Chapter 6

5.4K 51 11
                                    

Aubrey's POV

Kanina pa ako di mapakali, iniisip ko pa rin si Nick. Ilang beses na syang humingi sakin ng sorry through text , handa ko naman syang patawarin, pero kase yung ginawa nya. Ibang iba sa dating sya, Di ko alam yung side nyang yun.

Nabigla ako sa ringtone ng phone ko kaya kinuha ko agad.

Aunt Nicole calling ...

Tumatawag ang Mommy ni Nick. Ayoko sanang sagutin pero dahil sa close kami, ayoko namang isipin ni Tita na wala akong respeto sa kanya.

" Hello po "

" Hija .." sa boses pa lang nyang yun, kinabahan na agad ko

" Bakit po tita ? "

" May problema ba kayo ni Nick ? Ilang araw na kase syang hindi lumalabas ng bahay, kung lalabas naman sya ng kwarto nya, pupunta lang sya ng kusina para kumuha ng beer. Nag-aalala lang ako sa kanya, ikaw lang kasi ang alam kong makakausap nya kaya ikaw agad ang tinawagan ko. Kung pwede lang sanang pumunta ka dito at ikaw na ang kumausap kung anuman ang problema nya. "

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

" Pero kase Tita .. ano po, "

" Aasahan kita Bree, Hihintayin kita hija " sabay end nya ng call

Hindi ko na nagawang magdahilan at magsalita pa. Bakit ganun ? Hindi ko sya kayang tanggihan.

Ayoko rin namang may mangyaring masama kay Nick.

" Alis muna ako huh ? gagabihin din yata ako, basta sarado mo lahat ng maayos " bilin ko kay Bryle ng madaanan ko sya sa sala na nanunuod.

***

" Buti naman hija dumating ka, halika't  sumunod ka sakin sa taas "

Sumunod naman ako kay Tita. Wala pa ring pagbabago sa bahay nila, ang tahimik pa rin.

" Hijo anak, halika na't lumabas ka na dyan, kakain na tayo "

Naghintay kaming sumagot sya o lumabas man lang ng kwarto, pero wala.

Naghintay pa kami ng ilang sandali ngunit wala pa ring nangyayari kaya't ako na ang pinakiusapan ni Tita na tumawag sa kanya, nagbabakasakaling makinig sya sakin.

" Nick .. " tawag ko sa kanya ng pumwesto ako sa harap ng pinto, tiningnan ko ang mukha ni Tita, halatang nag.aalala na talaga sya

" Nick, si Bree to. Buksan mo yung pinto, mag-usap tayo "

Pinakikinggan ko ang tunog sa loob ng kwarto maya maya lang ay biglang bumukas ng kaunti ang pinto.

" Nick, papasok na ako ah? " bago pa man ako pumasok ay sumenyas muna ako kay Tita, na ako ng bahala, at napangiti naman agad ito.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto nya, bumulaga sakin ang mga nakakalat nyang pinag-inuman at basag na mga gamit. Parang binagyo.

Nakita ko syang nakasandal sa gilid ng magulo nyang kama

" Ano bang ginagawa mo huh ? Gusto mong magpakamatay? " kinuha ko agad ang hawak nyang beer at inalalayan syang tumayo papunta sa higaan nya

Ang init ng katawan nya.

" Ilang araw ka ng nilalagnat huh? Bakit di mo sinabi kina Tita? Tsaka na nga yan, Dyan ka lang, kukuha lang ako ng gamot "

Agad naman akong nakakuha sa drawer nya at kumuha na rin ng isang plangganang maliit na may maligamgam na tubig, alam ko na kase pasikot sikot dito sa bahay nila, lalo na yung kwarto nya. Bestfriend nga kase kami diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sex God DormMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon