Gusto mo siya, ay hindi pala!
Mahal moh siya, yun ang tama.
tahimik ka pag anjan siya,
Di makapagsalita at natutulala.
Sabi moh nahihiya ka,
Ang sagot ko sayo, "bakit wala ka bang Mukha?"
Ayon sayo, Mukha niya'y maamo:
Mahinhin at di makabasag plato.
Palangiti at Laging nakatawa;
At may nangungusap na mga mata.
Sa tingin mo ba tama ka?
Na sarilinin ang yong nadarama.
Bakit hindi moh subukan?
Na siya ay iyong ligawan.
Nang kasagutan iyong malaman
Malay mo, gusto ka rin niya, di mo alam.
Nakakainis ka! Ba't di mo sabihin?
Ang iyong damdamin at saloobin.
Dahil ba natatakot ka?
Oh sadyang NATOTORPE KA?
May 7, 2014, Wednesday