JD's Diary

34 2 0
                                    

Thank you! Kasi pinili mong basahin ang Diary ng isang LOVER :) Ating sabayan na nga si JD sa kanyang laban sa pag-ibig at sulat ng pag ibig :) (Lalim) Hahahaha thank you po :)
---

CHAPTER 1- JD's Diary 

"JD? Asan ka?"

"Emerald?"

*Nagkabungguan sina Emerald at JD.*

"JD?'

"Emerald?"

"Emerald..... Tignan mo ako... Alam mo namang sinasabi ko ay totoo.... Look I really really really like you....."

-BACK ROUND MUSIC-

"Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago"

"Shh... JD mahal na-"

"Kuya! Gising na! Nandito na si Brendan! Kuya!" Sabi ni Jenny, my baby sister.

"Oo na, papunta na ako Jen, sandali lang please? Alis ka muna sa kwarto ko inaantok pa ako." Sinabi ko sa baby sister ko kasi halos magka pasa na ako dahil sa mga kurot at suntok niya...Well she's still a KID though...

At buti na nga lang umalis na si Jenny! Salamat at makaka tulog na ako ng mahimbing! Kaso biglang may kumatok sa kwarto ko...

"Pasok." sinabi ko ng wala man lang kabuhay buhay na pagsasalita.

"Uy, Bro." sabi ni Brendan

"Bro! So bakit ka napadaan?"

"Wala lang akala ko kasi may sakit ka kaya pumunta ako... De joke boring kasi sa bahay wala si Vean."

"Ahh..... Kumain ka ba bro? Kain ka na tol... Dito muna ako." At umalis nga si Brendan...mm Kaso si Julia naman nag radio.... Anak ng.... Ang lakas ng tugtog..... At yung pinaka epic...... Yung back round music pa ng panaginip ko kanina....

-YUNG KATULOY NG CHORUS KANINA SA BACK ROUND MUSIC-
"ANG LAHAT NG ITO'Y PINANGAKO MO.
DADALHIN LANG PALA NG HANGIN ANG OANGARAO KO."
Saklap naman ng ending ng chorus.... Parang kanina malapit na sana yung aminan kaso may nanggulo!

-PARODY ALERT-

"HAHANGININ LANG PALA NG HANGIN ANG PANGARAP KO! UMIIYAK NASASAKTAN SAYANG NAMAN!"

Since gising na rin ako... Kinuha ko muna yung Diary at Lucky Pen ko at nagsulat na nga ng diary entry ko para sa isang bagong yugto ng buhay ko... Well di naman bago as in, Summer ngayon at bukas simula na ng classes 4th year na ako..... As usual tuwing summer, Gising, Kain, Nood ng TV, Laro ng computer, Kain, Laro ulet, Kain, laro, tulog..... Wala na nga masyadong exciting sa buhay ko ehh..... But all changed when I met Emerald.....

Dear Diary,

Alam mo ba yung feeling na ang sarap ng tulog mo tapos bigla kang gigisingin?! Anak ng tipaklong! Oo nga pala diary ang ganda ng panaginip ko..... Nasa isang garden na malawak daw kami ni Emerald tapos biglang nawala daw siya at ako nawala tapos biglang hinanap hanap namin yung isa't isa hanggang sa point na may luha na sa mga mata namin... Tapos biglang nagka bungguan kami ni Emerald tapos humarap kami at nakita namin yung isa't isa... Nakita ko na umiiyak si Emerald nun kaya pinunasan ko yung mga luha niya..... At sinabi ko sa kanya na mahal ko siya sabi din niya na mahal na mahal niya ako tapos MUNTIK NA SANA YUNG DREAM HUG OR KISS NAMIN KASI GINISING AKO NI JENNY! Andito nga pala si Brendan bibisitahin daw namin si Tita kasi nasa ospital ehh di namin alam kaya pumunta dito si Brendan kasik bored daw siya sa bahay wala si Vean, yung kambal niya. Sige diary alis na ako ha?

Nagmamahal este nagsusulat sa iyong mga blankong pahina na tila ba walang kabuhay buhay ang iyong mundo,

-JD :)
---
"Brendan? Musta na si Tita nasa ospital siya diba?"

"Ahh... Oo JD pumunta muna ako dito kasi nga bored ako nasa ospital si Vean."

"Tara Brendan sama kaming bisitahin si Tita."

"Ehhh paano kung gabihin kayo ng pag uwi mahirap sumakay ng jeep tuwing gabi."

"Ahh... Ok lang tol magpapasundo nalang kami nagpaalam naman ako kay mama kanina, pumayag naman si mama."

"Sige JD."

"Jenny, Jeniffer, Julia, mag-ayos na kayo bibisitahin natin si Tita."

---

Nung nasa ospital na kami

"Tita kamusta ka na po?"

"JD, napadalaw ka? OK lang naman ako ehh..."

"Mama naman kasi kain ng kain ng matatamis at maalat ayan tuloy sinugod ko sa ospital. Ma, hinay-hinay lang sa pagkain ng matatamis." sabi ni Vean yung kambal ni Brendan

"Hahahahaha." Sabi ni Tita....

"Uy! JD musta na pala si Emerald ilang months ko na siyang di nakaka chat."

"Ahh... Si E-Emerald? OK naman siya... Madalas nga siyang bumisita sa bahay ehh...."

"Ahh.... OK."

Syempre meet my bhe or babe ko sa future (xD kung magiging totoo yan) Emerald Mendoza, she is my Best friend close na close kami simula nung Grade 6 palang kami.... Thank God strong parin Friendship namin.... Tawagan namin "Bhe" kaso may preffer ko yung names lang namin minsan nga napasabi pa ako ng "I love you" sa kanya ehh..... Kaso wala naman siyang pakialam sa love life.... Pero all I know is that I really really love her :) I really really really love Emerald.

---

4:00 na nung sinabi ko na uuwi na kami... Hanggang di ko nakita si Emerald na napadaan pala.... "Uy JD!"tawag sa akin ni Emerald. "Uy Emerald! So bakit ka nasa ospital ngayon?" tanong ko kay Emerald. "Ahh.... May pinapakuha sa akin si Mama, mga results daw." "Ahh...." "Uy JD, pwedeng sumabay ako sa inyo kapag uuwi na kayo?" "Ahh... O-Oo naman Emerald..." Di nalang ako tumingin kay Emerald sobra na kasing namumula yung mukha ko nun..... Well ano kaya mangyayari mamaya? Hanapin ko na nga muna sina Jen.

---

Hahahaha at eto na nga ang katapusan... Ng chapter one... Push mo yan JD kaya yan xD pumapagebeg :)

Labyu all

-Ms. Lover


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng isang Lover at Magic UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon