Part 4

5 1 0
                                    

"Secretly Loving You"
-Part 4

Ryan's POV:
Sa wakas may Point of View nadin ako sa Lovestory nato. Haha. Ako nga pala si Ryan Garcia, gwapo at anak ako ng mayaman. I have two friends sina Ronald at James. Si Ronald? Inborn na siguro ang kasungitan niyan minsan lang yan ngumingiti. Si James? Friendly at mabait yang tao pero wala paring sineseryoso sa mga nagiging girlfriends niya. Ako? Secret muna. Hahaha.
Actually, nandito kami sa tapat ng *** University para kumain ng lunch namin. May mamahaling restaurant kasi sa tapat ng University na ito. First day pa nga namin sa school, talagang ang sikat pa namin! Bukod pa sa mayayaman kami, mga gwapo at hot parin kami.

"Brad daming chicks nuh?" natawang sabi ni James sakin.
"Oo nga. Siguradong maenjoy tayo sa University. Haha" Ako
"Tch." Ronald
Sungit talaga.
"Nakita mo ba yung katabi ko sa upuan kanina? Ahaha, palagi nalang nagpapa-cute sakin. Haay, ba't ba kasi ang gwapo ko? Ang daming sumisimba" James. Wow lang ha?
"Psh. Kahit kailan ka talaga Brad! Ano bang pangalan ng babaeng yan?" tanong ko.
"Irene. Irene pangalan niya."

Kathleen's POV:
"Irene. Irene pangalan niya" sabi ni James at ngumiti.
What the heck?
Nandito kasi kami kumain ng lunch ni Faith at hindi namin inaasahan na dito din magla-lunch ang tatlong gwapo. Dinig na dinig namin ang pinag-uusapan nila dahil magkatapat lang yung mesa namin sa kanila.
"Best, sinong Irene?" mahinang tanong ko kay Faith.
"Irene?! Walang iba kundi yung classmate namin na ang daming peklat sa legs. Yung palaging kasama ng Margarita na yun!" sagot ni Faith.
Yeah, alam ko talaga na magkaaway sina Marga at Faith. Lalo na ng Monica na yun.
"What?! Yung palaging nakamake-up?" Tanong ko.
"Eh, pareho naman sila eh. Puro nakamake-up." Faith.
"A-ah . ." ako. Pero ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng inis sa babaeng yun. Palaging nagpapa-cute kay James? Like Duh! Ang feeler niya talaga!
Irene plus James equals Jairene ? Hindi bagay. James plus Kathleen equals JamLeen? Perfect! Bagay na bagay. Perfect combination talaga ang pangalan namin. Wahahaha.
~Imagination~
James: Wala ka namang dapat pagseselosan kay Irene dahil ikaw lang ang mahal ko.
Then he hugs me tight.
~Reality~
"Waaaaa ! ! !" wala na. Diko na mapigilang sumigaw sa kilig. Pinagtinginan na kami ng mga taong kumakain sa Restaurant na to. Bahala na sila.
"Hoy Kathleen! Ano ba?! Basta-basta ka na lang sumisigaw dyan! Tingnan mo, ako nalang napahiya sayo!" namumulang sabi ni Faith at binatukan ako.
Tumingin ako sa paligid and ...

O___O

O M G ! He's looking at me while smiling! Oh my God! Nasa Cloud 9 na ba ako? Syet. Kilig to the bones! Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Wahahaha!

"Hoy Best! Ano bang nangyari sa'yo ngumingiti ka lang dyan! Hey" Faith.
"Best, tingnan mo. He's smiling at me. Tingnan mo." ako.
Tiningnan naman niya ito pero . .
"Best, ang asSuming mo. Akala mo ikaw ang nginitian niya? Tingnan mo nga yung nasa tapat rin nating mesa. Si Irene! Si Irene ang nginitian niya." inis na sabi ni Faith na ikinawala ng mga ngiti ko. Aaarggh! Kakainis akala ko ako, ang Irene pala na iyon! Nawala na yung gana sa pagkain kaya hinila ko na si Faith palabas ng restaurant. Badtrip. Tch.

Faith's POV:
Gusto ko nang matawa sa reaksyon ni Kathleen nung malaman niyang si Irene pala ang nginitian ng 'crush' niya. Ang assuming masyado. Nandito kami sa secret garden ng School dahil dito niya ako dinala. Infairness, ang ganda at ang sariwa ng amoy ng hangin dito. Nakahiga siya sa green grass habang ako naman ay nakaupo lang. Walang masyadong estudyante dito kaya ang sarap matulog dito. Saka kung gusto mong mapag-isa pwede kang pupunta dito. Ito ang tambayan namin ni Kathleen pa'g wala kaming ginagawa.
"Best? Hindi ka na umiimik dyan. Hahaha." ako.
"Aaarrggh! Naiinis na talaga ako sa Irene na yun Best! Kung asan tayo, nandoon din sila? Akala ko ako yung nginitian ni James ko! Hmp!" sabi niya sabay roll eyes.
"Assuming mo kasi" sagot ko.
"Like Duh! Di sila bagay nu! Bitter na kung bitter basta hindi sila ang bagay. Kami lang !" Kathleen.
"Oo na. Kayo na ang bagay ! Di kasi kayo tao eh" Ako.
"Hmp!" Isnabera talaga kahit kailan.

---
Natapos na yung klase sa hapon at ngayun ay uwian na. Naggala-gala muna kami ni Kath sa Mall. Nuod ng sine at kumain ng Ice Cream. Shopping'2 , ganun. Buti nalang at nawala na yung inis niya sa Irene na yun. Ang lakas talaga ng tama ni Kathleen kay James.
Well, life.

***
(to be conTinue)


" Secretly loving You "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon