Mahal ka nya mula pa nung una
Siya ang dahilan kunG bakit andito ka
Ang nag-iisang babae sa Mundo.
na hindi ka iiwan sa kung anu't-ano.
kanyang pangalan ang una mong nasambit.
ng magkamalay ang muwang mong isip.
tinulungan ka sa una mong tayo,
maging sa una mong pagkabunggo.
marami mang mga di pagkakasundo
mga away at pagtatalo.
pwedeng dumating pa nga sa puntong,
nasapok ka nya at napalo.
maaring nasaktan ka niya
pero ako ng nagsasabi na mahal na mahal ka
Bawat isa sa atin ay meron nito.
kung wala ka, weh? Maniwala sayo.
mama ang tawag ko ng sakin
yung sa iba ay mommy para tutyalin.
ina, inay, o nanay noon
na mudra at mader na ngayon
Iba't iba man ang tawag natin
isa lang ang di pedeng baguhin
na siya ang ating nag-iisang hero
at ang nag-iisang taong sasabihan ko ng
MA, I LOVE YOU <3
May 10, 2014, Friday
Mother's day tribute to my Mom