang sungit mo, lakas mong mang.asar tapos ngayon naman, ang bait mo "

" Hahaha, pinapatawa mo talaga ako sa mga pinagsasabi mo " sarcastic kong sinabi

" Di porket kinakausap, pinapansin o dinadamayan ka, eh mabait na. Yung ibang akala mong ganun yun pa pala ang may binabalak sayong hindi maganda "

" Tingnan mo .. ikaw na nga tong sinasabihan ng maganda, ayaw mo pa "

" Matuto kang kilalanin pa ang isang tao bago mo sabihan ng mabait o mabuti sya "

" Ewan ko sayo, ang lalim ng hugot mo dun ah. "

" Uy pare ! " bungad sa pinto ng dalawa kong mokong na kaibigan

Wrong timing naman oh..

" Uy ka din pare ! Uso kumatok ng pintuan, nakalimutan nyo na ? "

" Uyyy .. kaya naman pala ... naistorbo yata natin sila "

" Anong sila ? "

" Nag.Take Out ng chix tol eh ! "
" Hoy ! wag nga kayong ano , mga utak nyo talaga laging nahahanginan "

" Hmm, Bryle ... dun na muna ako huh ? thanks na lang " singit naman ni Bree

" Ah, wait lang .. ipapakilala muna kita sa kanila bago lubusang liparin ang mga utak nila,
Si Bree nga pala, este Aubrey, Dorm mate ko ..
Sila naman si Aries at Aki "

Nagtulakan pa yung dalawa para lang makamayan si Bree, napaghahalataan tong mga to eh.

Inawat ko na agad kase nga nagmamadali na rin si Bree na umalis.

" Mga loko kayo ! " binigyan ko sila ng tig.isang batok, pagkaalis ni Bree

" Bigla bigla na lang kayong sumusulpot ! Ano bang pinunta nyo dito ? "

" Ano bang problema dun ? wala naman kaming ginawang masama, gusto lang namin sabihing may lakad tayo sa Saturday " ngiting sabi ni Aries

" Yun lang pala. Dapat tinext nyo na lang ! "

" Kung tinext ka lang namin, edi hindi namin makikilala yung chix mo " dagdag pa nya

" Mainit ang ulo nyan kase naudlot siguro yung binabalak nya " pagpaparinig ni Aki

" Magsitigil nga kayo, mamaya marinig kayo nun, tsaka binabalak ka dyan ? Iba sya ..

" Oo , Iba talaga sya .. " sabi ni Aries habang nakahawak sa chin nya

Pinagsasabi nito ?

" Yung legs nya ang kinis, yung boobs nya, shit ! tapos sexy pa. Perfect ~ " dagdag pa nito with matching hand gestures pa

" Shit tol ! Napagpantasyahan at nabosohan mo na ah .. Grabe talaga yang X-ray mong mata "

Dahil nandito sya sa teritoryo ko
Isa na sya sa mga property ko, Akin lang sya, kaya walang pwedeng gumalaw sa kanya.

" Subukan nyo lang syang galawin, magkalimutan na tayo "

My Sex God DormMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon